CHAPTER 15

35.2K 1K 5
                                    

"Say what?"Napatakip ako sa tainga dahil sa lakas ng pagkasabi non nitong si Jes.

"Jes naman! yang boses mo hinaan mo nga."Saway ko  sa kanya.

Katabi ko na nga sa isang sofa kung makatili wagas.

"Yung totoo Suz! tell me nagbibiro ka lang diba? kasi nakakatawa ang biro mo as in."Humalakhak pa ang gaga.

I rolled my eyes looking at her saka napailing-iling nalang ako."Not kidding."

"Oh my beauty! like seriously? so totoo nga na boss mo ang vocalist ng BOS? si Jake Monterelaos? ghad this is heaven Suz.  Ohh"Lumaki ang mata nya na parang may naalala, hinawakan nya ako sa magkabilang braso saka tinitignan nang mata sa mata."So that means, n-nakita mo na si Blake? tama ba ako nang iniisip Suz? na meet mo na ang papa Blake ko.?"

Tumango ako bilang sagot sa tanong nya. At tuluyan nang nagtitili ang gaga sa galak, halos masira na ang sofa sa pinag-gagawa nya.

Kung maka bounce kasi sa sofa kala mo dudurugin na nya ito. Idagdag pang halos malumos na ang heart pillow na hawak nya.

Marami pang tinanong sa akin si Jes bago ito umuwe na malapad ang ngiti sa bibig. Ikumusta ko lang daw siya kay Blake.

Nakiusap pang pagsabihan ko sya agad kapag nagkita ulit kami ni Blake para makadalaw siya. Big fan nga naman kasi siya ni Blake.

Matutulog na dapat ako pero may kailangan pa pala akong puntahan.

After two more hours  nakarating na ako sa lugar na matagal ko nang gustong puntahan pero ngayon lang ako nagkaroon nang time.

My house! my hometown.

Pumasok ako sa loob at hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa mga alaalang nanatili sa bahay na ito na ngayo'y isa nang malaking bahay.

Pinalaki ko ang maliit at lumang bahay namin noon simula nang makatapos ako nang pag-aaral at naghanap ako nang desenteng trabaho na may malaking sahod.

Inipon ko iyon para dito at nagtagumpay naman ako. This is what i promised to lolo noong nabubuhay pa sya.

Nangako akong ipapagawa ko sya nang bahay pero hindi na nya ito nakita.

Sa isiping natupad ko ang pangako ko masaya na ako dun at ang bukid ni lolo ganon padin nagagamit padin iyon dahil sa tulong ni lolo Juan ang matalik na kaibigan ni lolo.

Medyo may katandaan na rin si lolo juan kaya sinabihan ko sya na ipaubaya na lang sa ibang magsasaka ang lahat ng trabaho na kinuha ko para tulungan sya at di naman sya tumanggi dahil nga matanda na rin sya.

Pumasok ako sa dating kwarto namin ni Totoy na ngayo'y isa nang malaking kwarto pero andun parin ang munting higaan namin ni Totoy.

Humiga ako at lagpas ang paa ko sa bed, natatawa akong isipin na dati kasyang-kasya kami dito ni Totoy pero ngayon parang ako nalang ang kasya dito.

Kung nandito lang si Totoy kakasya din kaya sya dito? ano na kaya ang itsura ng kapatid ko? gwapo parin kaya sya? blue pa rin kaya ang mata nya? nag-eengles parin kaya sya?.

Parang maiiyak na ako kaya bumangon ako para libangin ang sarili ko, ayoko nang umiyak dahil wala rin naman mangyayare kung iiyak nanaman ako eh.

Hanggang ngayon hindi ko parin sya mahanap. Binuksan ko ang dating kabinet ko saka kinuha ang isang bagay na makakatulong mapawi ang kalungkutan ko dahil sa mga alaalang sa nakaraan lang nabubuhay.

My guitar...oh how i miss this instrument.

Bumalik ako sa bed saka naupo nang naka dekwatro at pinwesto ang guitar na ngayo'y saktong-sakto sa mga bisig ko.

(R18)YOU ARE MINE (JAKE MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon