p. ❝Mahal❞

123 3 0
                                    

Naalala mo pa ba noong panahong akin ka pa?
Yung mga panahong ako pa ang dahilan ng iyong pagtawa?
Yung mga panahong ikaw pa ang dahilan kung bakit ako masaya,
Yung panahong mahal na pa natin ang isa't-isa.

Ang hirap tanggapin ng totoo,
Na tayong dalawa lang pala'y pinagtapo.
Para magkaroon ng 'Ikaw at ako',
Pero nagtapos din sa salitang 'Wala ng tayo'.

Naaalala mo pa ba tayong dalawa sa ilalim ng buwan,
Kung paano hawak ko ang iyong kamay at ngiti mong hindi ko makakalimutan.
Sabay tayong nakatingin sa mga bituin,
Dahil ang ating mga pangarap ay sabay nating aabutin.

Naaalala mo pa rin ba akong nakatayo sa ilalim ng malakas na ulan,
Kasabay ng aking pagluha noong iyong sinaktan.
Lumuha nang walang katapusan,
Sa lugar kung saan iyong iniwan at hindi ko yin makakalimutan.

Naaalala mo pa ba?
Malamang hindi na.
Malamang wala na dahil kinalimutan mo na,
Dahil noon pa man ay may bago ka na.

Wala ng tayo dahil meron ng kayo,
Meron ng kayo na siyang ikinatuwa mo.
Siya. Siya na dahilan kung bakit ka masaya,
Siya na dahilan kung ba't nakangiti ka,
Siya na ngayon ay masaya kapiling ka.

Una palang alam kung gusto mo siya,
Na hindi ako ang laman at tinitibok ng puso mo.
Hindi na ako ang nagpapasaya sayo,
Dahil ang totoo, saling pusa nalang ako sa kwento niyo.

Noon sa tuwing magkasama tayo,
Noong panahon na hindi mo pa ako niloloko,
Noong panahong ako pa ang gusto mo,
Noong panahon na ako pa ang mahal mo.

Pero ngayon,
Alam kong matagal na akong wala sa mundo mo.
Alam kong masakit sa una,
Pero matatanggap mo pa rin naman ako dahil kinaya mo nga na wala ako.
Kinaya mo nga na talikuran ang iyong mga pangako.
Kinaya mo na na lokohin at saktan ako,
Kinaya mo nga na itaboy at kalimutan ang pagmamahal ko.

Kaya simula ngayon,
Ako naman ang mangako.
Simula ngayon hindi na ako magtatangkang habulin ka pa,
Hindi na ako magmamakaawang mahalin mo pa.

Hindi na ako muling maghahabol sa'yo,
Hindi na ako muling tatakbo,
Dahil mangangalay lang ang mga paa ko,
Masasaktan lang muli ang puso ko.
Simula ngayon kakalimutan na kita,
Tama na. Pagod na ako.

Ang Pulang Tinta | Poetry & RandomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon