Liam's POV:
Katulad ng plano, una ko ngang pinuntahan ang opisina ni Rachel. Halos lahat ng katrabaho niya, napagtanungan ko na. Pero wala ni isa sa kanila ang may alam kung nasaan siya. Susuko na san ako nang bigla kong nakita na palabas ng building si Lyssa.
"Lys.. buti nakita kita.. Kasi.. may tatanong sana ako sayo.." Pagsisimula ko.
Kunot noo siyang nakatingin sa akin.
"Ano yun? At bakit hindi pumasok si Rachel? May sakit ba siya?" Tanong niya.
Umiling ako.
"Wala.. wala siyang sakit.. Pero kasi may pinagawayan kami and she left.. Kaya nga ako nandito eh.. Kasi gusto sana kitang tanungin.. Baka sakali kasing alam mo kung nasaan siya.." Sagot ko.
Umiling siya.
"OMG.. Nag away kayo? Hala.. Hindi ko alam kung nasaan si Rachel eh.. kanina ko pa nga tinatawagan pero hindi ko siya ma contact.." Sagot niya.
Tumango ako.
"Okay lang.. Pero matanong ko lang.. Yung boss mo ba nasa opisina niya?" Tanong ko.
Hindi ko alam kung bakit biglang lumabas sa bibig ko ang tanong na iyon. Ewan ko ba.. Siguro kasi natatakot ako.. Ngayon kasi hindi ako nakabantay kay Rachel kaya baka may ibang tao na gumagalaw para maagaw sa akin ang misis ko.
"Si Sir Red? Wala siya eh.. Kaninang umaga nagmamadali siyang umalis.. Ang sabi niya lang may kailangan siyang puntahan.. Kapag daw may emergency sa office kay Sir Gio daw namin sabihin.." Sagot niya.
Tumango ako.
"Ah.. Nasabi niya ba kung saan o kanino siya pupunta?" Tanong ko.
Umiling siya.
"Hindi eh.. Basta nagmamadali lang siya.." Sagot niya.
Magkasama kaya sila?
I snapped out of my thought and decided to come back to reality.
No.. hindi sila magkasama.. That's impossible.. Tatangihan ni Rachel ang kahit na anong tulong na mangagaling kay Red.
Mahal niya ako.. Kaya alam kong hindi niya gagawin ang mga bagay na ikagagalit ko.
****
Dahil wala akong napala sa opisina ni Rachel, nag decide akong tawagan si Marcus. Marami kasi siyang kilalang hotel owners at baka sakaling nag hotel si Rachel at Ethan pansamantala.
"Bro.. Hello.. Balita?" Tanong niya sa kabilang linya.
"Pre.. galing na ako sa opisna ni Rachel eh.. Walang idea ang mga katrabaho niya kung nasaan siya eh.." Sagot ko.
"So.. any other plans?" Tanong niya.
"Yeah.. At kailangan ko sana ang tulong mo.." Sagot ko.
"Okay.. Paano ako makakatulong?" Tanong niya.
"Baka naman pwede kang mag tanong sa mga kilala mong hotel owners? Baka kasi nag hotel sila Rachel eh.. Pwede mo bang hingin ang CCTV footage nila? Or kahit man lang listahan ng guest na nag check-in?" Tanong ko.
"Sige.. I'll ask my friends a favor... Give me until this afternoon.. Babalitaan kita for any updates.." Sagot niya.
"Sige pre.. Salamat.." Sagot ko sabay baba ng telepono.
-----------------------------------------------------------------------------------
Rachel's POV:
"Red.. salamat ha?" Ika ko nang nakapasok kami sa condo ng bestfriend ni Red.
"Okay lang yun.. Basta ikaw.." Sagot niya.
Tumango ako at ngumiti.
"And one more thing boss.. Pwede po ba akong mag leave pansamantala?" Tanong ko.
Tumango siya.
"Oo naman.. Bibigyan kita ng 2 weeks off from work.. Pero matanong ko lang din.. Hanggang kailan ka ba magtatago? Wala ka na ba bang balak makipagkita sa kanya? At ano nang plano mo ngayon?" Tanong niya.
