T W E N T Y - T H R E E

4.7K 91 3
                                    

Rachel's POV: 

I can't believe that Liam did this! Ang buong akala ko maaayos namin ang relasyon namin oras na nakausap ko na si Sarah.

But talking to that b-tch just made everything worse! 

Nang nakalabas ako sa restaurant kung saan kami nag usap, agad akong pumunta sa kotseng hiniram ko kay Jaja at nag maneho papunta sa mansyon ng mga Garcia.

Kukunin ko ang anak ko.

Habang nag mamaneho, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Attorney Aniban.

"Hello Attorney.. I hope your not busy.. Kailangan kasi sana kitang makausap.. Mag fifile ako ng annulment.. Do you have time?" Tanong ko.

"Oo naman.. Nasa office ako buong hapon bukas.. Kung libre ka tomorrow pwede mo akong puntahan.." Sagot niya.

"Sige po.. Pupunta po ako diyan bukas.. How about 2PM?" Tanong ko.

"Sounds perfect.. I'll see you then Rachel.." Sagot niya.

-----------------------------------------------------------------------------------

Liam's POV:

At dahil hindi ko nabutan si Rachel palabas ng restaurant, agad akong pumunta sa kotse para habulin si Rachel. Alam kong sa mansyon ang punta niya dahil kukunin niya si Ethan.

Habang nag da-drive, paulit-ulit kong tinatawagan si Rachel pero hindi niya sinasagot.

This is f-cking frustrating.

Dahil hindi sumasagot ang misis ko, si Dan naman ang tinawagan ko.

"Oh? Kamusta?" Tanong niya sa kabilang linya.

"Pre.. Papunta si Rachel diyan sa mansyon para kunin si Ethan.. Kahit anong mangyari wag na wag mo siyang papaalisin.. Papunta na din ako diyan ngayon.." Sagot ko.

"Bakit? Ano na namang nangyari? Akala ko ba okay na?" Tanong ulit niya.

"Mamaya ko ike-kwento lahat pre.. Sa ngayong ang importante, hindi makaalis si Rachel diyan." Sagot ko.

"Sige.. Sige.. Akong bahala.." Sagot niya.

****

Pag dating ko sa mansyon, nandoon pa din si Rachel at Ethan.

Buti nalang maasahan si Dan.

"Baby.. Please.. lets talk.." Ika ko nang nakita ko si Rachel na naka upo sa sala ng mansyon.

Mabuti nalang at dinala nila Dan at Karla si Ethan sa playroom kasama ang mga bata.

Tinignan niya ako ng masama.

"Talk? About what? About our annulment? Wag kang mag alala.. Maguusap kami ng abogado ko bukas.." Sagot niya.

"Hindi! Hindi ka makikipagusap sa abogado mo o sa kahit na sinong abogado regarding annulment! Sinabi ko na diba?! Walang mag hihiwalay!" Sagot ko.

"Walang mag hihiwalay? Anong gusto mo Liam? Ang parusahan ako?!" Galit niyang sagot.

"Baby.. Hindi.. Of course not.. Bakit ko naman gagawun yun sa taong mahal ko?" Mahinahon kong sagot.

"Then let me go.." Sagot niya.

"Rachel.. that's too much.. Your asking me to let you go? Para mo na din sinasabing mag bigti nalang ako.." Sagot ko.

"Pero Liam.. I can't stay.. Masyado na akong nasasaktan.. Lahat ng chance naibigay ko na.. Lahat ng paliwanag na pakinggan ko na.. What else do you want from me?" Umiiyak niyang tanong.

STATUS: STILL MARRIED (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon