MASAYANG-MASAYA si Totoy habang nakasakay sa roller coaster kasama si Andrew at Brandon.
Ito ang gift ko sa kanyang kaarawan ngayong araw pero may isa pa akong ireregalo sa kanya at alam kong magugustuhan niya iyon.
Natapos din ang riding moments ni Totoy, hindi na ako nakejoin dahil takot ako sa matataas na bagay nahihilo at nasusuka ako.
Humiwalay muna sa amin sila Andrew at Brandon dahil kukuha pa sila nang ticket para mamaya manonood daw kami ng Sine.
Tinabihan ko ang kapatid ko na halatang masayang-masaya, pinunasan ko ang pawisan nyang noo at ngumiti siya sa akin.
"Mukang nag-enjoy ang kapatid ko ah."Saad ko sabay kurot sa tagiliran nya at napangiwi naman sya.
Ngayon ko lang siya nakitang umakto na nakaayon sa idad nya.
Batang-bata, ni minsan hindi ko sya nakitaan nang ganito dahil lagi syang nakasimangot at kung umasta parang mas matanda pa sa akin.
Ngumingiti siya at tumatawa pero ibang-iba yong ngayon.
Kinuha ko ang kamay nya saka may nilagay ako don na maliit na red box. Nagulat sya at napa titig sa akin.
"Buksan mo! regalo ko para sayo."
Binuksan nya ito.
"A pair of necklace? bakit dalawa?"Inabot ko ang dalawang necklace na silver saka ipinakita sa kanya ang laman non.
"Nakikita mo ba yang half heart?"
Tumango siya.
"I can see my name on it." anito.
Ipinakita ko rin sa kanya ang isa pang nakasulat sa isang kwintas.
"Now i get it! para sayo at para sa akin ang kwintas na ito."Totoy.
Ako naman ang tumango sa tugon nya.
Isinuot ko sa leeg nya ang kwentas na may pangalan ko sa half heart design nito at siya naman ang nagsuot sa akin ng kwentas na may pangalan siya na half heart design gaya nang suot nya.
"Now we belong to each other, right?" Nakangiti nyang tanong.
"Oo! tama ka. Kahit saan tayo magpunta basta suot natin ang kwentas na ito ibig sabihin we belong to each other at hindi natin makakalimutan ang bawat isa. Ito ang palatandaan na ikaw at ako ay may forever."Naiiyak kong sabi. Pinunasan nya ang mata ko na umiiyak at ngumiti sya sa akin.
"I'll keep that in my mind, please don't cry. I will always be here for you no matter what, hindi kita iiwan."Pagkatapos ay niyakap niya ako.
Biglang tumibok ang puso ko nang malakas at nag-init ang pisngi ko.
Para akong kinakabahan kaya mas napayakap pa ako sa kanya nang mahigpit na parang ayaw ko syang bitawan dahil baka pag binitawan ko sya mawawala sya sa akin at hindi ko iyon kakayanin.
"HAPPY BIRTHDAY TOTOY."Sambit ko nalang habang yakap ko siya.
"Thank you ate Zana."Mahina niyang tugon.
MARAMI kaming pinuntahan hanggang sa gabihin na kami.
Kasama pa rin namin sila Andrew at Brandon. Silang dalawa lang ang sumama dahil may pasok yong dalawa ko pang pinsan.
Bigla sumagi sa isip ko na hindi pala ako nakapasok sa school for 1 month na dahil naging abala ako sa trabaho.
Pinag-ipunan ko kasi itong kaarawan ni Totoy kaya nawala sa isip ko ang pumasok sa school, di bale babawi nalang ako pag-uwe namin sa probinsya.
"TOTOY dito ka lang muna ah pupunta lang ako sa toilet, wag kang aalis dito ah hintayin mo ako sandali lang naman ako."Ihing-ihi na ako masakit na ang puson ko kaya kailangan kong makahanap ng toilet.
May kalayuan pa naman yong toilet na tinuro sa akin ng staff nitong amusement park kaya kailangan ko pang iwan si Totoy bawal kasi ang lalake dun.
Medyo malaki na kasi si Totoy kaya bawal na sya pumasok sa ladies toilet.
"Okay hihintayin kita dito ate Zana."Pagkasabi nya non mabilis akong umalis dahil masakit na talaga baka maihi pa ako dito nakakahiya ang daming tao.
Malapit na ako sa toilet pero bago ako pumasok nilingon ko muna si Totoy na malayo na sa akin.
Biglang parang sumikip ang dibdib ko nang makita ko syang kalmado lang na nakaupo sa mahabang upuan.
Hinihintay ako nito, pero sa di malamang dahilan bakit parang gusto kong umiyak habang pinagmamasdan ko ang kapatid ko.
Gusto kong balikan ang kapatid ko pero ramdam ko ang tubig na konting-konti nalang bubuhos na sa gitna ko kaya tuluyan na akong pumasok sa loob ng toilet.
Halos madapa na ako sa pagmamadali at tamang-tama naabutan ko ang babaeng kalalabas lng sa isang cubicle dahil mukang puno na ang bawat cubicle don.
Nakahinga ako nang maluwag paglabas ko ng toilet, mabilis akong bumalik sa kinaroroonan ng kapatid ko pero...
Nasaan ang kaptid ko?
HALOS kalahating oras na akong naghahanap sa kanya pero hindi ko sya makita, sa dami nang taong nandito nahihirapan akong mahanap siya.
Halos lahat nang batang makita ko na may suot na black t-shirt at blue jeans with white rubber shoes pinuntahan ko dahil sa pag-aakalang ito ang kapatid ko pero mali parin.
Dumating naman sila Andrew at Brandon sakay ng kotse nila, galing daw sila sa kabilang park.
Tinulungan nila akong maghanap kay Totoy pero wala parin, nagpatulong pa kami sa mga gwardyang nandon pero wala talaga.
O my god! nasaan kana ba Totoy. Kapatid ko asan kana?
Bulong ko sa isip ko.
Hindi ko na napigilan ang di maiyak nang wala na talaga kaming chance na mahanap si Totoy. My god mababaliw ako pag hindi siya nahanap.
NAGWAWALA na ako dahil hindi ko parin matanggap na hindi namin nahanap ang kapatid ko.
Alam ko kanina pinagtitinginan na ako nang mga tao dahil para akong baliw sa kakaiyak.
Hanap doon, hanap dito pero wala pa din hanggang sa kumonti nalang ang tao sa park. Hinalubog namin ang kasuloksulukan ng park pero wala pa rin ni anino niya.
Nagpunta na kami sa police sa tulong ni tiya Cora, pero mahigit isang linggo na wala paring balita.
Hindi ako tumigil sa paghanap sa kanya, hindi ako uuwe sa probinsya nang di sya kasama.
Sana kasi hindi ko nalang sya iniwan, sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nawawala ang kapatid ko.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyare sa kanya habang buhay ko iyon pagsisihan.
Umabot na sa ilang taon ang lumipas pero di ko parin mahanap-hanap ang kapatid ko. Ngunit hindi ako susuko,hahanapin ko padin siya.
***MONTERELAOS
(Where are you Totoy??)
BINABASA MO ANG
(R18)YOU ARE MINE (JAKE MONTERELAOS)
Romantizm(R-18) JAKE MONTERELAOS_BOS (Beast of Stars) 》Never be ashamed of how much you love,or how quickly you fall. Love fully,love completely,but most importantly,LOVE NATURALLY and don't ever apologize for it. Don't ever be sorry for loving the way y...