Chapter 19 : Announcement

15 6 0
                                    

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka paniwala na siya talaga ang Headmaster. Kaya pala hindi siya sinita ng librarian sa library kahit naka Civilian siya.

"Okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Eura. Tumango nalang ako sa kanya kahit ang totoo hindi talaga. Hindi lang talaga ako maka paniwala. Napaka creepy niya dahil hinahabol niya pa ako. Pero habang tinitignan ko siya sa Platform na naka ngiti at binabati kaming mga estudyante niya ay parang ibang tao siya.

Nasa dulo na kami ng program kung saan ay mag bibigay ng speech ang Headmaster. Ano naman kayang sasabihin niya. Tinawag na ng Emcee's si Headmaster Henry para tumayo sa platform upang mag salita. Naka ngiti naman siya habang nag lalakad.

"Hello Hiraetians!" Kumaway kaway pa siya. Ano bang trip niya? "Matagal din tayong hindi nag kita. Pero alam kong stress na kayo dahil malapit na ang exams. Kaya may surprise ako sa inyo." Bakit ganyan siya mag salita? parang ang hindi siya tulad ng headmistress na may class ang mga salita.

"Sa darating Friday na ang exams nyo hindi ba? Gusto kong sabihin sa inyo na cancel na yon!" Malakas na nag sigawan ang mga estudyante dahil sa tuwa. Ako din ay hindi maka paniwala dahil sobrang nag review ako tapos na cancel, mabuti yon para makapag review pako.

"At gusto ko ding sabihin sa inyo na puwede kayong umuwi sa mga pamilya nyo at sa lunes na ang balik nyo." Mas lalong umingay ang paligid dahil doon. sa wakas! sa loob ng tatlong buwan ay makaka uwi na din ako sa bahay. Makikita kona din si nanay



Pag katapos ng program ay mabilis nawala ang mga estudyante sa main hall. Pati din ako ay nag mamadaling bumalik sa kwarto. bukas daw ng umaga ay puwede na kaming umuwi pero naisip ko paano pala ako makaka uwi kung hindi ako marunong gumawa ng portal?

"Marga." May narinig akong nag salita sa may bintana kaya lumingon ako. Nakita ko si Jervin Macill na naka ngiti sakin sa labas ng bintana kaya lumapit ako sa kanya at pinag buksan siya ng bintana. "Anong ginagawa mo dito sa labas ng kwarto ko? baka mamaya may makakita sayo kung ano pang isipin."

Napakamot nalang ng batok si Jervin na para bang nahihiya sya. "Inutusan kasi ako ni Ruby na sabihin sayo na may meeting mamayang gabi sa secret room. Eh hindi kita nakita kanina kaya dito nalang ako sumilip." Nahihiya siyang ngumiti sakin. Oh ang cute naman ng dimple niya.

"Okay sige pupunta ako mamaya. Umalis kana dyan baka may makakita talaga sayo nako!" Mabilis naman siyang umalis don. Grabe ang lakas ng loob niyang umakyat don ah.





"Dahil nandito na ang lahat pwede naba tayo mag simula?" Nag tanguan naman kami sa tanong ni Ruby na nakatayo sa harap. Mag sisimula na ang meeting namin dahil kompleto na kami. Medyo natagalan kasi yung kambal dahil may inasikaso sila.

Nag simula ng mag salita si Ruby tungkol sa biglaang bakasyon namin. Limang araw ang bakasyon namin kaya sabi niya ay hindi porket wala kami sa Hiraeth ay safe na kami. Dapat daw na mas lalo kaming mag ingat dahil nasa paligid lang ang kalaban. Lalo na daw ako na sa Normal World pa pupunta. Baka daw masundan ako. Sinabi ko naman na mag iingat ako para hindi sila mag alala.

Natapos ang meeting namin sa pag papaalam dahil bukas ay uuwi na kami. Kahit bago palang ako sa ECB Society ay ramdam kona na kasama ako sa kanila. May pake alam sila sa bawat isa. Ang problema ng isa ay problema ng lahatk

Matapos ng meeting ay bumalik na ako sa kwarto para ihanda ang mga gamit ko. Wala naman akong masyadong dadalhin pauwi. Yung baonan ko lang na pinadala sakin ni Nanay kaso nadala ko dito. Namimiss kona ang luto ni Nanay. Makikita ko nadin siya bukas.



Hindi pa sumusikat si Haring araw ay gising na ako. Ewan siguro excited lang talaga akong umuwi. Pero paano pala ako makakauwi? "Ang aga mo magising marga ah?" Nasa kabilang kama si Mix habang nag aayos ng gamit nya. "Bakit ngayon mo lang inaayos yan?"

"Wala kasi akong oras kahapon. Madami kaming ginawa." Tumayo ako sa kama at lumapit sa kanya. Tutulungan ko sana siya mag ayos kaso bigla niyang inagaw sakin yung damit niya. Napa tingin ako sa kanya. Anong problema nya?

"Ah marga, wag mo na ako tulungan. Bat dika nalang maligo? Diba para ano. Kasi ako susunod sayo mamaya. hehe." Nag shrug nalang ako at tumalikod sa kanya. Kinuha ko ang tuwalya ko at dumiretso sa banyo.

Pagkatapos kung maligo ay sumunod na sakin si Mix. Maayos nadin ang gamit niya. Habang nag papatuyo ng buhok ay may narinig akong katakot mula sa pinto ng kwarto. Pagbukas ko ay nakita ko si Melinda na sa labas ng pinto. Ngumiti ako sa kanya. Antagal ko siyang hindi nakita ah. Ngumiti naman siya pabalik sakin.

"Ako ang naatasan ng headmistress mag hahatid sayo pauwi sa inyo." Tumango naman ako. Mabilis akong bumalik sa kama ko para kuhanin ang  bag ko ng madaanan ko ang pinto ng CR kung nasaan si Mix na kasalukuyang naliligo. Kumatok ako sa pinto ngunit walang sumasagot kaya nag salita nalang ako. "Mix alis na ako ah!" Still no response kaya kinuha ko nalang ang bag ko at sumama kay Melinda.

excited na akong makita si Nanay.

––––––––––––

Please support zharpoeia and her stories specially Last Section. Thank you!

––––––––––––

Enjoy reading

Hiraeth Academy: Halls Of Ivy  (On-Going)Where stories live. Discover now