NINE YEARS HAS PASSED...
Marami nang nangyare sa buhay ko sa loob ng 9 years, hindi pa rin ako umuwe sa probinsya ngunit pina repair ko ang bahay namin don marami akong binago.
Umaasa akong mahahanap ko pa ang kapatid ko, kahit alam kong sa loob ng syam na taon ay malaki na sigurado ang pinagbago nya.
Sabi nila baka daw patay na ang kapatid ko pero hindi ako naniniwala dahil ramdam ko sa puso ko na buhay na buhay ang kapatid ko. Buhay pa si Totoy.
Sa mga nakaraang taon napaka rami nang pagsubok na dumaan sa buhay ko, nagtrabaho ako para makaipon.
5 years akong nanatili kila tiya Cora dahil nag-aaral pa ako nang high school kaya kailangan ko nang guidance pero nang tumuntong na ako sa kolehiyo nagpasya na akong mag renta ng sariling apartment.
Kahit gaano kabait sa akin si Tiya Cora may konsensya pa rin ako kaya pinilit ko syang payagan ako na maghanap ng apartment na matutuluyan ko at pumayag naman siya.
KAARAWAN ko ngayon kaya nagpahanda nang party ang bespren kong si Jessi! dito pa talaga sa bar nang kuya Ron niya nagsabog nang party. Nakakahiya tuloy sa kuya niya.
"Bakit ayaw mong maki join sa kanila? special day mo ngayon pero parang hindi ka naman masaya."Napalingon ako sa lalaking tumabi sa akin at may malapad na ngiti sa labi.
Titig na titig siya sa akin.
"Ron!"sambit ko sa pangalan nya."Ahm kasi
.hindi naman ako sanay sa mga ganitong okasyon eh, iyang kapatid mo ang mapilit. Nakakahiya na nga sayo kasi dito pa niya naisipang e celebrate ang kaarawan ko.Sanay naman ako sa mga simpling handa lang pero makulit talaga si Jessi ang hirap tanggihan."Ani ko.He chuckled and laugh.
"Wala naman masama kahit dito kayo nag celebrate, its an honor pa nga eh. Masaya ako dahil pumayag ka sa alok ng kapatid ko. By the way here, a gift for you."May iniabot syang mahabang red box."Happy birthday Suzana."
"Thank you Ron. Pero hindi ko ito matatanggap, malaking regalo na yang pagpayag mo na dito magcelebrate sa bar mo kaya sapat na yon sa akin."Pagtanggi ko.
Binuksan nya ang box at nakita ko ang isang silver na necklace, akmang isusuot niya iyon sa akin pero natigilan siya.
"Oh sorry! may necklace kana pala at mukang special na necklace yang suot mo. Galing ba yan sa boyfriend mo?"Napalabi siya habang sinisilip ang suot kong kwintas.
Naiilang na tumango nalang ako dahil ayokong ma replace ang nag-iisang remembrance na tanging hawak ko para sa kapatid ko.
Nakita ko ang malungkot na ngiti ni Ron, binulsa na lang nya ang box na may lamang mamahalin na kwintas.
Masaya ako dahil hindi na sya nagpumilit pa. Mahaba-haba na rin ang napagkwentuhan namin hanggang sa nagpasya na akong umuwe.
Medyo nahihilo ako kaya bago pa ako malasing umuwe na ako nang maaga. Ihahatid pa sana ako ni Ron pero hindi ako pumayag, kaya ko pa naman.
PAGDATING ko sa bahay kamuntikan pa akong madapa sa sahig dahil sa kung anong bagay na naapakan ko.
Binuksan ko ang ilaw at lumantad sa harap ko ang tambak na regalo, alam ko kung kanino galing ang mga ito.
Umupo ako sa mahabang sofa saka eni dial ang isang number na alam kong may kagagawan nito. ilang ring pa at sumagot na ang nasa kabilang linya.
{"Hey girl! natanggap mo ba ang maliit na regalo ko?"}Kalmado nyang tanong.
BINABASA MO ANG
(R18)YOU ARE MINE (JAKE MONTERELAOS)
Romance(R-18) JAKE MONTERELAOS_BOS (Beast of Stars) 》Never be ashamed of how much you love,or how quickly you fall. Love fully,love completely,but most importantly,LOVE NATURALLY and don't ever apologize for it. Don't ever be sorry for loving the way y...