p. ❝Maling Akala❞

54 2 0
                                    

Mahal, naaalala mo pa ba?
Nung panahong gusto pa natin ang isa't-isa.
Akala ko simula na nang ating kwento,
Pero di kalauna'y bigla nalang naglaho.

Mga pagkakataong ang saya natin sa isa't-isa,
Yun pala may nakahadlang na pala para sirain tayong dalawa.
Akala ko hindi ka lilingon sa iba,
Pero naramdaman kong ika'y lumalayo na sa akin bigla.

Mahal, akala ko ba ako lang sapat na?
Pero bakit humanap ka pa ng iba?
Akala ko ba forever na tayong dalawa?
Pero hanggang salita ka lang pala.

Akala ko mahal mo pa ako?
Pero bakit biglang naglaho?
Dahil ba sa bago mo?
Ano bang meron siya na wala ako?
Meron siya na hindi mo mahanap sa 'sang katulad ko?
O sadyang bulag ka lang kasi hindi mo talaga ako mahal ng totoo?

Akala ko ba tutuparin mo ang iyong mga pangako?
Pero nasan na ang mga pangako mo?
Pangako mo bang iwan ako?
O pangako mong palitan ako kasi sawa ka na sa tulad ko?

Sabi nila, maraming namamatay sa maling akala,
Pero hindi ko yun pinapansin dahil nga mahal kita.
Mga akalang lagi nalang nauuwi sa wala,
Ngunit, mga akalang nagpaparanas sakin na tayo ay nasasaktan bigla-bigla.

Sana di nalang kita nakilala,
Sana di nalang kita minahal pa,
Sana di nalang kita sinuportahan pa,
Edi sana di ako nasasaktan ng ganito kasi sobra na.

Pero mahal wag kang mag-alala,
Di ako mahina katulad nila.
Kaya kitang kalimutan tulad ng paglimot mo sakin bigla,
At kaya din kitang burahin sa puso ko at lahat nang iniisip kong mga 'Maling Akala'.

Ang Pulang Tinta | Poetry & RandomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon