p. ❝Pakakawalan❞

126 7 4
                                    

Isinulat ko itong madamdaming tula,
Dahil sa pagtibok ng puso kong bigla.
Alam ko ito'y hindi kapani-paniwala,
Ngunit dahil sa'yo mundo ko'y biglang sumigla.

Hindi ko mapigilan ang aking nararamdaman,
Sa iyo ako'y lubhang natamaan.
Kung hindi mo mamasamain,
Ito sana ay iyong basahin.

Nung una kitang nakitang kumanta,
Mundi ko'y biglang sumigla.
Boses mong ang sarap pakinggan,
Mga mata mong kay sarap titigan.
Nasaktan ako sa sinabi mo,
Sa sinabi mong may iba kang gusto at hindi ako.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.
Ngunit masisisi niyo ba ako?
Kung ang pangalan niya ang palaging sinisigaw ng puso ko.

Pilit kong pinipigilan ang aking nararamdaman.
Baka sakaling hindi na kita magustuhan.
Pero bakit sa araw-araw kitang nakikita?
Parang ayokong ikaw ay mawala.

Pakakawalan na ba kita?
Bakit parang hindi ko kaya.
Sa tuwing iisipin kong wala ka na sa buhay ko.
Parang pinipiga ng paulit-ulit ang puso ko.

Ano nga ba naman ako sa buhay mo?
Wala naman akong lugar diyan sa puso mo.
Kung saan ka masaya dun na rin ako.
Salamat dahil minsan mo ng binago ang buhay ko.

Ang Pulang Tinta | Poetry & RandomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon