p. ❝Tagahanga❞

67 3 0
                                    

Sabi ng iba masama ang umasa,
Pero sa posisyon mo ngayon, ikaw ay umaasa.
Sabi nila masama ang mangarap,
Pero, heto ka parin patuloy na nangangarap.

Mahirap maging isang tagahanga,
Lalo na't alam mong wala kang mapapala.
Ngunit hindi nila alam ang iyong nararamdaman,
Sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang mangealam.
Minsan naisip mong itigil nalang,
Dahil para saan pa kung lahat ng ginagawa mo ay parang wala lang.

Alam mo kung bakit?
Kasi para kang isang maliit na langgam.
Kahit anong gawin mo, para sa kanila ikaw ay isang tagahanga lang.
Nasasaktan ka kapag nakikita mong nasasaktan siya.
Umiiyak ka kapag umiiyak siya,
Maluluha sa tuwa kapag nakikita mong masaya siya.

Tingin ng iba sa'yo, baliw kana.
Pero di nila alam, nang dahil sa hinahangaan mo napapasaya ka.
Nang dahil sa kanila may inspirasyon ka.
Nagaganahan kang pumasok kapag nasisilayan mo ang mga mukha nila.
Pero lahat ng ito ay may limitasyon.

Darating sa punto na lahat ng pagod mo,
Lahat ng hirap mo,
Mawawala na parang multo.
Dahil darating ang panahon na hindi mo na sila masisilayan.
Tawa, saya, lungkot, lahat nang yan mapapalitan ng luha.
Darating ang panahon na sila'y mamamaalam na,
Mamamaalam na sa lahat ng taong hinahangaan sila.
At isa ka na dun sa sinasabi nila.

Ayaw mong maniwala,
Ni ayaw mong tanggapin na sila'y wala na.
Dahil para sa'yo, sila'y may raket pa.
Para sa'yo sila'y nandyan pa para pasayahin ka.

'Sana di ko nalang sila nakilala pa,
At isa sa kanilang tagahanga.'
Yan ang unang lumabas sa iyong isipan.
Pero hindi maipagkakaila na tayo ay napasaya nila.
Mahirap nga maging FANGIRL diba?
Kaya panindigan mo ang iyong nasimulan.
Dahil ikaw mismo ang nagtulak para hangaan sila.
Pero mahirap kapag sobra na,
Dahil baka isang araw malaman mong wala na sila.
At sila ay hindi ka man lang makita,
Para sa kanila, ikaw ay isa lang 'TAGAHANGA'.

Ang Pulang Tinta | Poetry & RandomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon