CHAPTER 5

35.6K 1K 25
                                    

"ANG GANDA mo Suzana"Untag ni Aira na katabi ko ngayon sa upuan na malapit sa stage.

Ngayong araw na ang graduation ko at pinaganda talaga ako nang ate bakla ni Aira kanina.

"Salamat sa ate bakla mo, ikaw rin naman ang ganda mo."Lumapad ang ngiti niya at may pakurap-kurap pa sa mata.

"Syempre magaganda ang lahi natin eh."Nginitian ko nalang din sya.

Malapit nang magsimula ang open ceremony ng graduation namin pero hindi pa dumarating ang dalawang tao na inaasahan kong uupo sa parents seats.

Bakit kaya ang tagal nila, dapat kanina pa sila nandito.

After 20 minutes wala pa rin sila kaya nag-aalala na ako kinakabahan ako. Halos mabali na ang leeg ko sa kakalingon sa may entrance pero ni anino nila wala parin.

"Suzana Alfonso?"Nilingon ko ang taong tumawag sa pangalan ko.

Lumapit sa akin ang aming guro, bigla akong kinabahan sa hindi ko malamang dahilan nang makita ko ang lungkot sa mata nya habang nakatitig sa akin.

"Ma'am? bakit po?"Nanginginig kong tanong, hindi ko talaga alam kung bakit ako kinakabahan.

"Kailangan mong pumunta sa hospital, dinala don ang lolo mo. Inatake daw sa puso ang lolo mo kanina."Malungkot nyang sabi.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa nalaman ko, agad akong umalis sa lugar na iyon ng sabihin nya sa akin ang pangalan ng Hospital kung saan naroon ang lolo ko.

Pagdating ko sa hospital hinanap ko agad ang room kung saan naroon ang lolo ko, suot ko parin ang toga ko pero wala na akong pakialam sa graduation ko, si lolo ang mahalaga sa akin ngayon.

Pagdating ko sa isang silid nakita ko agad si Totoy nakaupo sa may mahabang upuan kasama si Maki at aleng Elena.

"Suzana, hija bakit..."

Naputol ang sasabihin ni Aleng Elena ng dumeretso ako sa may pintuan na nakasara pero wala akong maaninag sa loob nito.

Hindi ko na napigilan ang luha na kanina pa gustong bumuhos sa mata ko. Nangantog ang tuhod ko na parang wala na akong lakas pang tumayo.

"A-anong nangyare kay lolo? bakit sya naroon sa loob? anong ginagawa nila kay lolo?"Mangiyak-iyak na tanong ko.

Lumapit sa akin si Aleng Elena para pakalmahin ako at pinaupo sa tabi ni Totoy na kanina pa walang imik.

"Inatake sya kanina pagdating nya sa bahay nyo, buti nalang nandun ako para maagapan sya. Wala na syang hininga nung papunta kami sa hospital pero sabi ng doctor kanina baka may pag-asa pa. Tumawag ako sa school nyo para sabihin sa guro mo na ipaalam sayo ang nangyare."Ani  aleng Elena.

Biglang bumukas ang silid na nasa tagiliran namin at niluwa nun ang isang lalake.

"Kumusta na po sya doctor?"Agad na tanong ni aleng Elena.

Umiling-iling ang doctor dahilan para mas kumabog pa lalo ang dibdib ko sa kaba.

"Pasensya na pero ginawa na namin ang lahat. Sumuko na ang pasyente, kinalulungkot kong sabihin pero wala na ang pasyente."

Marami pang sinabe ang doctor pero hindi ko na yon narinig dahil bigla akong nabingi, mas lalong sumikip ang dibdib ko na parang nahihirapan akong huminga.

Nag-iinit ang buong katawan ko kaya hindi ko na kinaya ang sakit. Sumigaw na ako at nagpapadyak sa sahig.

Binuksan ko ang pinto at nanlamig ako sa aking nakita.

(R18)YOU ARE MINE (JAKE MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon