AFTER FEW HOURS nakarating na kami sa destination namin.
Buong biyahe yata akong nakatulog. Pagbaba namin mula sa plane ay sinalubong kami ng mga naka pormadong lalake at iginiya kami sa isang kotse. Akmang bubuksan ng isang lalake ang pinto ng kotse ng magsalita si Jake na nasa likod ko na pala.
"Come with me"Hinila nya ako sa pulsuhan kaya nagpatianod nalang ako."Get in"
Hindi ko namalayan nasa harapan na pala kami ng isa pang kotse.
"Saan naman tayo ngayon?"Napalabing tanong ko.
"Shopping!"Tipid nyang sagot.
Maingat nyang itinulak ang katawan ko sa loob ng passenger seat kaya wala na akong nagawa kundi ang pumasok.
"Mag-sashopping tayo? bibili na ba tayo ng mga gamit ko?"Naniniguradong tanong ko.
"Yeah! s
Stop asking. We're in a hurry."Mariin na sagot nya.Mabilis nyang pinatakbo ang kotse at ilang minuto lang nakarating na kami sa isang malaking mall.
Napatingin ako sa kasama ko na nagsuot ng black sun glasses saka hinawakan ang pulsuhan ko at gaya nang kanina nagpatianod nanaman ako sa hila niya.
Lahat ng makasalubong namin nakatitig sa gawi namin ni boss Jake.
Naramdaman ko ang pagtiklop nya ng palad nya sa palad ko kaya napatingin ako sa kamay ko or kamay naming dalawa.
Sigurado ako na kahit sinong makakita sa amin ngayon iisipin nilang couple kami.
"Bosing! ang kamay ko."Pinilit kong dukutin ang kamay ko pero mas hinigpitan pa nya ang paghawak.
Hindi sya nagsalita, napatingala ako sa kanya.
Takte, anak nang abs naman oh ang gwapo nya talaga at nakadagdag sa kagwapuhan nya ang black sunglasses na suot nya.
Naka black fitted t-shirt sya sa loob at may black leather jacket na nakapatong sa makisig nyang katawan. Naka black rip denim jeans naman sya with black shoes na mas bumabagay sa tindig nya.
Mahilig sya sa black color, parang si Totoy.
Pumasok kami sa isang shop na puro damit pambabae, ako sana ang mamili pero sya na ang gumawa at halos lahat yata ng damit dito gusto nyang bilhin.
Pero pinigilan ko sya dahil isang linggo lang naman kami mananatili dito kaya hindi kailangang bilhin ang lahat ng damit sa shop na iyon.
Matapos kami mamili ng damit ko, sunod namin pinuntahan ang mga sandals at sapatos.
Pinili ko ang sapatos kasi mas bet kong suotin yon. Naga high heels lang ako kapag nasa trabaho ako, Sunod naman ay mga palamuti na halos puro mamahalin.
Di rin kami nagtagal don, konti lang ang binili ko. Iyong mga needed ko lang kasi hndi naman ako mahilig maglagay ng kung ano-ano sa mukha ko.
Huling pinuntahan namin ay ang mga panty at bra's.
Pagkatapos ay lumabas na kami sa mall, lahat ng pinamili ko sya ang nagbuhat.
Kahit na ilang pilit kong sabihin sa kanya na ako nalang pero ayaw nya! ayan tuloy hulog na hulog na talaga ang puso ko.
Kahit pinagtitinginan kami ng mga tao wala syang pakialam.
"Ahm! bosing. S-salamat sa mga damit at iba pa, babayaran lang kita kapag nakasahod na ako sayo."Saad ko habang nasa loob na kami ng kotse.
"It's fine! you don't have to pay me back. That's all yours."Seryosong sambit nya.
"Pero kasi."Magsasalita pa ako nang biglang tumigil ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
(R18)YOU ARE MINE (JAKE MONTERELAOS)
Romance(R-18) JAKE MONTERELAOS_BOS (Beast of Stars) 》Never be ashamed of how much you love,or how quickly you fall. Love fully,love completely,but most importantly,LOVE NATURALLY and don't ever apologize for it. Don't ever be sorry for loving the way y...