GABING-GABI na hindi pa rin umuuwe si Totoy, napapadalas na ang pagpunta nya sa bahay ng kapit bahay namin sa di kalayuan.
Kaya nagpasya akong puntahan nalang sya para pauwiin dahil hindi pa sya kumakain.
"Tao po, aling Elena nandyan po ba ang kapatid ko?"Malakas kong usal sa pinto na nakasara.
Bumukas ang pinto at niluwa nun si aleng Elena na naka kunot noo.
"Suzana ikaw pala, anong kailangan mo hija?"Malumanay nyang tanong.
Mabait si aleng Elena sa amin lalo na kay lolo dahil kaibigan din ni lolo ang tatay nitong si aleng Elena.
"Nandyan po ba ang kapatid ko? kanina pa po kasi sya hindi umuuwe eh, si Maki lang po kasi ang lagi nyang kasama at pansin ko rin na mag bespren na ang dalawang iyon. Kaya alam ko dito sya madalas magtambay sa bahay nyo aleng Elena."Paliwanag ko.
"Naku tama ka dyan, nandito nga ang kapatid mo. Nandun sila ni Maki sa taas. Tuloy ka muna hija at tatawagin ko si Maki at Totoy."Nilakihan nya ang pagbukas ng pinto.
Akmang papasok na ako nang biglang lumitaw si Totoy sa likod ni aleng Elena.
Magulo ang maitim nyang buhok, may mga kulay na parang pinta sa braso nya.
"Oh nandyan kana pala Totoy, hinahanap ka nang ate mo."Sambit ni aleng Elena.
Hinila ko na palabas ng bahay nila si Totoy at nagpaalam na ako sa kanila.
"Sige po aleng Elena, pasensya na po kayo sa kapatid ko."Paumanhin ko.
Ngumiti naman ang ginang na parang okay lang sa kanya na magtambay sa kanila si Totoy.
Bago pa kami umalis sinabe ni aleng Elena na welcome daw sa bahay nila si Totoy.
Pagkarating namin sa bahay wala parin imik itong si Totoy, kami lang dito sa bahay dahil may pinuntahan lang si lolo pero babalek din daw sya mamaya.
May ilaw na rin kami sa loob ng bahay kubo namin dahil bumili si lolo nang ilaw nung isang araw.
Tiningnan ko mula ulo hanggang paa ang kapatid ko, ang gulo ng puting damit nya.
Marami na rin syang damit kahit papano dahil binilhan din sya ni lolo. Napansin ko rin na tumatangkad na ang kapatid ko.
"Tatahimik ka nalang ba dyan? wala ka bang gustong sabihin sa akin?"Tanong ko sa kanya habang kumuha ako ng damit nya sa drawer nya para pang palit nya.
Tahimik lang syang nakatayo at nakayuko.
"Zana?"Mahina nyang sambit sa pangalan ko.
"Hmm? may sasabihin ka ba?"tugon ko at saka hinarap ko sya.
"Ako at si Maki nagpapraktis magpinta, kaya may mga color paint ako sa aking braso.Nagpapaturo ako sa kanya magpinta! pasensya kana kung hindi ko sinasabe sayo."Nakayuko paring tugon nya.
"Kaya ka ba madalas magtambay dun sa kanila dahil gusto mong matuto magpinta?"Sunod-sunod naman ang tango nya."Yon naman pala eh, wala naman masama don sa ginagawa nyo pero sa susunod magpaalam ka sa akin para hindi ako mag-alala. Akala ko kasi kung napano kana eh pero dahil alam kong mabait si Maki sayo may tiwala naman ako lalo na sayo. Mahilig ka pala magpinta, ano bang pinipinta nyo?"
Nakatingala na sya sa akin ngayon na may ngiti sa labi.
"Next time magpapaalam na ako sayo."Sabi nya.
May napapansin na ako sa kanya. Yumukod ako para magpantay ang mukha namin. Tiningnan ko sya nang seryoso at mukang nailang sya.
"Napapansin ko lang, bakit hindi mo na ako tinatawag na ate Zana? ikaw ah nakakalimot kana yatang tawagin akong ate nagtatampo na ako nyan."Pabebe kong aniya at umiwas sya ng titig sa akin.
BINABASA MO ANG
(R18)YOU ARE MINE (JAKE MONTERELAOS)
Romance(R-18) JAKE MONTERELAOS_BOS (Beast of Stars) 》Never be ashamed of how much you love,or how quickly you fall. Love fully,love completely,but most importantly,LOVE NATURALLY and don't ever apologize for it. Don't ever be sorry for loving the way y...