CHAPTER 20

35.4K 1K 19
                                    

ANG DAMING nangyare simula nang umuwe kami sa manila from Cebu.

Dinumog kami ng mga tao sa harap ng airport last week at hindi kami tinantanan ng mga press. Hindi rin ako binibitawan ni boss Jake or Boyfriend ko kuno.

He is my boyfriend now at iyon ang laman ng mga magazine, at balita sa tv.

Kinabahan talaga ako nung time na yon na kumanta ako sa harap ng maraming tao. Hindi naman kasi ganon karami ang nanonood sa amin noong bata pa kami nila kulot, nagkataon na kilala ako nung song writer na sa show.

Nakilala nya agad ako at pinakiusapan na ako nalang ang pumunta sa  stage dahil walang choice. Bigla daw kasi pinaos si Katelyn kaya di sya pwede.

Nung time na umakyat ako, sobrang kaba ang nararamdaman ko pero naglaho yon lahat ng mapalingon ako sa BOS band na nasa likuran ko. Lahat sila may malawak na ngiti while looking at me, kaya nabuhayan ako ng lakas.

Pagkatapos agad ng concert halos maduling na ako sa kakulitan ng BOS band. Hindi sila makapaniwala na magaling daw pala akong kumanta at parang inagaw ko na daw ang entablado nung mga sandaling iyon.

Nung araw na nagtapat si Jake  sa akin na gusto nya ako. Parang sasabog na ang puso ko sa tuwa. Hindi ko man maipakita sa kanya na gusto ko rin sya pero alam ko ramdam nya iyon.

To think na ang boss ko,drummer vocalist ng BOS band ay magiging boyfriend ko na as in jowa ko na talaga siya.

Gaya nang sabi ni Jes sa akin kahapon nung tumawag sya para daw roller coaster ang buhay ko since i met Jake Monterelaos, nakakatakot and at the same time mag-eenjoy ka. 

Sobrang tuwa ni Jes ng malaman nyang bf ko na si Jake Monterelaos, grabe ang tili nya kahapon sa kabilang linya nakakabingi.

Pati si tiya Cora kinilig din nang magkausap kami sa phone kanina, finally daw magkaka roon na sya ng apo na blue eyes.

Eh hindi pa naman sigurado kung si Jake ang mapapangasawa ko eh.

Bigla akong napapangiti sa isiping si Jake ang magiging ama ng mga anak ko in the future, nakaka kilig.

Muntik nang mapaso ang kamay ko dahil sa nahawakan kong mainit na takip ng kaldero.

Ayan kasi, puro kilig ang laman ng utak.

Sabi nang isa kong diwa. Nagulat pa ako ng marinig ang sunod-sunod na doorbell sa labas ng bahay ko.

Ang aga-aga, sino kaya itong naligaw ng landas na napadpad sa bahay ko?

Tinungo ko ang pinto dala ang sandok na hawak ko kanina.

pagbukas ko mukha ng isang pamilyar na adonis ang bumunggad sa akin. Prente syang nakatayo sa harapan ko na nakapamulsa at malapad ang gwapo nitong ngiti.

"Blake? A-anong ginagawa mo dito?"Nagtatakang salubong ko sa kanya.

Pinagmasdan nya ang suot ko at ang hawak kong sandok saka napa ismid.

"Tamang-tama! Nagluluto ka nang agahan, damihan mo na. Gutom ako."He calmly said.

Dumeretso syang pumasok sa loob na akala mo sya ang may-ari ng bahay. Sinundan ko sya na umupo sa mahabang sofa.

"Nagpunta ka lang dito para makikain?"Tanong ko ulit at tumango naman sya saka kinuha ang remote control ng tv at binuksan iyon.

"Yes! hindi ka lang pala magaling kumanta, mukang magaling ka rin magluto. Ang swerte sayo  ng pinsan ko."Sa tv parin nakatutok ang mata nya habang sinasabe yon.

Buti nalang dahil ramdam kong namumula na ang pisngi sa sinabe nya.

Magsasalita pa sana ako nang maalala ko ang niluto ko."Naku ang niluluto ko."Tinakbo ko ang kusina at buti nalang naagapan ko  pa ang adobong ginawa ko.

(R18)YOU ARE MINE (JAKE MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon