Liam's POV:
And just like that, nasa Barcelona na kami at nasa sasakyan. Papunta na kami sa hotel ng kaibigan ni Marcus na nag offer nang isang penthouse para ma tuluyan namin ng isang bwan.
Yes... may pa penthouse si Mayor.
Pagkatapos ang halos kalahating oras ng byahe, narating na namin ang hotel. And as expected, pare-parehas na naman naming kinuha ang mga cellphone namin para mag report sa mga kumander namin na nasa Pilipinas.
Nakakatawa man, pero ganito talaga ang realidad namin.
"Bro.. ganda nitong hotel.. Baka naman pwede muna tayong mag pahinga at matulog? Baka naman sabihin mo na trabaho na tayo kaagad..." Ika ni Mike.
"Natural trabaho agad.. 'Yon naman kasi talaga ang pinunta natin dito.." Sagot ni Marcus.
"Wow.. Lupet.. Work mode agad si Boss.. Namimiss na niyan si misis kaya nag mamadaling mag trabaho.." Sagot ni Mike.
"Naman! Kaya meron lang tayong 30 minutes para maligo at kumain.. Then after that, derecho na tayo sa meeting ko.." Sagot ni Marcus.
"Saan naman yang meeting na yan?" Tanong ko.
"Sa kompanya ng possible investor natin.." Sagot niya.
Tumango naman kami.
****
Katulad ng utos ni Boss, naligo kami kaagad at nagpalit ng suit. Hindi daw kasi pwede na naka jeans lang at tshirt. Dapat daw yung parang pang secret service ang datingan.
Ewan ko ba kung bakit ang daming hanash.. Eh ang trabaho lang naman namin ay ang protektahan si Marcus.
At dahil busy pa ang mga kasama ko, pumuslit muna ako ng tawag kay Rachel.
It's already 2PM here in Barcelona at dahil 6 hours ahead ang Pinas, 8AM palang doon ngayon.
"Hello Baby.." Bati niya sa akin nang sinagot niya ang telepono.
"Hi Baby.. Anong ginagawa mo?" Tanong ko.
"Ito.. nagmamaneho papuntang office.. Sayang.. hindi kayo nakapagusap ni Ethan.. kakahatid ko lang sa kanya sa school eh." Sagot niya.
"Okay lang.. Mamaya tatawag naman ulit ako eh.." Sagot ko.
"Okay.. Kamusta na kayo diyan? Nag lunch ka na ba? 2PM na diyan ah.." Tanong niya.
"Kumakain palang ako baby.. Nang dumating kasi kami dito sa hotel naligo ako.. May meeting kasi si Marcus mamayang 4PM kaya medyo naghahabol kami sa oras.." Sagot ko.
"Kawawa naman ang baby ko.. Edi sige.. kain ka na muna diyan.." Sagot niya.
"Hmmmmp.. pwede naman akong kumain habang kausap ka eh.." Sagot ko.
Natawa siya.
"Sus... namimiss mo ako no?" Tanong niya.
"Oo naman.. Sobra.. Kayo at ang mga anak natin.." Sagot ko.
"Hmmmm.. Namimiss ka na din namin.." Sagot niya.
Hindi pa man ako nakakasagot nang biglang tawagin ni Marcus ang attention ko.
"Liam.. mamaya na kayo mag usap ng baby mo.. Kailangan na nating umalis.. Tara na.." Pag aaya niya.
Nak ng kamote naman. Hindi pa nga nakakakain eh.. Hindi naman ako na inform na hungry games pala tong peg namin..
Tumango ako sa kanya at nag paalam kay Rachel.
"Baby.. I have to go.. Kailangan naming umalis eh.." Ika ko.
"Ah.. ganun ba? Sige.. Bye baby.. I love you.. I miss you.." Sagot niya.
"I love you and I miss you too.. Tawag ulit ako mamaya para makausap ko si Ethan.." Sagot ko.
Nang natapos na ang tawagan namin ni Rachel, agad kong kinuha ang sandwich.
Kailangan ko ng makakain kasi kung hindi, baka mag wala ako. Lagi pa naman akong badtrip kapag gutom.
-----------------------------------------------------------------------------------
Rachel's POV:
Pagkatapos naming mag-usap ni Liam sa telepono, nag concentrate ako sa pag mamaneho. Kaya lang bigla na naman akong nakaramdam ng kaba.
Ito na naman.. kinakabahan na naman ako..
Simula nung umalis si Liam hindi na nawala sa akin ang pakiramdam ng pagkabalisa at pag aalala. Hindi ko maipaliwanag pero I've been so worried lately. At ang malala pa nun ay hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako nag aalala.
There must be something wrong.
And while I was thinking, nakita ko ang wedding ring na nasa daliri ko.
He married me.. mahal niya ako.. I am the mother of his children.. I am certain that Liam will not do anything to hurt me or our kids.. Kami ang buhay niya..
Siguro kaya lang ako nag aalala kasi buntis ako. Iba pa naman ang takbo ng hormones ng mga buntis.
Tama.. Itong nararamdaman ko dahil lang to sa pag bubuntis ko.
****
"Naks.. buti hindi ka late mamshie.." Bati ni Lyssa.
Ngumiti ako sa kanya.
"Alam mo namang holiday ngayon at maluwag ang daan.." Sagot ko.
"Ay.. Korek.. Pwede ka ngang mag patentero sa daan eh.. Pero maiba ako.. may note at food na iniwan diyan si Sir Red sa desk mo. Hindi ko binasa yan.." Pagbibigay alam niya.
Kunot noo akong tumingin s desk ko.
Ano naman kaya tong note ni Boss?
Kinuha ko ito para basahin.
- Goodmorning.. I got you breakfast.. May nakapasabi kasi sa akin na maya't-maya daw nagugutom ang buntis. Eat well... -
I crumpled the paper and took the bag of food from my desk.
Binigay ko ito kay Lyssa.
"Lys.. ito oh.. Sayo nalang.." Ika ko.
Natataka siyang nakatingin sa akin.
"Girl.. para sayo yan.. Tsaka busog pa ako.." Sagot niya.
"Girl naman.. alam mo naman na hindi ko pwedeng tanggapin to.. So kaysa masayang, pwede bang sayo nalang?" Tanong ko.
Alanganin man, kinuha pa din ni Lyssa ang pagkain.
"Sige.. Akin nalang.. Pero pag ito talaga nakita ni boss dito sa desk ko at napagalitan ako.. konyat ka sakin.." Sagot niya.
Natawa ako.
"Sus.. Alam ko naman na hindi mo ako kayang konyatan eh.. At kung ako sayo.. kainin mo na yang pagkain na yan ngayon para hindi makita ni Boss diyan sa desk mo.." Sagot ko.
Natawa din siya.
-----------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
STATUS: STILL MARRIED (COMPLETED)
RomanceMahal ni Liam si Rachel at mahal ni Rachel si Liam.. Perfect na sana ang relasyon na meron sila. Pero sabi nga nila, dadating talaga ang panahon na susubukin ng tadhana ang pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan. Will she be strong enough to stay...