Chapter 6 : Darloumn Family

49 12 0
                                    


Na alimpungatan ako dahil sa malakas na tunog ng kampana. Gabi na pala nandito ako ngayon sa kwarto ko.Kaninang tanghali pa kami na kauwi mula sa Haiko Market. Sabi ni Merinda ay isa lamang raw iyong pag nanakaw kaya may narinig kaming sigaw. Yong bigla namang pagdilim nang langit ay hindi raw talaga maganda yung panahon kaya ganon. At yung pagdaan namin sa portal ay dahil baka abutan raw kami ng malakas na ulan sa himpapawid.

"Oy Marga gising ka na pala. Kanina pa kita inaantay" masiglang bati sakin ni Mix mula sa kabilang kama. Nag babasa nanaman sya ng makapal na libro. "Tara kain muna tayo"

Naunang mag lakad sakin si Mix dahil hindi ko rin naman alam ang daan papunta doon baka maligaw lang din ako sa malaking kastilyong ito. "Alam mo naba kung anong family ka kasali?" Wala akong ka ide ideya kung anong family ba yung sinasabi nya pero sumagot parin ako. "Hindi pa eh, ikaw? Anong family ka kasali?"

"Berdivour Family" mabilis nyang sagot. Napakunot ako ng noo dahil hindi ko iyon alam. Natawa ng mahina si Mix dahil siguro sa reaksyon ko. "Berdivour Family means love to Nature. Ang pangunahing pinag aaralan namin ay mga halaman, mga herbs ganon" kakapakinig sa mga kwento ni Mix ay hindi ko napansin na nakarating na kami sa isang malaking kwarto na may mataas na kisame at may malaking chandelier sa itaas. Meron ding limang mahahabang lamesa at halos lahat yun ay ukyupado ng mga estudyante.

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad sa gitna ng mapansin kong pinag titinginan pala ako. Hindi ko alam kung dahil may mali sa suot ko o dahil bago ako sa paningin nila. Naramdaman ko ang paglapit ni Mix sakin "Marga siguro punta ka muna sa unahan para maipakilala ka"

Sinunod ko ang sinabi ni Mix at dahan dahan akong naglakad patungo sa harapan. Hindi pako tuluyang nakaka rating sa harap ay sinalubong ako ng isang may katamtamang tangkad. Maputi at may makapal sa salamin. Nginitian nya ako at nag salita "Margaret Hera? Im Miss Heidiann Marcelina you can call me Ms. Heidi i will be your family advisor and you will be part of my Darloumn Family!!" Masaya nyang sabi sakin at inakay ako papunta sa mismong harapan.

"Excuse me everyone? May i have your attention please?" Malakas ngunit malambing na pagkuha ng atensyon ni Ms. Heidi. Nag tagumpay naman sya dahil tumingin halos lahat sa kanya. "We have a new student here. Her name is Margaret Hera and she will be part of my Darloumn Family" tila nagulat ang karamihan sakanila dahil sa narinig. "Sino bayang bago nayan at sa DF sya napunta?" "Wow ang swerte naman nya" madami akong narinig na bulong bulungan pero bakit? Dahil ba hindi ako kumuha nung parang entrance exam ganon?

Pag katapos ng anunsyo ni Ms. Heidi ay sinamahan nya ako sa lamesa na inuukyupahan ng Darloumn Family o DF. lahat sila ay naka tingin sa akin pero hindi lahat masaya nung una pero meron din namang natuwa gaya ng dalawa kung katabi.

"Hi Margaret. Camille Ruiz nga pala" inilahad nya ang kanyang kamay sa harap ko at inabot ko rin agad iyon. "Welcome sa DF" Masayang pag bati nya at sunod sunod na silang nag pakilala. "Oy luis pakilala ka naman kay Marga" sigaw ni Raffy sa lalaking walang imik sa harapan ko. Hindi sya pinansin niyo at nag simula ng kumain. "Ah Marga ito nga pala si Damon luis lyxiano. Wag mo natong pansinin ganto talaga to hehe." Naka ngiting paliwanag ni Cyruz. Tumango nalang ako at nag simula ng kumain.

Pagkatapos kung kumain ay tinawag ako ni Ms. Heidi dahil ibibigay nya raw sakin ang schedule ko para sa mga klase ko bukas at ibibigay nya rin daw ang badge at kurbata ko para maging official member ng DF. Sumama naman ako sakanya papuntang DF office.

Pag dating namin sa opisina ay unang una agad makikita ang istante ng mga tropeyo at midalya sabi ni Ms. Heidi ay napanalunan raw iyon ng mga kasapi ng DF. Sa kaliwang banda naman ay makikita ang isang lamesa sa likod nun ay may malaking painting ng isang babae at lalaki na nag lalaban gamit ang parang liwanag na dilaw at kulay ubeng liwanag. Natinag lamang ako sa pagtitig sa larawan ng mag salita si Ms. Heidi

"Simula ngayon ay palagi mo ng susoutin ang badge na ito Marga. Isa ito sa pagkaka kilanlan mo sa lugar na  ito naiintindihan mo?" Mabilis naman akong tumango. Iniabot nya sa akin ang badge. Ultimo dilaw na apoy na biglang lumiyab nang nahawakan ko ang badge ngunit naging permanente naman ito. "Ito naman ang korbata soutin mo ito sa pag pasok mo." Iniabot nya naman ang limang pares ng korbata ang lima ay mahaba at yung lima naman ay kulay dilaw na ribbon. At isinunod ang isang papel. Tinignan ko ang papel. "Yan na ang magiging schedule mo hanggang matapos ang taon. Naka silat nadin dyan kung ano ang kaylangan mong dalhin sa bawat subject mo." Tumango naman ako ulit "sige pwede ka ng lumabas total malapiy na din ang oras ng pag tulog. Alam mo naman yata ang daan pabalik diba?"
Pag tatanong nya. "Opo, salamat po dito"

Lumabas nako ng office at nag lalakad nako pabalik sa kwarto ko ng biglang may sumulpot sa harap ko.

"Hi Margaret Hera! Kumusta kana? Long time no see!" Masiglang bati ni Warren. Ang mokong na humila sakin sa lugar na to. Oo si Warren nga na diko alam kung paano ko tatratuhin dahil sa ginawa nya sakin. Tinignan ko lang sya ng masama at nginisian nya naman ako ng nakakaloko habang sumasandal sa pader.

"Congrats nasa DF kana sa mantalang dati muka kalang tutang naligaw dito." Pang aasar nya sakin. Abat ang kapal ng apog nento ah. "Hahaha" sarkastiko kong tawa sakanya. Mag sasalita pa sana ulit si Warren ng biglang tumunog ng malakas ang kampana.

"Paano bayan marga oras na para matulog. Bukas nalang bye!" At mabilis syang tumakbi palayo. Pag alis ni warren ay pumunta na ako sa kwarto ko at natulog. Good luck sa first day ko bukas!

To be continue......

Hiraeth Academy: Halls Of Ivy  (On-Going)Where stories live. Discover now