Chapter 3 : Meet The Headmistress

73 12 1
                                    

This chapter is dedicated to shiningpupuh18






Pag pasok namin sa malaking pintuan nayon ay bumungad agad ang isang malaking staircase at malaking chandelier na nag bibigay ng liwanag sa madilim na paligid.

Nag simula ng mag lakad ang lalaking kasama ko kaya sumunod nalang ako.

Umakyat kami sa malaking staircase at pag dating namin sa ikalawang palapag ay ang unang una mong makikita ay ang isang malaking larawan ng isang matandang babae na siguro ay nasa late 70's na ang edad. Napatulala ako sa ganda ng larawan. Nakaupo ang matandang babae sa isang magandang hardin. Siguro nong kabataan nya ay sobrang ganda nya.

Bigla nanaman akong hinila nang lalaking yon. Pambihira palagi nalang panira.

Bigla kaming nakarinig ng dalawang boses na nag uusap. "Sino yon?" Tanong ko sakanya. "Shhh , wag ka maingay mag tatago tayo" bigla nya kong hinila at sinandal sa pader habang ang kamay nyay naka takip sa bibig ko na para bang gagawa ako ng ingay na ika bubulabog ng lahat.

Nawala na ang dalawang boses na nag-uusap "hmp mmm!" Napatingin sya sa akin at ng makita nya ang talim ng titig ko sakanya ay tinanggal nya ang kamay nya sa bibig ko.

"Ano bang problema mo?" Tanong nya sakin. Waw ako pa talaga yung may problema ha?

"Bat ba may patakip takip kapa ng bibig ko na nalalaman dyan!" Sarkastiko kong tanong sakanya.

Binigyan nya lang ako ng nakakalokong ngisi "Ang ingay mo kasi"

Nang masigurado nya nang walang tao sa paligid ay nag simula na ulit kaming mag lakad sa madilim na korihedor at ang mga estatwa na may hawak na malalaking sulo lamang ang tanging nag bibigay ng liwanag.

Lumapit ako sa isang estatwa napatingin ako sa Mata nitong naka tingin sa malayo.

Laking gulat ko ng bigla itong tumingin sa akin at.... a-a-at nginitian ako! Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko. Pumikit ako ng ilang ulit at tinignan ko ulit ang estatwa ay bumalik na ito sa dating pwesto.

Napansin kong malayo na ang nalakad ng kasama ko tumakbo nako papalapit sa kanya at for the 2nd time nabangga nanaman ako sa likod nya.

"Habit mona ba talaga yang pag tigil tigil mo bigla?" Padabog kung bulong sakanya dahil pag nilakasan ko nanaman ang boses ko ay may makakita na sa amin.

"Nandito na tayo" seryoso nyang sabi ng ikana kunot ng noo ko. Bipolar batong lalaking to? Napansin ko din ang halos dalawang taong taas ng pinto sa harap namin. Itinulak nya ang pinto at unti unti itong nag bukas.

Nauna syang pumasok at sumunod ako. Tumambad sa amin ang isang magandang sala set. Ang mga upuan ay gawa sa isang magandang klase ng kahoy.

Sa bandang kanan ng silid ay may isa pang pintuan at nag tungo kami doon. Kumatok ang kasama ko ng apat ng beses saka binuksan ang pintuan at tumuloy.

Pag pasok namin ay may matandang babae ang nasa lamesa at halatang may ginagawa. Sya na siguro ang headmistress ng Hiraeth Academy.

Maputi ang buhok, kulubot ang malat dala ng katandaan. Napansin ata nyang may ibang tao sa silid at nag angat sya ng tingin. Nang mag tama ang aming paningin ay tila ba nakita kona sya ngunit hindi ko maalala kung kelan at saan.

Bakas sa eksprisyon ng matandang babae ang gulat at bigla itong napa tayo at bigla akong nilapitan.

"Bumalik kana sa silid mo Warren. Bukas tayo mag uusap dahil sa pag labag mo nanaman sa batas ng paaralan" Hindi na alis ang Mata ng headmistress sa akin habang nag sasalita.

Nabaling ang tingin ko sa lalaking humila sakin. Huh! Warren pala ah. At lumabag kapa sa school rule.

Ibubuka palang ni warren ang bibig nya ay "No buts warren! Bukas papadalhan ko ang ama mo para malaman nyang labas ka nanaman ng paaralan sa ipinag babawal na oras" nag mamaktol na lumabas ng silid si warren dahil sa utos ng headmistress.

Pinaupo ako ng headmistress sa harap nya. Nginitian nya ako at sinuklian kosya ng naiilang na ngiti. "Ako nga pala si Matthilda Joulen ang headmistress ng Hiraeth Academy" pormal nyang pag papakilala saakin. "Ikaw anong pangalan mo?" Tanong nya saakin.

"Margaret Hera po" kina kabahang sagot ko. Kumuha sya ng papel sya at feather pen? Nagamit papala sila non? Nag labas din sya ng tinta at inabot sakin.

"Isulat mo dyan ang pangalan mo , kung ilang taon kana , kelan ka pinanganak , saan ka nanunuluyan sa mundo ng mga tao at sinong nag palake sayo" nagulat ako sa mga pina pasulat ng headmistress saakin.

"P-p-po? Para saan po?" Para namang bio data to dinaman ako mag aapply ng trabho eh.

Patapos na akong mag sulat ng mag salita ulit ang headmistress. "Simula sa oras na ito ay dito kana mag aaral sa Hiraeth Academy" nanlaki ang Mata ko ng marinig ko ang sinabi ng headmistress.

"Po? Hindi po pwede, paano po ang nanay ko? Tsaka yung mga naiwan kopo dun sa bahay wala po akong mga damit" natataranta kong sagot sa headmistress

"Nanay mo?" Pag tatanong ng headmistress na parang may inaalala. "Papadalhan nalang namin sya ng sulat para di na sya mag alala"

"Yung---"

"Mga gamit mo?" Pag putol nya sakin. "Bukas na bukas ibibigay ko sayo ang listahan ng mga kaylangan mo at papadalhan kita ng isang taga silbi para samahan kang bumili sa Haiko Market"

Napa buntong hininga nalang ako dahil sa mga narinig ko. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Halos kani kanina lang papasok ako sa unang klase ko tapos may nabangga ako at hinila ko sa lugar nato tapos ngayon dito nako mag aaral?

Nabasa ng headmistress ang nagging reaksyon ko "Alam kong napaka bilis ng lahat para sayo pero pangako" nginitian nya ako "Magiging ayos din ang lahat" napangiti nadin ako dahil sa narinig ko. Sa Estrangherong mundong napasukan ko i felt safety in Hiraeth Academy.

Hiraeth Academy: Halls Of Ivy  (On-Going)Where stories live. Discover now