CHAPTER 13

35.2K 1.1K 26
                                    

JAKE

"TRENDING talaga ang new born Jake Monterelaos! can you believe that?( Ang tahimik at mahiyain na Jake Monterelaos naging wild sa unang pagkakataon, mismo sa harap ng milyong fans!. )Yan ang laman nang coments ng mga fans natin sa USA. Totoo naman din, never kang mag wild sa concert natin doon pero ibang-iba ka kahapon. Para kang sinaniban!"Napa smirk na sambit ni Dylan.

Magsasalita pa sana ako nang may mukha nang babae ang lumantad sa video.

That's her...siya iyong babae na nakasalo ng jacket ko.

Ilang minuto ang lumipas bago magsalita si Blake na nasa tabi ko.

"She's beautiful! perhaps do you know her?"Baling nya sa akin.

"No!" Mabilis kong sagot.

"Of course you do! the way you look at her,you seems to know her. At doon lang namin nahalata na mas naging enjoy ka sa concert natin. And that scene...."Ininguso nya ang flat tv at lumabas doon ang paghagis ko sa jacket ko at kung paano ko kindatan ang babae.

Babalingan ko pa sana si Blake nang hindi maalis ang mata ko sa maamong mukha nang babae. She looks shocked for what i did, her brown eyes is clearly shock. Her kissable lips.

God damn it! my heart is fluttering all of a sudden. No, this shouldn't be happening to me.

Hindi ko gusto ang nararamdaman ko kaya tumayo ako saka naglakad patungo sa kwarto ko.

"Well, That's for today Jake! we're leaving"Biglang sambit ni Blake.

Paglingon ko nakatayo na sila.

"At 8:30 pm kailangan nandon kana sa BOS band unit. Kailangan tayo doon para sa new project natin. Sige alis na kami."Pahabol niyang bilin.

Tuluyan na nga silang umalis pero akala ko lang pala yon dahil may isa pang gago na sumilip sa pinto.

"You like that beautiful woman! don't deny that Jake. You're blushing just a while ago. Bye"Nakangising saad ni Dylan at kinindatan pa ako nang tarantado.

Bago ko pa sya maabutan sinara na nya ang pinto.

Tsk!

KANINA pa ako nakahilata sa kama ko at nakipagtitigan sa kisame nang kwarto ko.

Hindi maalis ang mukha nang babaeng yon sa isip ko, medyo kumalma na rin ang tibok nang puso ko habang hawak ang kwintas na bigay sa akin nang babaeng mahalaga sa buhay ko.

Suzana...ikaw lang ang babaeng dapat na pagtuunan ko nang pansin. Kahit alaala lang ang pinanghahawakan ko at itong kwintas na may pangalan mo hinding-hindi ka mawawala sa puso at isipan ko...Ikaw lang at wala nang iba.

Napaliyad ako nang sunod-sunod na tumunog ang doorbell.

Pinilit kong bumango para puntahan ang kung sino man itong makating kamay na nagdo-doorbell. Kung maka doorbell kasi para lang syang nagpipindot ng keypad.

Tamad kong binuksan ang pinto. Wala sa sariling napaatras ako sa nakikita ko.

"Hi Dadi! gudmowning!"Malapad na ngiting bati sa akin nitong babae na nasa harapan ko.

Salubong na kilay kong sinuri ang kabuuan ng katawan nya. Maliit na babae kasing tangkad yata siya ni Kiray Celis.

Naka skirt sya ng pink at hanggang hita ang haba! naka sapatos ng kulay pink, naka t-shirt ng pink din pero tinali ang dulo ng damit sa baba sanhi para sumilip ang pusod nya.

Singkit ang mata pero heart shape ang bibig at ang mas nakakuha ng attention ko ay ang makapal nitong buhok na mas malaki pa sa ulo niya.

Parang ilang taon yatang hindi sinuklay sa kapal at pwedi na nga yatang bahayan ng mga ibon.

(R18)YOU ARE MINE (JAKE MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon