Rachel's POV:
Tahimik kaming nasa loob ng sasakyan. Nakatingin ako sa bintana at katulad ko, tumtingin din si Ethan sa labas. Tahimik namang nag mamaneho si Liam. Pero hindi nag tagal, nag simula siyang magsalita para basigin ang nakakabinging katahimikan.
"Sorry.." Ika ni Liam.
Tinignan ko siya.
"You shouldn't do that Liam.. Alam mo namang kasama natin si Ethan.." Sagot ko.
Huminga ng malalim si Liam at tinignan si Ethan sa rear view mirror.
"Tol.. Sorry.. Sana hindi ka galit sa akin.." Ika ni Liam.
Tinignan din siya ni Ethan sa parehas na salamin.
"Di.. Masamang tao ba siya? Hindi ba't kasama siya ni Mom sa trabaho? Bakit po kayo nag away?" Tanong ni Ethan.
"Because.. I.. was.. trying to protect what's mine.." Sagot ni Liam.
"Gusto niya po bang agawin si Mom sa inyo?" Tanong ulit ni Ethan.
Tumango si Liam bilang sagot.
"Ngayon alam ko na.. Kapag po pala mahal niyo at tinangka ng ibang taong agawin sa inyo.. dapat po pala.. saktan niyo.." Sagot ni Ethan.
"No.. hindi ganun anak.. Kahit ano pa ang ginawang mali sayo ng tao.. wala kang karapatang manakit.. Hindi tama yun Ethan.." Sabat ko.
"Pero Mi.. Kung hindi po tama yun.. bakit po ginawa ni Dad?" Tanong ni Ethan.
Hindi ako nakasagot.
"Mali yung ginawa ko Ethan.. Hindi ko na control ang galit ko.. Dapat hindi ako nanakit ng ibang tao.. Tama ang mommy mo.. Mali yun.." Sabat ni Liam.
-------------------------------------------------
Liam's POV:
Nang makarating kami sa bahay, agad kong pinuntahan si Marcus sa study room niya.
"Liam! Buti nalang at dumating ka na.. Kakatawag lang sa akin ni Attorney Mendez.. May atraso ka daw.." Ika ni Marcus.
"Oo pre.. May mukha akong binasag sa mall kanina.." Sagot ko.
"Kanino?" Tanong ni Mike.
"Kay Red." Sagot ko.
Pare-parehas tumingin sa akin ang buong barkada.
"Ano na namang nangyari?" Tanong ni Dan.
"Nag mall kami nila Rachel at Ethan.. Gusto kasi sana nami ng quality time.. Kaso nakasalubong namin si Red sa mall.. Nung una na control ko pa.. Kaso sinabi niya na threat siya sa pagsasama namin ni Rachel.. Doon na nag dilim ang paningin ko.. Nasapak ko siya.. Hanggang sa na wili ako at hindi ko na siya tinigilan sa kakasapak.. Buti at inawat ako ni Rachel.." Sagot ko.
Natawa sila.
"G-go.. Na wili ka? Ano yan hobby?!" Biro ni Kenzo.
Natawa din ako.
"Teka.. Bago tayo mag tawanan.. Kailangan muna nating ayusin ang pangalan ni Liam.. Aalis na tayo papuntang Barcelo sa susunod na linggo.." Sagot ni Marcus.
Tumango ako.
"Oo nga pala.. Hindi nga pala siya makakaalis kapag may kaso siya.." Dagdag pa ni Dan.
Huminga ng malalim si Marcus.
"Titignan ko kung anong magagawa ko.." Sagot niya.
"Sus.. Kunyari ka pa eh.. Alam ko naman na magagawan mo talaga ng paraan yun.." Sagot ni Kenzo.
BINABASA MO ANG
STATUS: STILL MARRIED (COMPLETED)
RomanceMahal ni Liam si Rachel at mahal ni Rachel si Liam.. Perfect na sana ang relasyon na meron sila. Pero sabi nga nila, dadating talaga ang panahon na susubukin ng tadhana ang pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan. Will she be strong enough to stay...