Isang araw hiniling ko,
Na sana mahawakan ko ang kamay mo.
Na sana magkaedad nalang tayo,
Na sana nakita at nakilala mo ako.Pero ipinagkait yon sakin ng tadhana,
Pati mundo natin di nagkaisa.
Pag ako'y tulog tiyak gising ka,
Pag gising ka tiyak napapanaginipan kita.Kumabaga sa kanta, magkabilang mundo.
Pero iba ang mundo mo sa mundo ko.
Mundong walang pinoproblema,
Pero sakin mundong di ko inakala.Nagsimula sa ngiti mong di sinasadya,
Pero libo-libong babae ang nagkakandarapa.
Sa mukha mong cute na ipinakita,
Pero bakit ako nainlove sayo bigla?Wala eh, malakas pumana si kupido,
Sa akin talaga pinana at tyinempo.
Bulls eye pa nga dahil sa puso,
Ang unfair nang dahil sa'yo.Kilala kita mula bata hanggang pagtanda,
Pag birthday mo naman pinaghahanda.
Kahit di mo ako kilala,
Ayos lang basta mahal kita.Sinusuportahan ka sa kung anong meron ka,
Mapa concert sa MOA o sa ibang bansa.
Pero sa dami naman tiyak di mo 'ko makikita,
Makikita mo lang ako bilang isang tagahanga.Di mo alam na sa tuwing may mangyayari sayong di maganda,
Sa iyo o sa grupo ng bawat isa.
Lagi akong nakaabang kung ayos ka na,
Walang oras na hindi kita maalala.Lahat pangarap na pakasalan ka,
Ang iba naman ay inaangkin kana.
Pero wala silang karapatan,
Dahil di ka hawak ninuman.Masakit sabihing di ka niya kilala,
Kaya wag kang mag-assume ng sobra.
Baka sa huli at masobrahan ka,
Iiyak ka nalang basta-basta.Darating ang panahon na aalisin na kita sa buhay ko,
Aalisin ko na lahat ng mga posters mo.
Album, koleksyon at pagiging fan ko,
Pero hinding hindi ko aalisin ang sarili mo sa puso ko.Darating ang panahon na makikita kita,
Masaya kasama ang iyong pamilya.
Masayang naglalakad sa gilid ng kalsada,
At magkahawak-kamay kayong mag-asawa na may halong saya.Salamat sa panahon na nakilala kita,
Naging parte ng buhay kong maganda.
Ikaw ang dahilan kung bakit ako masaya,
Kaya salamat sayo at mahal na mahal kita.P.S: THIS POEM IS DEDICATED TO MY HUSBAND/BIAS KIM TAEHYUNG.
BINABASA MO ANG
Ang Pulang Tinta | Poetry & Random
Poetry❝Darating ang panahon, iiwan mo din ang mga bagay na makapagpapasaya sayo para sa ikabubuti mo.❞