p. ❝Paniwala❞

115 5 1
                                    

Pinaniwala mo ako sa isang simpleng salita,
Isang salitang alam kong walang halaga.
Akala ko ako lang ang mamahalin mo.
Pero bakit mo ako niloko?
Hindi pa ba ako sapat sayo?
Dahilan kaya ka naghanap ng bago?

Nung mga gabing magkausap tayo gamit ang telepono,
Paniwalang-paniwala ako sa bawat salitang sinesend mo.
May pa "good night" ka pa,
Yun pala may kasama kang iba.

Isang araw sinundan kita
Sobrang saya ko pa nun dahil may dala kang bulaklak na sobrang ganda.
Magpapakita na sana ako sayo,
Kaso nakita kong ibang babae ang lumapit sayo.

Kitang-kita ng dalawang mata ko kung gaano ka kasaya.
Kung gaano ka kasaya sa piling ng iba.
Hindi ko mapigilan ang aking nararamdaman,
Kusa nalang tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

Lumapit ako sayo.
Nagulat ka kaya pinalayo mo ako sa bago mo.
Kasi natatakot kang marinig ng babae mo ang sasabihin ko,
Ang sasabihin kong bakit mo ako pinaniwala na mahal mo ako.

Pilit kong iniintindi ang paliwanag mo.
Paliwanang mong nagpabiyak ng tuluyan sa puso ko.
Tama nga ang hinala ko.
Pinaniwala mo lang ako.

Alam ko na ito mula sa umpisa.
Pero ako itong si tanga nagpapaapekto sa isang salitang 'mahal kita'.
Sana pala hindi nalang ako nagpadala sayo.
Baka hindi pa ako masaktan ng ganito at makakahanap ako ng lalaking mahal ako ng todo at walang ibang gusto kundi AKO.

Ang Pulang Tinta | Poetry & RandomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon