p. ❝Isa, Dalawa, Tatlo❞

84 2 0
                                    

Isa, Dalawa, Tatlo
Mahal, ako ba'y minahal mo?
O ako'y iyong niloloko?
Ano bang nagawa ko upang saktan mo ako ng ganito?

Nakita kitang may kasamang iba,
Naglalakad kayo sabay hawak ng kamay sa gilid ng kalsada.
Tuwang-tuwa ka habang ako ay nasasaktan na ng sobra,
Sumasabay sa pagtawa ang iyong mga mata na kailanman ay hindi ko nagawa sa'yo nung tayo pa.

Isa, Dalawa, Tatlo
Dumating na nga yung araw na kinatatakutan ko,
Lumapit ka sa harapan ko at sinabing iiwan mo na ako.
Kasabay ng pagbitaw mo ay ang pagguho ng mundo ko.

Mahal, ito ba ay pinlano mo?
Pinlano mo bang lokohin ako at ipagpalit sa bago mo?
Ayos lang sana kung hindi mo na ako mahal at gusto,
Pero yung tinago mo sa akin ang katotohanang pinagsabay mo kaming pareho?
Bullshit, mahal! Ang gago mo para saktan ako, pero mas tanga ako dahil napaniwala ako sa mga salita mo.

Gusto kong ipaglaban ka at at bawiin ka mula sa kanya,
Kahit na sinaktan mo ako at ginago nang husto, mahal parin kita.
Pero mahal hindi ko na kaya dahil ako'y mahina na,
Ako'y nanghihinalo na at nauubusan na nang hininga.

Isa, Dalawa, Tatlo
Mahal, ipipikit ko na ang mga mata ko.
Dahil alam kong sa pagkawala ko sa mundong ito,
Ay ang pagpapatuloy sa kwentong nasimulan niyo.
Paalam na, mahal ko.
Nawa'y masaya ka kahit wala na ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Pulang Tinta | Poetry & RandomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon