T W E N T Y - F I V E

5K 102 4
                                    

Liam's POV: 

Nang narating ko ang bahay, ulit kong tinignan ang annulment papers na binigay ni Rachel. Tinignan ko ang ibabang bahagi ng papel at doon ko nakita ang perma niya. 

Naka perma na pala siya. 

Ngayon, naguguluhan ako sa kung ano ba ang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung dapat ko na din bang permahan tong papel at pakawalan nalang si Rachel o mag hold-on. Kasi kung ako ang tatanungin, hindi ako bibitaw hanggang sa malampasan namin ang problemang to. Pero kasi nasasaktan na si Rachel eh. 

Dahil hindi ako makapag decide, naisip kong tawagan si Marcus.

"Tol.. Bakit?" Tanong niya sa kabilang linya. 

"Kailangan ko sana ng kausap pre.." Sagot ko. 

"Sige.. Punta ka dito sa bahay.. Tatawagan ko ang buong barkada.." Sagot niya. 

"Sige pre.. Mag handa ka na din nang alak.. Kailangan ko ng maraming alak.." Sagot ko. 

"Sige.. Wag kang mag-alala.. Pupunuin ko nang beer ang swimming pool.." Pagbibiro niya. 

Gusto ko sanang matawa pero kahit ngiti, hindi talaga ako natawa. 

****

Nang narating ko ang pool area nila Marcus, nakita kong kompleto na ang buong barkada. Lumapit ako sa kanila at inukupa ang bakanteng upuan sa tabi ni Dan. 

"So.. Anong problema? Pumunta ka sa school ni Ethan kanina.. Nagkausap ba kayo ni Rachel?" Tanong ni Mike. 

"Sana nga hindi nalang ako pumunta sa school ni Ethan eh.." Sagot ko. 

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ni Dan. 

Hindi ako sumagot at binigay sa kanya ang envelope na binigay ni Rachel sa akin kanina. 

"Takte! Annulment?! Agad-agad?!" Gulat na tanong ni Mike.

"Kaya nga eh.. Pero kung kayo ako? Anong gagawin niyo?" Tanong ko sa kanila.

Pare-parehas naman silang tumingin sa akin.

"Ayoko ngang maging ikaw! Hindi ko ipagpapalit tong poging kong mukha sayo.." Pagbibiro ni Mike.

Natawa ang barkada pero ako deadma.

"Seryoso ako.." Sagot ko sa kanya.

Bigla namang umayos ang barkada at pare-parehas sumeryoso ang mga mukha nila.

"Kung ako ikaw.. Hindi ako bibitaw.." Sagot ni Marcus.

"Eh paano kung dahil sa pag hohold-on ko mas nasasaktan siya?" Tanong ko.

"Kung sa amin nangyari ni Karla yan.. Siguro bibigyan ko siya ng time at space.. Pero hinding-hindi ko pepermahan yang punyet-ng annulment papers na yan.." Sagot ni Dan.

"Ano yun? It's like letting her go and holding on at the same time?" Tanong ko.

"Hmmm.. Something like that.. Kapag sa tingin ko enough na ang time at space na naibigay ko sa kanya, susuyuin ko siya ulit.." Dagdag pa ni Kenzo.

"Tama sila pre.. Wag mong bibitawan.. Hangga't pwede.. kumapit ka.. Kahit masakit.. Kahit mahirap.. Kasi tol.. Oras na binitawan mo yan.. Mapupunta sa iba yan.." Ika ni Mike.

Tumango ako.

Oo nga.. Sa tingin ko din hindi ako bibitaw..

But I'll give her the time and space she needs..

And that annulment papers? That will be left unsigned!

-----------------------------------------------------------------------------------

STATUS: STILL MARRIED (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon