p. ❝Mahal Pa Kita❞

368 8 0
                                    

Mahal kita.
Oo, mahal kita.
Alam mo yan diba?
Ilang buwan din tayong nagsama.
Mga pinagsamahan nating masasaya, sariwa pa sa aking ala-ala.

Mga lambingan natin na tila'y walang katapusan,
Mga pangarap at pangakong walang hanggan ay naglaho nalang ng parang bula.
Dahil sa bigla mong pag-iwan,
Oo, ako'y iyong nilisan.
Sa kabila nung sinabi mong walang iwanan.
Oo, ako'y iyong iniwan.
Dahil sinabi mong sa ating relasyon ay hirap ka ng lumaban.

Bakit?
Bakit kung kelan mahal na mahal na kita,
Saka mo pa naisip na lisanin ako aking sinta.
Bakit?
Bakit sa lahat ng bakit, 'Patawad' ang tangi mong sambit?
Iniwan mo ko ng mag-isa.
Ibinigay ang lahat ng pagmamahal sayo
kaya nung ako'y iwan mo.
Puso ko'y tila di na mabuo.

Sinubukan ko.
Sinubukan kong kalimutan ang lahat ng tungkol sayo.
Sinubukan kong palayain ang sarili ko sa pagkakakulong sa iyo.
Sinubukan ko pero bumabalik parin ako sayo.

Naiisip ko.
Naiisip ko kung bakit ganito?
Bakit sobra sobra yung pagmamahal ko sa taong nangakong hanggang dulo,
Tapos iiwanan lang rin pala ako.
Naisip ko kung paano.
Paano ka maalis sa isip at puso ko?
Pano ko matatanggal ang masasayang alaala na dumudurog sa aking puso?

Paano ako muling makakabangon sa iyong pag-iwan sa matagal ng panahon?
Paano ko maiaalis ang sakit na tila kutsilyong sa puso ko'y nakabaon? Paano?
Paano kong mabibigyan muli ang sarili ko ng pagkakataon?
Kung mahal pa kita hanggang ngayon?

Sobrang sakit na pero mahal pa kita.
Masakit makita na masaya ka sa iba kasi mahal pa kita.
Masakit isipin na isinantabi mo ang lahat ng tungkol sa atin.

Masakit. Sobrang sakit.
Bakit? Paano? Ano?
Ganito nalang ba ako?
Bakit kasi ang sakit magmahal ng isang katulad mo?
Sana mapansin mo na nasasaktan ako.
Sana maisip mo rin ako.
Sana mapagtanto mo na kaya ako nasasaktan ng ganto kasi nagmahal lang ako.

Pero iniwan mo ko.
Kung nasaan ka man,
nais kong iyong malaman,
na ang sakit ng iyong pang-iiwan ay sariwa parin sa aking isipan.
Salamat sa lahat ng saya.

Saya na dahilan kung bakit nasaktan ako ng sobra.
Gusto ko ring malaman mo,
na mahal parin kita.
Mahal na mahal parin kita kahit masakit na.
Sobrang mahal parin kita kahit nakakatanga na.
Gusto ko lang sabihin sayo at marinig mo mismo sa mga bibig ko ang salitang 'Mahal Pa Kita'.

Ang Pulang Tinta | Poetry & RandomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon