p. ❝Nandito Ako, Pero Iba Ang Hanap Mo❞

57 1 0
                                    

Nagsimula sa pasulyap-sulyap
Ngunit hindi nagtagal, ikaw na ang aking hinahanap-hanap
Hinihintay na mapansin
Sa wakas ay nangyari rin

Naging magkaibigan tayo
At marami akong nalaman tungkol sa 'yo
Lalong-lalo na ang napupusuan mo
Masaya na sana ako, ngunit 'yon pala ay hindi ako

Tinanggap ko kahit masakit
Habang nagkukwento ka tungkol sa kaniya ay ngumingiti ako ng pilit
At nananalangin na sana ako na lang
Ang hinihiling mo sa mga bituin habang ika'y nakapikit

Tanga kung ako'y matatawag
Pero masaya ako sa aking ginagawa
Bakit ba? Maligaya ako kapag kausap kita
Para bang sa 'yo lang umiikot ang mundo ko, sinta

Minsan napapatanong din ako sa sarili ko
Ano ba talagang meron tayo?
Isa lang ba 'tong laro?
O di kaya'y pustahan niyo ng mga kaibigan mo?

Binalewala ko ang lahat
Nagpatuloy ako kahit ang mga luha ko'y nagkalat
Hindi ako umalis, hindi kita iniwan
Hindi kita sinukuan kahit nadurog na ang puso ko nang tuluyan

Sinta, itatanong ko lamang
Bakit ba hindi ako na lang?
Ako 'yong nandito, kaya kitang ipaglaban
Handa akong magpakatanga, maging masaya ka lang

Sinta, bakit nga ba hindi ako na lang?
Ako 'yong nandito, hindi kita iiwan
Mahal kita kaya ako'y mananatili lamang
Ngunit bakit ganito?
Nandito ako, pero iba ang hanap mo.

Ang Pulang Tinta | Poetry & RandomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon