Liam's POV:
Ngayon papakasalan ko ulit ang babaeng bumuo sa pagkatao ko. Ang babaeng nag bigay sa akin ng mga anak ko at nag babaeng nag bago ng buong buhay ko.
Si Rachel.
Nang una ko siyang nakilala, hindi ko inasahan na siya na pala ang babaeng nakatadhana sa akin. Hindi ko nga alam kung ano bang nagawa kong tama sa buhay ko at biniyayaan ako ng isang maganda, maunawain at maalagang asawa.
"Pre.. Wag mong sabihin na kinakabahan ka pa? Aba! Hindi ka first timer sa kasal oy!" Ika ni Kenzo na siya namang nakakuha ng attention ko.
Natawa ako.
"Tanga! Hindi ako kinakabahan pre.. Excited na nga ako eh.." Sagot ko.
"Aba dapat lang.. Papakasalan mo kaya ang dream girl mo.." Sagot ni Marcus.
Natawa na naman ulit ako.
"Ikaw din naman ah? Pinakasalan mo din naman ang dream girl mo ah?" Sagot ko.
Kinindatan niya ako.
"Naman! Inaral ko kaya ang hokage moves.." Sagot niya.
Habang masaya kaming nag uusap, bigla naming napansin ang katahimikan ni Mike.
"Hoy! Tahimik mo?" Tanong ko sa kanya.
Tinignan niya ako.
"Wala lang.. Masama bang maging tahimik paminsan-minsa?" Tanong niya.
"Hindi naman.. Pero hindi bagay sayo." Sagot ko.
"Sus! Ako na nga lang ang nag papatawa sa halos lahat ng kwento tapos hanggang ngayon ako pa din? Please! Give me a break!" Pag bibiro niya.
There you go! Yan ang Mike na kilala at nakasanayan namin.
"Yan! Mag biro ka.. Hindi yung nananahimik ka.. Pakiramdam tuloy namin may problema.." Sagot ni Marcus.
"Nako.. Wag niyo na nga akong pansinin! Sa kasal nalang ni Liam tayo mag focus.." Sagot niya.
Tumango ako.
-----------------------------------------------------------------------------------
Rachel's POV:
"R.. Excited?" Tanong ni Jaja.
"Oo naman! For the seond time, ikakasal ulit ako sa lalaking mahal ko.." Sagot ko.
Tumango siya.
"Gusto ko na din magpakasal ulit.." Sagot niya.
"Oh.. Edi magpakasal kayo ni Marcus ulit.." Sagot ko.
Huminga siya ng malalim.
"Saka na.. kapag hindi na siya busy sa pag papayaman.." Sagot niya.
Tumango ako.
"Alam mo.. pagsabihan mo yang asawa mo.. Kung dati nagagawa niyang mag dayoff, ngayon madalang nalang.. Sabihin mo sa kanya na wag naman siyang masyadong mag trabaho.. Bigyan niya din kayo ng oras..." Sagot ko.
Tumango siya.
"Oo nga eh.. Sinabihan ko naman.. At bumabawi naman siya.. Pero sandali lang.. After nun balik na naman siya sa dati.." Sagot niya.
"Nako Jacqueline.. Hindi maganda sa marriage niyo yan.." Sagot ko.
"Alam ko.." Malungkot niyang sagot.
Hinawakan ko ang balikat niya.
"Hayaan mo.. Ipapakausap ko siya kay Liam.." Sagot ko.
Tumango siya at ngumiti.
****
At long last, ito na ako at naglalakad sa aisle paputa sa altar kung saan naghihintay sa akin ang lalaking ama ng mga anak ko. Ang lalaking mahal ko at ang lalaking gugutuhin kong makasama hanggang pag tanda ko.
"Hi Baby." Bati ni Liam nang narating ko ang altar.
Ngumiti ako.
"Hi Baby.." Sagot ko.
"By the way.. Ang ganda mo.." Dagdag pa niya.
"Hmmm.. Your not bad yourself.." Sagot ko.
Inabot ko ang kamay ko sa kanya at agad naman niya iyong kinuha. Parahas kaming humarap sa altar at nakinig sa pari.
I am so glad that I'll marry the same man.
-----------------------------------------------------------------------------------
Liam's POV:
Sa hinaba-haba ng misa, narating na din namin ang part kung saan kailangan naming sabihin ang vow namin para sa isa't-isa.
Nauna si Rachel.
"Liam.." Pag sisimula niya at saka tumingin sa mga mata ko.
"Our marriage has been tested and we've proven the world that we are unbreakable. So baby.. I'd like to thank you.. For holding on and for being strong.. Today, nasa harap na naman tayo ng altar to renew our vows.. And so.. let me promise you this.. The next time na may pagdadaanaan tayong pagsubok, magiging matatatag din ako.. Lalaban din ako at pinapangako kong hindi na ako bibitaw.. I love you so much and I am so glad that I am marrying you for the second time.."
And now, it was my time to say my vow.
"I love you.." Pagsisimula ko.
"Those three words was so short.. yet so true.. When I first met you, I never thought I am capable of loving someone this much.."
Panandalian akong natahimik dahil nararamdaman ko na ang namumuong luha sa mga mata ko.
"You and the kids mean the world to me.. Because of you guys.. I am living.. I am happy.. I am contented.. You're the completion of my being.. the reason why I am breathing.. So baby.. salamat.. Sobrang salamat sa pag dating sa buhay ko.. Salamat dahil nag stay ka.."
This time, I cried. But the show must go on so I tried composing myself and I finished my vow.
"Tulad ng sinabi mo, sinubok na ang relasyon natin.. Pero nag papasalamat ako dahil kahit na dumaan tayo sa pagsubok, nagawa pa din nating mag stay sa tabi ng isa't-isa.. So today, let me promise you one thing.. I will never do anything that would lead our relationship into waste.. I love you much and that will never change no matter what.." Pag tatapos ko.
****
Natapos na ang lahat ng parte ng misa at tapos na din ang vow. At ngayon, nasa huling bahagi na kami ng seremonya.
Ang part kung saan sasabihin na ni father na "you may now kiss the bride". It yung part na madalas hinihintay naming mga lalaki. Dito din sa part na to madalas maraming picture na kinukuha.
"You may now kiss the bride.." Ika ni Father.
Itinaas ko ang belo ni Rachel.
"Hi.." Nakangiti kong bati sa kanya.
"Hi.." Balik din niyang bati sa akin.
"Ayan ha? Dalawang beses ka nang kinasal sa akin.. This time wala ka na talagang kawala.." Sagot ko.
Natawa siya at tumango.
"Wala na din naman na akong balak na kumawala pa sayo.." Sagot niya.
And with the, inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya and I claimed her lip.
Today, ikinasal ulit ako sa babaeng una kong pinakasalan. Ang babaeng uma-absorb ng lahat ng reklamo at kwento ko. And babaeng nag silbing alarm clock at reminder ko. Ang babaeng nag bigay ng buhay sa mga anak ko.
"In this world full of side chicks, she's my main.."
-----------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
STATUS: STILL MARRIED (COMPLETED)
RomanceMahal ni Liam si Rachel at mahal ni Rachel si Liam.. Perfect na sana ang relasyon na meron sila. Pero sabi nga nila, dadating talaga ang panahon na susubukin ng tadhana ang pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan. Will she be strong enough to stay...