Rachel's POV:
"Hi Amelia.." Bati sa akin ni Mr. Madrigal.
"Oh.. Hi Sir Red.. Good morning po.." Balik kong bati sa kanya.
Si Sir Red ang may-ari nitong kompanyang pinagtra-trabahuhan ko.
"Good morning din.. Nga pala.. free food tayo mamayang lunch ha? Maganda kasi ang preformance niyo ngayon month.. Kaya may libreng pagkain.." Pagbibigay alam niya.
Ngumiti ako sa kanya.
"Naks.. May Pakain si Mayor.." Sagot ko.
Natawa siya.
"Alam mo.. kwela ka Amelia.. I like you.." Ika niya bago tuluyang pumasok sa opisina niya.
"Girl.. iba ang tingin sayo ni bossing ha.." Ika nang kaibigan ko sa trabaho na si Lyssa.
Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay.
"Girl.. Wag mo akong eh issue sa ibang lalaki.. Alam mo namang may asawa na ako.. Loyal kaya ako kay Liam.." Sagot ko sa kanya.
"Gaga.. Hindi naman kita ini-issue.. Warning kaya yun.. Para aware ka.. At para alam mo kung paano aakto sa harap ni boss.. Tsaka #TeamLiRa kaya ako.. Ang ganda mo.. Tapos ang pogi ng asawa mo.. Bagay na bagay kayo.." Ika ni Lyssa.
Natawa ako.
"Alam mo.. sa tingin ko may gusto ka sa asawa ko.. Mga pananalita mo parang may halong pagnanasa eh.." Biro ko.
Natawa din siya.
"Girl.. Magkaibigan tayo.. Kaya kahit minsan hindi ko aahasin ang mister mo sayo.." Sagot niya.
"But naman.. Oh.. Paano? Una na ako ha? Kailangan kong pumunta sa site eh.. Babalik nalang ako mamayang lunch time.." Pag papaalam ko sa kanya.
****
Nang narating ako sa Global City sa Taguig, agad akong nag park sa isang building na kasalukuyang inaayos.
Ito ang building na dinesign ko.
Sinuot ko ang yellow hat bago pumasok sa building. Kasama kasi sa safety precaution yun kaya kailangan sundin.
"Architect Alcantara.. Buti dumating na kayo.. May problema po kasi tayo ngayon.. Kulang na kulang po tayo sa materials.. HIndi pa po kasi dumadating ang mga inorder natin last month.. Eh ubos na po ang materials kaya wala na din pong masyadong magawa ang mga laborer natin.." Pagbibigay alam ng foreman na naka assign sa building na to.
"Ho? Ang sabi po sa akin last week for delivery na ang mga materials ah? Sandali lang po at tatawagan ko sila.." Sagot ko.
Hindi ko pa man nakukuha ang cellphone ko sa bulsa ay bigla ko nang narinig ang boses ni Sir Red.
"Okay na Amelia.. Natawagan ko na ang supplier.. Nagka problema lang daw sila kasi kulang ang trucks nila na pang deliver.. Pero nangako silang madedeliver ang lahat ng materials natin ngayong araw.." Pagbibigay alam niya.
Bakit kaya siya nandito?
"Ah.. Ganun po ba? Salamat po Sir.. Nakakahiya naman po sa inyo.. Trabaho ko na po sana yung mag update sa supplier.." Sagot ko.
"Ano ka ba? Nandito na din naman na ako at may number naman ako ng supplier, bakit hindi ko na tawagan on your behalf diba? Hindi naman mahirap na task yun.." Sagot niya.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinsulto sa sinabi niya.
"Ah.. Okay po.. Salamat po ulit.." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
STATUS: STILL MARRIED (COMPLETED)
RomanceMahal ni Liam si Rachel at mahal ni Rachel si Liam.. Perfect na sana ang relasyon na meron sila. Pero sabi nga nila, dadating talaga ang panahon na susubukin ng tadhana ang pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan. Will she be strong enough to stay...