T H I R T Y - F I N A L E

6.8K 129 3
                                    

Rachel's POV: 

Alas quatro na nang madaling araw at kaninang ala una pa kami gising ni Liam. Nag simula kasi akong makaramdam ng pananakit sa likod at ibabang bahagi ng tiyan. 

"So.. Hindi false labor? Totoo na talaga?" Tanong ni Liam. 

Nitong mga nakaraang linggo kasi lagi kong nararamdaman ang ganitong pakiramdam. Pabalik-balik kami sa hospital pero angsabi false labor lang daw. 

But this time? It's different.. 

"Liam sobrang sakit na ng likod at tiyan ko.. Kung false labor man to o hindi kailangan mo pa din akong dalhin sa hospital dahil hindi ko na kaya ang sakit!" Sagot ko. 

Tumango siya. 

"Okay.. Stay here.. Dadalhin ko lang lahat ng gamit nating sa kotse.. Babalik ako kaagad.." Sagot niya. 

Nang nakaalis na si Liam, nag deicde akong tawagan si J. 

"Hello?" Sagot ng isang kakagising lang na si Jaja. 

"Ja.. Pwede bang tignan-tignan mo muna si Ethan? Pupunta kasi kami ni Liam ngayon sa hospital.." Sagot ko. 

"Manganganak ka na?" Tanong niya. 

"Sa tingin ko, oo.." Sagot ko. 

"Sige.. sige.. Pupunta na ako diyan sa bahay niyo ngayon.." Sagot niya. 

"Okay.. Salamat.." Sagot ko. 

-----------------------------------------------------------------------------------

Liam's POV: 

Papunta na kami sa hospital ni Rachel. Nagmamaneho ako samantalang nasa passenger seat naman si Rachel at matiyang nag hihintay hanggang sa marating namin ang hospital. 

"Baby.. can't you go any faster?" Tanong niyo. 

"Baby.. ito na ang pinakamabilis kong takbo.. Kapag mas binilisan ko pa, I'll have violation tickets.." Sagot ko. 

Tumango siya pero baksa sa mukha niya ang sobrang sakit at hirap. 

Ah! F-ck that violation ticket!

Dahil hindi ko matiis na nakikitang nahihirapan at nasasaktan si Rachel mas lalo kong binilisan ang takbo ng sasakyan. Bahala na kung mag mumulta or makuha nag lisenya. Basta sa ang importante ngayon makarating na kami sa hospital. 

****

Nang narating namin si Rachel agad siyang inassist ng mga nurses. Nandoon na din ang OB niya kaya mabilis siyang nadala sa labor room. 

And now, she's about to push. 

"Baby.. I'll be with you all through out the process.." Pagtitiyak ko sa kanya. 

Tumango siya. 

"Okay.. So Ready na tayo Amelia ha? When I say push, you push okay?" Tanong ng doctor. 

"Yes Doc.." Sagot ni Rachel. 

"Now.. Push.." Kalmadong utos ng doctor. 

Then the same instruction was given to Rachel multiple times until the delivery room was filled with a loud cry from a baby. 

She's here! 

Our little Melissa is here.. 

"Baby.." Bulong ko kay Rachel. 

"We did it again.." Sagot niya. 

Tumango ako. 

"We're now a family of four.." Sagot ko habang unti-unting namumuo ang mga luha sa mga mata ko. 

STATUS: STILL MARRIED (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon