CHAPTER 3

37.2K 1K 8
                                    

TAPOS na ang summer break namin ngayong araw kaya papasok nanaman ako bukas sa school.

Nitong nakaraang linggo napaka saya ko kasi lagi kaming magkasama ni Totoy saan man ako magpunta.

Minsan namamalengke kaming dalawa sa bayan at nagpaturo pa sya sa akin magluto ng pinritong isda at sinaing kanina para daw matuto na sya magluto pag sya lang mag-isa sa bahay.

"Suzana, nandyan kaba sa kwarto mo?"Dinig kong tawag sa akin ni lolo mula sa labas ng kwarto ko.

Agad akong lumabas sa kwarto ko at nakita ko si lolo nakaupo sa lapag saka naman ako umupo sa harap nya.

"Bakit po lolo? may ipapaluto ka po ba?"Magalang na tugon ko.

"Busog pa ako hija, nasaan ang kapatid mo?"Hinahanap ng mata nya ang kapatid ko.

"Nandun yata sya kila Maki,nakikipaglaro nanaman yon siguro. Bakit po lolo?"Turan ko.

May dinukot siya mula sa lumang bulsa nya na puting sobre at inilapag sa harapan ko.

"Ano po yan lolo?"Nagtatakang tanong ko.

"Malakas ang bentahan sa bayan ngayon, kaya napaubos ko ang pakwanan natin sa tulong ni kumpareng Juan. Itong pera na ito ay ibinibigay ko sayo para sa graduation mo, itago mo yan at magagamit mo yan sa graduation mo. Ikaw na ang magtago dahil alam mo naman madali akong makalimot minsan."Mabilis kong dinampot ang puting sobre at binuksan ito, lumaki ang mata ko dahil sa kapal at dami ng pera.

Ibinalik ko iyon kay lolo dahil masyadong marami at baka maiwala ko pa, sayang lang ang pinaghirapan niya pag nagkataon.

"Lolo naman eh, hindi ko magagawang itago ang ganyan kadami na pera. At saka sobra naman po yata yan. Ayos lang naman sa akin kahit wala nang celebration sa graduation ko eh basta nandyan kayo ni Totoy okay na ako dun. Hindi ko kailangan ang magarang celebration lolo. Pinaghirapan mo yan kaya diba dapat ibili mo yan ng mga gamot mo? kumukulang na yata ang gamot mo eh. Kung gusto mo lolo magpacheck-up ka nalang sa doctor para malaman natin kung anong sakit mo, nahahalata ko kasi na napapadalas na ang pag-ubo mo at pumapayat ka pa lalo eh."Mahabang ani ko na halos maiyak na ako dahil sa konsensya at pag-aalala kay lolo.

Hindi man nya sabihin pero alam kong may sakit siya.

Kinuha nya ang palad ko saka ipinatong don ang sobre na may lamang pera.

"Apo,hindi na kailangan pa na mag pa check-up ako,wala naman akong malubhang sakit at saka may gamot pa akong natitira."Matamang nakatitig sa akin si lolo."Tanggapin mo nalang itong pera dahil para sayo ito apo at sa kapatid mo.Napaka bait mong bata, manang-mana ka sa iyong ina.Pero Suzana, ito lang ang kaya kong ibigay sayo! gusto kong makatapos ka ng pag-aaral mo dahil alam kong may mga pangarap ka sa buhay. Bata ka pa kaya malayo ang mararating mo at alam kong pagdating ng araw makakamit mo din yon."Mahabang litanya niya.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko, napayuko na ako dahil naaawa ako kay lolo. Siya lang naman ang bumuhay sa akin at nagpaaral sa akin.

Siya na ang tumayong tatay at nanay ko kaya labis-labis ang utang na loob ko sa kanya. Matanda na sya pero kumakayod parin sya para sa pang-araw-araw na kailangan namin at sa pag-aaral ko.

Mabuti nalang talaga dahil may sariling bukid si lolo na nakakatulong sa hanap-buhay namin.

"Lolo, kayo na po ang pinaka mabait na lolo sa buong mundo. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka. Ikaw na nga lang ang natitirang pamilya ko eh kaya maraming salamat po sa pagpalaki at pag-paaral sa akin. Wag po kayong mag-alala ipinapangako ko na paglaki ko bibigyan ko kayo ng malaking bahay at hindi na po kayo magbibilad sa init ng araw para lang kumita ng pera. Ibibigay ko po lahat ng gusto niyo kapag nakatapos ako ng pag-aaral at nakahanap ng trabaho na malaki ang sahod. Pangako po yan lolo, aalagaan ko kayo ni Totoy. Ikaw at si Totoy lang ang pamilyang meron ako ngayon kaya sapat na po iyon sa akin."Nakangiting pinunasan ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko.

Niyakap ako ni lolo, sa pangalawang pagkakataon ngayon lang ulit kami nagyakapan ni lolo. Masyado na kasi syang abala sa pagsasaka kaya kulang na kami sa lambingan at namis ko talaga siya.