Pansamantala akong natahimik kaya naman agad na nagsalita si Red.
"Pero if it's too much.. don't answer it.. Hindi ka naman required sumagot eh.." Ika niya.
"Okay lang.. Kaya ko namang sagutin.. Hindi naman ako nagtatago.. Gusto ko lang ng space.. Kaya hindi ko pinapaalam sa kanya kung nasaan ako.. Sa ngayon kasi galit pa ako at kapag nagkita kami, hindi pa din kami magkakausap ng maayos kasi puro panunumbat lang ang masasabi ko.. May balak akong magpakita sa kanya.. Siguro after a month.. Kapag medyo naging okay na ako.. Yun eh kung hindi niya ako mahanap.. At ang plano ko? Sa ngayon.. hindi ko pa alam.. Wala pa akong idea kung paano ako magsisimula ulit eh.. Ang tagal na din kasi ng pinagsamahan namin ni Liam at ang dami naming nabuo at natupad na pangarap.. Ang dami naming problemang nalampasan at madami kaming masasayang alaala na pinagsaluhan.. Kaya sa ngayon.. hindi ko talaga alam paano.. mabubuhay ulit." Sagot ko.
Ramdam ko ang mga luhang nagsisimulang mamuo sa mga mata ko kaya naman umiwas ako ng tingin kay Red at ibinaling ang attention ko sa ibang bagay.
"Okay.. Enough of him.. Sa ngayon.. magpahinga na muna kayo ni Ethan.. Lalabas muna ako at bibili ng pagkain para sa atin.." Sagot niya.
Tumango ako.
"Red.. salamat ha? Salamat kasi tinutulungan mo kami.." Sagot ko.
Ngumiti siya.
"Amelia.. I'll always be here for you.." Sagot niya.
****
Nagising ako at napansin kong palubog na ang araw.
Wow.. Ang tagal ko palang natulog.
Nang nagising ako, napansin kong wala na si Ethan sa tabi ko kaya naman agad akong lumabas sa kwarto. At nang narating ko ang sala ng condo, doon ko nakita si Ethan na nanunuod ng TV kasama si Red.
"Oh.. Hi Mi.. Gising ka na pala?" Bati ni Ethan sa akin.
Ngumiti ako sa kanya.
"Kanina ka pa ba gising? Sana ginising mo na din ako.." Sagot ko.
"Hindi po kita pwedeng gising Mi.. Diba nga po.. bilin ni Di magpahinga ka ng marami.." Sagot ni Ethan.
Nalungkot na naman ako dahil bigla kong naalala si Liam. Pero hindi ko din naman masisisi si Ethan kasi hindi niya alam ang totoong nangyari sa amin ni Liam.
Masunuring bata ang anak ko kaya noong sinabi ko na kailangan namin umalis, hindi na siya umangal pa at sumunod nalang sa sinasabi ko. Hindi na din siya nag tanong kahit na alam kong madaming tanong sa isip niya.
"Ahmmm.. Oo nga.. Masama sa buntis ang masyadong napapagod at nagugutom diba? Kaya ito.. bumili na ako ng food para sa atin.." Sabat ni Red.
Ngumiti ako.
"Salamat.." Sagot ko.
Ngumiti din siya.
"Sandali.. Initin ko na muna tong pagkain natin.." Sagot ni Red.
"Ay hindi na.. ako na.." Pag pigil ko.
Umiling siya.
"Hindi.. Ako na Amelia.. Samahan mo nalang si Ethan sa panunuod ng TV.." Sagot niya.
Tumango ako.
"Sige.. kung talangang mapilit ka hindi na ako makikipagtalo.." Sagot ko.
Natawa siya.
-----------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
STATUS: STILL MARRIED (COMPLETED)
RomansaMahal ni Liam si Rachel at mahal ni Rachel si Liam.. Perfect na sana ang relasyon na meron sila. Pero sabi nga nila, dadating talaga ang panahon na susubukin ng tadhana ang pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan. Will she be strong enough to stay...