Sabi ng mga taong nakapaligid sa akin noong bata pa ako,
Mayroon lang daw dalawang uri ng pag-ibig dito sa mundo.
Iyon ay maling pag-ibig sa tamang panahon,
At tamang pag-ibig sa maling panahon.
Pero bakit nang makilala kita pakiramdam ko ay dumami na ang depinisyon.
Sinubukan ko pa ngang umalis at takasan pero naligaw lang ako ng direksyon.
Hindi ko na tuloy alam kung natagpuan na ba kita noon,
O nagtatago ka pa rin hanggang ngayon.Ngayon ay nalaman ko na ang pag-ibig ay walang tamang kahulugan,
Meron lang talagang iba't-ibang uri ng sitwasyon at sa kung papaano mo ito nararamdaman.
May mga sitwasyon kasi na kahit gaano mo siya kamahal ay di niyo pwedeng panindigan.
May mga sitwasyon din naman na kahit gaano mo siya ka-ayaw ay nauuwi sa pagmamahalan.Meron din na simula noong una palang ay mahal mo na pero patuloy ka niyang tinatakasan.
Pero meron din naman na akala mo siya na yung mahal mo pero sa iba ka na pala may nararamdaman.
At meron din naman na akala mo ay di mo pa siya natatagpuan pero siya na pala ay nasa iyo ng harapan.Hindi mo lang talaga minumulat ang mga mata mo dahil masyado kang nabubulag sa iyong nakaraan.
Ngayon, patuloy ka pa rin bang tatakas?
Kung ang bibig mo ay palaging siya na ang binibigkas?
At sa kanyang pag-ibig ay hindi ka na makalabas?Oo, hindi man siya ang una pero alam mong siya na ang wakas.
Pero papaano kung ang taong mahal mo ay alam mong hindi mo pag-aari,
Kasi alam mong sa umpisa palang ay mali pero pinagpatuloy mo hanggang huli.
Ngayon, papaano mo makakalimutan ang kanyang buhok na palagi mong tinatali?
Ang kanyang labi na sa iyo ay palaging nakangiti.Akala ko noon kapag nagmahal ka,
Sa araw-araw na pag gising mo masaya ka.
Na bawat pag ngiti mo ay kasama siya.
Wala namang nakapagsabi sakin na masakit pala,
Masakit pala magmahal ng isang tao na alam mong may mahal na iba.
Pero mas masakit ang magmahal ng isang taong alam mong libangan ka nalang pala.Sana may isang taong magmamahal sakin ng totoo,
At kaya akong ipaglaban hanggang dulo.
Kasi kung meron man,
Ako na yata ang pinakamasayang babae sa buong mundo.
BINABASA MO ANG
Ang Pulang Tinta | Poetry & Random
Poésie❝Darating ang panahon, iiwan mo din ang mga bagay na makapagpapasaya sayo para sa ikabubuti mo.❞