Nagsimula tayo sa pagpapakilala,
Hanggang tayo ay naging malapit sa isa't-isa.
Walang oras na hindi tayo magkasama,
Dahil pinangako mo sa aking ako lang ang iyong makakasama.Binaon ko sa puso ang iyong mga pangako,
Dahil alam kong tutuparin mo ito hanggang dulo.
Masaya ako dahil unti-unting lumalago ang ating pagkakaibigan,
At ako ay palaging nariyan upang ikaw ay gabayan.Masaya ako dahil lagi kitang nakakasama,
Kasama tuwing ikaw ay may problema.
Problemang hindi mo kayang solusyonan mag-isa,
Kaya ako ay palaging nasa tabi mo para damayan ka.Sa araw-araw na nakikita kita,
Parang ayokong ikaw ay mawala.
Alam kong kaibigan pang kita,
Pero bakita ganito?
Parang gusto na yata kita.Hindi ko pinaalam sayo ang aking nararamdaman,
Baka layuan mo ako at iiwan.
Tinago ko ito sa aking sarili para hindi masira ang ating pagkakaibigan,
Dahil ito lang ang aking dahilan upang hindi mo ako layuan.Dumating ang araw na aking kinakatakutan,
Na siyang dahilan upang ako ay masaktan.
Nakita kitang may kasamang iba,
Ayos lang sana kung babae ang iyong kasama,
Pero bakit lalake pa?Kitang-kita sa dalawang mata ko kung ganu ka kasaya,
Na kailanman ay hindi ko kayang magawa.
Kitang-kita ko kung paano sumasabay sa tawa ang iyong mga mata,
Sana ako nalang siya.
Siya na nagibg dahilan kung bakit ka masaya.Dumating sa punto na hindi na ako ang kasama mo,
Mahal, nasan na ang iyong mga pangako?
Talaga bang kaibigan lang ang puwang ko dyan sa puso mo?
Baka pwedeng namang ako,
Ako naman ang mahalin mo.Lumipas ang mahigit isang buwan,
At hindi ko na mapigilan ang aking nararamdaman.
Naglalakad ako papalapit sayo,
Upang sabihin sayo ang nararamdaman ko.Nang makatapat na ako sayo,
Biglang huminto ang mundo ko.
Tinanong kita kung kamusta kana,
Nagulat ako nong umiyak ka.
Yun pala wala na kayo ng boyfriend mo,
Kaya sobrang tuwa ko.Sinabi ko sayo na mahal kita,
Akala ko matutuwa ka.
Pero bigla ka nalang tumalikod sakin,
Akala ko aalis ka at iiwan mo ang nag-iisa,
Na sana pala ginawa mo na.Pero huli na ang lahat, nasabi mo na ang mga katagang naging dahilan upang masaktan ako.
Naging dahilan upang naging mahina ako,
At naging dahilan upang magbago ako.Gumuho ang ating pagkakaibigan,
Na akala ko hindi mawawaglit magpakailanman.
Hanggang ngayon tanda ko pa ang mga sinasabi mo,
Akala ko hindi kita makakalimutan,
Pero ito na yata ang panahong kalimutan na kita at ang sinabi mong "Pasensya na, HANGGANG KAIBIGAN LANG TALAGA."
BINABASA MO ANG
Ang Pulang Tinta | Poetry & Random
Poetry❝Darating ang panahon, iiwan mo din ang mga bagay na makapagpapasaya sayo para sa ikabubuti mo.❞