"Salamat din apo dahil napaka bait mo, alam kong tinutulungan mo ang sarili mo na kumita ng pera. Tumutulong ka kay Anita magbenta ng isda sa palengke para lang may kitain kang pera."Pagkwan ay mahinang usal niya.

Napahiwalay ako sa yakapan namin dahil sa sinabe niya, hinarap ko sya pero diko sya magawang tingnan nang deretsa nahihiya ako. Nakita ko ang ngiti sa labi ng lolo kong may katandaan na.

"P-paano nyo po nalaman yon lolo? sinabi ba sayo ni ate Anita?"Nauutal kong tanong.

Pagkwan ay hinaplos nya ang pisngi ko at gumuhit ang ngiti sa labi niya, bakit parang feeling ko lalayo na si lolo? bakit parang kinakabahan ako sa mga kinikilos nya.

"Nagkataon lang na makita kita sa palengke noong dinalaw ko si Kumpareng Juan. Nakita kita na masayang nagbebenta ng isda kasama si ate Anita mo. Ang galing mo nga apo eh maraming lumalapit na namimili sa gawi nyo."

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa hiya."Ibig sabihin nakita niyo? iyong..."

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang kusa syang tumango.

"Oo hija, nakita ko ang paraan mo ng pagbebenta, kumakanta ka habang may kinakalabit na gitara. Katulad na katulad ka ng iyong ama magaling kumanta at gumamit ng gitara."

Tumayo siya saka may kinuhang bagay doon sa ilalim ng higaan niya. Inilapag nya iyon sa harapan ko. Isang mahabang bag na itim na puno nang alikabok.

"Ano naman po yan lolo?"Nagtatakang tanong ko.

Binuksan niya ito at lumantad ang mala gintong gitara, maganda iyon kahit may kalumaan na.

"Ang gitara na ito ay pagmamay-ari nang iyong ama. Pamana pa ito sa kanya ng kanyang lolo noong nabubuhay pa ito, kaya bilin sa akin ng iyong ama bago siya maglaho na ibigay ito sayo. Pamana daw nya sayo, at hindi nga naman sya nagkamali na ipamana sayo ang bagay na ito dahil manang-mana ka sa kanya may anking galing sa pagkanta at pag-gigitara. Pasensya kana kung ngayon ko lang ito naipasa sayo dhil masyado kapang bata kaya diko agad binigay sayo. Ngayon malapit ka nang maggraduate ng elementarya ipinapasa kona sayo ito bilang regalo."Paliwanag niya.

Dahan-dahan ko naman kinuha ang mala gintong gitara, may kabigatan lang ito siguro dahil maliliit pa ang mga braso ko, payat kasi ako pero matangkad na ako.

Sinubukan kong kalabitin at halos di na ako mapakali dahil sa ganda ng tunog nito, napaka linaw at sobrang ganda sa pandinig. Sa sobrang saya ko naiiyak na ako lalo na dahil galing pa pala ito sa aking ama.

Naikwento rin sa akin ni lolo noon na isang magaling at sikat na singer ang aking ama, at ang aking ina naman ay prinsesa ng bayan dahil sa taglay niyang kagandahan pero dahil sa akin kaya sya maagang lumisan.

Namatay sya nung ipinanganak ako at si tatay naman ay bigla nalang naglaho na parang bula. Hanggang ngayon hindi pa matukoy ni lolo kung buhay pa ba ito or patay na! naging miserable na daw kasi siya nang mawala ang nanay ko.

"Lolo nagustuhan ko po, gustong-gusto ko po itong regalo niyo."Masaya kong sambit.

"Alam kong magugustuhan mo iyan apo. Baka balang araw magagamit mo din yan."Ini-abot ulit nya sa palad ko ang puting sobre na ikinagulat ko."Kunin mo yan, itago mo dahil makakatulong yan sayo pagdating nang araw."

Pagkatapos nun tumayo na ulit siya at lumabas ng bahay, Napatitig lang ako sa sobreng nasa palad ko.

Wala na rin naman ako magagawa dahil magtatampo lang si lolo kapag tinanggihan ko pa itong pera na pinaghirapan niya.

Bigla tuloy akong nalungkot sa di malamang dahilan. Para akong kinakabahan na hindi ko maintindihan.

Mahal talaga ako nang aking lolo.

Itatago ko nalang ang pera at hanggat maaari hindi ko muna ito gagamitin. Pinaghirapan ito nang aking butihing lolo kaya pakaiingatan ko at isinisiguro kong hindi mauuwe sa wala ang kanyang pinaghirapan.

Mag-aaral ako nang mabuti para sa kanya at kay Totoy ang aking kapatid.

Teka kanina pa hindi bumabalik sa bahay ang batang iyon ah, ano naman ba kaya ang itinuturo sa kanya ng kalbong Maki na iyon.

***MONTERELAOS

(R18)YOU ARE MINE (JAKE MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon