Chapter 13 : Suspected

19 9 0
                                    

Naging maayos naman ang nag daang mga araw. bukas ay friday na at bukas na din ang acquittance party kaya ngayon ay busy na ang mga tao para sa pag hahanda para bukas. Nandito ngayon ang karamihan sa mga estudyante sa Package hall para kunin ang mga susuotin nila at kasama na ako don.

"Badge po" mabait ang nag assist sakin ngayon ah, di tulad noon na parang galit sa mundo. Pinakita ko ang badge ko at sinabi nadin ang pangalan ko para di na mahirapan si ate. Dirediretso naman syang pumasok sa isang pinto. Habang nag hihintay ay tinitignan ko ang mga taong aligaga dito, Ang iba ay excited makuha ang mga gowns at tuxedos nila. Ang iba naman ay na iinip na sa pag aantay. kung titignan ay para bang simpleng tao lang sila. Walang kapangyarihan, walang nagagawang kakaiba at walang extra ordinaryong kakayahan. Ako kaya? kaylan ko kaya malalaman kung anong silbi ko dito? Wala naman yata akong kapangyarihan bat ba ako nandito?

"Miss ito na po yung Gown nyo." Napukaw ang pag iisip ko ng dumating na si ateng dala ang gown ko. "Thank you po." Sabi ko.Nag lakad nako paalis dadalhin ko sana mo na itong gown ko sa kwarto ko kaso nag lalakad palang ako sa pasilyo papunta sa mga kwarto ay may humarang sa dadaanan ko.

"Ganda ng Gown ah? May partner kana ba Marga?" Sabi ni Warren na nakataas ang isang kamay na hinaharang sa dadaanan ko. "Wala pa, kaylangan pa ba nang ganon?" Tanong ko sa kanya. Ibinaba naman niya ang kamay niya at sumandal sa pader at humalokipkip. "Oo naman! Pano ka sasayaw kong mag isa ka lang?" natatawang sagot nya.

"At sino namang nag sabi sayo na may balak akong sumayaw sa party nayon? pupunta lang ako don kasi kaylangan."Paliwanag ko sakanya. Namamangha naman siyang tumingin sa akin. "Kung sa mundo nyo ay araw araw ang party don pwes ibahin mo dito. once a year lang yan at hindi na ulit mauulit kaya kung ako sayo enjoy mo nalang. At alam mo wala din akong partner tapos wala ka ding partner so partners nalang tayo?" Nag puppy eyes naman siya sakin at parang nag mamakaawa. Napa buntong hininga nalang talaga ako. "Oo na! baka ikamatay mo pa yan pag di mo ko naka partner e." Sumilay naman ang ngiti sa muka ni Warren. "ikakamatay ko talaga" Mahina niyang bulong pero hindi yon naka takas sa pandinig ko. "Huh? May sinasabi kaba?"

"Wala ah! Basta bukas mag paganda ka, ayoko ng may pangit na partner habang sumasayaw." Aba ang arte nento! "Umalis ka nga sa daraanan ko Warren." Sigaw ko sakanya. kainis ako pa sinabihang pangit eh siya nga tong nag maakaawa sakin? "Bukas. Ako susundo sayo, wag kang mawawala." Yan ang huli niyang sinabi bago siya umalis sa harap ko.

----------

Itinabi ko muna ang gown ko sa gilid ng kama ko. At nahiga sandali sa kama. Habang nag papahinga ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Mix. "Marga andito kalang pala! kanina pa kita hinahanap." Hinihingal sa sambit nito. Tinignan ko naman siya. "Bakit? Anong meron?" Tanong ko

"Kanina ka pa pinapatawag ng mga Officials tungkol sa pag kasunog ng gubat noong nakaraang sabado!" Bigla akong napa bangon sa narinig ko kay Mix.
"Pi-pi-pinapatawag ako?" Natatakot kong tanong. Boung buhay ko hindi pa ako napupunta sa ganitong sitwasyon dahil na tatakot akong mapagalitan noon ni Nanay. Kaso ngayon wala si Nanay pero natatakot padin ako.

"Oo, Marga kaya siguro mas magandang pumunta kana sa Opisina nila bago ka pa nila ipahanap sa mga guwardya dito. Mas nakaka takot yon." Agad naman akong kumilos matapos madinig ang sinabi ni Mix. Inayos ko ang sarili ko at nag suot ako ng mukang prisentable.

"Ayan Marga ayos na yan, umalis kana bilis!" Pag mamadali sakin ni Mix kaya nag madali akong lumabas ng kwarto at nag tungo sa opisina nila. Pumikit muna ako at huminga ng malalim bago kumatok sa pintuan ng opisina dahil nga kinakabahan talaga ako. Kakatok na sana ako ng bigla nalang bumukas ang pinto kahit hindi ko naman iyon hinahawakan.

inilibot ko ang mata ko sa silid. lahat ng tao don ay naka tingin sakin. wala silang ibang ginagawa kundi naka upo lamang at naka tingin sakin. Mas lalo akong kinabahan noong nag salita ang isa sa kanila.
"Ms. Hera you may come in. kanina ka pa namin inaantay dito. Maupo kana."

pumasok na ako sa loob at naupo sa upuang bakante pero mukang sadya talaga iyon para sakin dahil nasa gitna ito at ang mga opisyales naman ay naka paligid sakin. "Simulan na natin ang pag lilitis." Wait what? Anong pag lilitis? akala koba ipapa tawag lang ako? Hayst! Nag lakad sa harap ko ang isang opesyales na hindi ko kilala kung sino dahil hindi naman sya nag papakilala. "Una sa lahat ako si Mr. Dominique Jhoung mula sa Panlalawigang pangangalaga sa kalikasan at andito ako para litisin ang nasasakdal." Idiniin niya ang huling salita at matalim na tumitig sakin.

"Para ipa alam sayo Ms. Hera malaking pag kakasala sa batas ng kalikasan ang pag sunog mo sa mga puno dito sa paaralan nyo!" Sigaw nya sakin. "Pero hindi naman po ako ang gumawa non! May ibang tao ang nandon at sila ang gumawa non." Dipensa ko dahil hindi naman talaga ako ang may gawa non. napaka bintangero nito e. "At akala mo naman ay paniniwalaan ka namin? Wala kang ibedensya para patunayan ang mga sinasabi mo." Napa pikit nalang ako sa inis. "At bakit? may ibedensya din ba kayong ako ang nag sunog don? Wala bang nag sabi sayo na Isang araw akong walang malay dahil sa nangyare?"

"Aba malay ba namin kong palabas mo lamang iyon para hindi ibintang sayo?" Naiinis na talaga ako sa matandang to. Sasagot na sana ako pero may nauna na sakin. "Enough Mr. Jhoung! Sinabi na ng bata na wala siyang kasalanan at ano sa palagay mo ang ginagawa mo? Sinasabi mo ba na gumagawa lang ng istorya ang Batang ito?" Naninindigang sagot ni Mr. Giorgio. Huh? bat naman niya ko pinag tatangol? Tumingin siya sakin. Ay oo nga pala baka nabasa niya yung nasa isip ko. "Hindi rin sapat ang ibidensya Mr. Jhoung para mapa tunayan na si Ms. Hera nga ang may gawa non."

"Pero siya ang nandoon ng mangyari ang sunog! Hindi paba sapat iyon!?"Matigas na sagot ni Mr. Jhoung. tahimik lang ako habang naka yuko at pinakikinggan ang dibate nila. Masyadong mainit ang dugo sakin nito ni Mr. Jhoung e. "Siguro mas maganda kong Mr. Jhoung kong bumalik nalang kayo dito pag mayroon na kayong sapat na ibedensya para idiin si Ms. Hera." Tumingin sakin si Mr. Giorgio. "Ms. Hera you may leave. Ipapatawag ka nalang ulit namin sa susunod na Hearing." Tumayo ako at dirediretsong lumabas ng silid. Pag kalabas ko ay nakita ko si Mia. Nakasandal sya sa pader at naka tingin sa malayo.

Maglalakad na sana ako palayo ng narinig ko siyang mag salita. "So hindi pala ikaw ang may gawa ng sunog?" Lumingon ako sa kanya pero naka tingin padin siya sa malayo. "Hindi naman talaga ako ang may gawa niyon. Napag bintangan lang ako." Tumingin siya sakin. "Sana nga. Sana nga hanggang dulo mapa tunayan mo yan." Ngumisi siya sakin at nag lakad palayo. Anong problema ng babaeng yon? kung anong ikina bait ni Camille siya namang ikina weird nito.

To be continue.....

Hiraeth Academy: Halls Of Ivy  (On-Going)Where stories live. Discover now