F I V E

5.4K 110 0
                                    

Liam's POV: 

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko.

Lintik na hangover to! 

"Oh ano? Hindi ka makatayo no? Nasusuka ka? Nahihilo ka? Masakit ulo mo? Hala sige.. Inom pa more.." Pag aasar ni Rachel.

"Baby.. Aspirin naman diyan.. Please.." Pakiusap ko. 

"Ayoko nga.. Kumuha ka.. nandoon lang naman yun sa medicine cabinet.. Bumangon ka na kasi diyan.." Sagot niya. 

Ang sweet talaga ng misis ko! 

"Baby.. Sige na please.." Ulit kong pakiusap. 

She rolled her eyes at umalis. 

"Ito na.. Bangon na at inumin mo na tong gamot.. Tapos kumain na tayo.. Kanina ka pa hinihintay ng anak mo.. Gutom na si Ethan.." Sagot niya sabay nilapag ang isang basong tubig at isang bote ng aspirin. 

Agad ko itong ininum at pinilit na bumangon para saluhan ang pamilya ko sa agahan. 

****

"Hi guys.. Sorry na late ako ng gising.." Bati ko kay Rachel at Ethan na nakaupo na sa hapagkainan. 

"Daddy.. Masakit pa ulo mo? Ayan na po.. ready na ang kape mo.. Timpla po ni Mommy yan.. Tapos may sinangag po at tocino.. Tapos may sunny side up egg pa.. Lahat ng comfort food mo Di niluto ni Mi.." Pagbibigay alam ni Ethan. 

Napangiti ako. 

Itong si Rachel may pagkamataray pero mahal ako nito.. Sobrang mahal.. 

"Ang sweet naman ng misis ko.. Bukod sa dinalhan na ako ng gamot at tubig, niluto pa niya ang mga paborito ko.." Paglalambing ko. 

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Che.. Ngayon lang to.. Ang sama ko naman kasing asawa kung hindi man lang kita aalagaan.." Sagot niya. 

"Asus.. Kunyari pang nagtataray.. Pero ang totoo niyan.. concern talaga siya sa akin.." Pangaasar ko. 

"Nako Liam Thaddeus.. Tigilan mo nga ako.. Kumain ka nalang diyan.." Sagot niya. 

-------------------------------------------------

Rachel's POV: 

"Sabado tapos may trabaho? Ano ba naman yan Rachel.." Naiinis na sinabi ni Liam sa akin habang nagbibihis ako ng damit. 

Biglaan kasi akong tinawagan ni Boss sa opisina at dahil importante, hindi ako makatangi. 

"Baby.. alam mo naman na kailangan kong tignan ang building na yun.. Kaya sorry na.. Wag ka nang magalit.. Please?" Paglalambing ko. 

"Baby kasi.. ito na nga lang ang oras natin para kay Ethan tapos magtratrabaho ka pa.." Sagot niya. 

Hay.. Ang hirap.. 

"Okay.. ganito nalang.. Gusto niyo bang sumama sa akin? May pinapatignan lang naman sa akin si boss eh.. For sure sandali lang yun.. Tapos.. pwede na tayong mamasyal.. At mag grocery.." Sagot ko. 

Ngumiti siya. 

"Okay sige.." Sagot niya. 

Lumabas siya sa kwarto at tinawag si Ethan. 

"Tol! Ligo ka na.. Aalis tayo.." Sigaw ni Liam  sa anak niya. 

Minsan, pakiramdam ko talaga, dalawa silang anak ko. 

****

Narating na namin ang site na pinapatignan ni Boss Red. Nag park si Liam sa labas ng building at nauna akong bumaba. Laking gulat ko nang nakita kong bumaba din sa isang kotse si Sir Red. 

STATUS: STILL MARRIED (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon