p. ❝Sana Ako Naman Ang Mahalin Mo❞

90 2 0
                                    

Alam mo ba ang pakiramdam na gusto mo siyang angkinin?
Pero hindi mo kayang gawin,
Dahil pati feelings mo ayaw niyang pansinin,
At pati pagmamahal mo ayaw niyang tanggapin.

Ang sakit malaman ng katotohanan,
Oo, alam ko na 'yun dahil naranasan ko na iyan.
Yung tipong alam mo na nga ang lahat,
Pero ayaw mong maniwala dahil hindi pa ito sapat.

Kahit ipinagbalandara niya sa harap mo na may gusto siyang iba,
Pero patay malisya ka nalang dahil pakiramdam mo nagsisinungaling lang siya.
Yan ako e, alam ko na nga ang katotohanan,
Sa huli ako pa rin ang nasasaktan.

Minsan nga naiisip ko, "Sabihin ko nalang kaya sa kanya na gusto ko siya?",
Baka sakaling magustuhan niya rin ako bigla.
Ngunit hindi gumagana ang aking bibig upang ako'y magsalita,
Dahil mismong siya alam na mali ang aking ginagawa.
Na babae pa rin ako at kailangang ingatan ang aking pananalita.

Mali bang sabihin ang totoong nararamdaman?
Wala namang ganoong batas upang ako'y pagbawalan.
Desisyon ko ito at kailangan kong panindigan,
Pero bakit hindi ko man lang masabi ang lahat nang nilalaman ng aking isipan?

Oo, nasasaktan ako.
Nasasaktan ako sa tuwing may kasama kang iba,
Alam mo na ngang gusto kita,
Gumagawa ka pa ng paraan upang ako'y maging tanga.

Gusto kitang kalimutan,
Ni gusto kitang burahin sa aking isipan.
Pero hindi ko man lang magawa,
Dahil ayokong ikaw ay mawala.

Siguro nga ordinaryong babae lang ako sa mundong ito,
Na kahit anong gawin ko, hindi ako magugustuhan ng taong mahal ko.
Pero sana man lang hayaan mo akong sabihin 'to sayo,
Na sana pag hindi mo na siya gusto,
Ako naman ang mahalin mo.

Ang Pulang Tinta | Poetry & RandomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon