Apat na letra, isang salita
Naramdaman ko ito simula nung makita kita.
Naging dahilan upang maaga akong pumasok para masilayan ka,
Sa ngiti mong dala ako'y napapasigla.Tuwang-tuwa ako dahil magkaklase tayo,
Doble puntos pa nga dahil magkatabi ang upuan nating pareho.
Sabay ng pag-upo mo ay ang pagsulyap mo sa kinatatayuan ko,
Akala ko katapusan na nang mundo ko,
Dahil napansin ako sa wakas ng taong gusto ko.Lumipas ang mga araw na naging magkaibigan tayo,
Sobrang tawa ko nga nang magkwento ka tungkol sa sarili mo.
Dun palang may natuklasan na ako sa sarili ko,
Hindi na pala kita gusto,
Kasi mahal na kita at yun ang totoo.Gusto kong itapat sayo ang nararamdaman ko,
Pero nawawalan ako ng lakas sa sarili ko,
Baka kasi i-reject mo ako,
O baka masabi mo mula sa bibig mo na may iba kang gusto at hindi ako.Sinikap kong huwag ipaalam sayo,
Sa tuwing kasama kita, naiilang ako.
Sa mga kinikilos mo, umaasa ako.
Umaasa ako na sana ako yung babaeng binabanggit mo tuwing kausap mo ako.Hanggang sa dumating yung punto na nakita kitang may kasamang iba,
Ngumingiti habang kausap mo siya,
Nagniningning ang mga mata habang nakatingin sa mukha niya,
Tutulo na sana ang aking mga luha, nung hindi lang ako umiwas bigla.Ang sakit pala,
Ngayon alam ko na.
Mahal, kahit na alam kong mahal mo siya,
Susuportahan kita.
Kahit ang sakit na, makita lang kitang masaya ayos na.
Alam ko namang lilipas din 'to at makakalimutan kita,
Para hindi na ako masaktan pa at bumalik ang dati kong saya.
BINABASA MO ANG
Ang Pulang Tinta | Poetry & Random
Poesía❝Darating ang panahon, iiwan mo din ang mga bagay na makapagpapasaya sayo para sa ikabubuti mo.❞