Chapter 5 : Haiko Market

58 11 0
                                    


Pag ka labas ko ng pintuan ay sumalubong na agad sa akin ang taga pag silbi. "Alam mo kahapon pa kita na kakasama pero hindi ko alam ang pangalan mo" Napansin kong may ka hawig sya pero hindi ko matandaan kung sino.

"Melinda Maco" Pag papakilala nya habang naka tingin sa mata ko.

Nag simula na syang mag lakad palabas ng malaking kastilyo. Napaka ganda pala nito , hindi ko kasi nakita kagabi dahil madilim na at di masyadong makita. Sa labas ng kastilyo ay madaming halaman ang naka paligid sa pathway sa dulo non ay may nag aantay na karwahe.

Nang maka rating kami sa dulo ay sumakay na kami ng karwahe. Nag simula ng tumakbo ang mga kabayo akala ko katulad lang to ng iba pero laking gulat ko ng umangat ito sa lupa at nag simulang tumaas. "Ahhhhhh! Ano bato!?" Malakas kung sigaw. Nalulula ako dahil sa taas namin.

"Kumalma ka lamang miss Marga. Ganto talaga tong sasakyan natin kaylangan mo ng masanay." Mahinang paliwanag ni Melinda pero hindi parin ako kumakalma. May fear of heights kaya ako! Naalala ko dati ng sumakay kami ni nanay sa Ferris wheel sa isang karnabal noon sa bayan ay hindi pa tapos ay nag pa baba na si nanay dahil nawalan ako ng malay.

"A-a-a-ayokooooooh!!"

*******

"Miss marga? Andito na tayo" naramdaman kung may umuga sakin. Unti unti kong dinilat ang mata ko- "whoah! Asan tayo Melinda!?" Sigaw ko ng makakita ng maraming tao ang nag lalakad. Paikot ikot at may mga dalang kung ano ano.

"Andito na tayo sa Haiko Market Miss Marga. Nawalan ka ng malay habang na sa daan tayo patungo dito." Sabi ko na kasing may fear of heights ako eh.

"Ganon din ba ulit yung sasakyan natin pabalik?" Tanong ko nung maka baba ako sa karwahe. "Oo kaya dapat masanay kana."

Nag simula na kaming mag lakad papunta kami ngayon sa isang eskinita at madami parin kaming nakaka sa lubong at na kaka sabay. Nilibot ko ang aking paningin habang nag lalakad kami. Madaming tindahan ang nadadaanan namin. May nag titinda ng mga damit , uniporme, roba, libro at kung ano ano pa. Meron nga salamin pero nung tinignon ko ay hindi ko naman makita ang repliksyon ko. Sabi ni Melinda kaylangan ko raw yon sa ikatlong bahagi ng pag aaral ko sa.

"Saan!? Planetary Biology?" Ano yun? Pag aaralan ko ba ulit ang tungkol sa mga planeta? Pang grade 1 yun eh.

"Oo didiskobre kayo ng mga bagong planeta o bituin. Tapos pag may nadiskobre ka ipapa ngalan yon sayo. O dikaya pag aaralan nyo yung mga nadiskobre na nung iba"

"Oh!? May naka diskobre na gamit yang salamin nayan? Hindi ba dapat telescope yung gamit?" Sunod sunod na tanong ko. Di kasi talaga ako maka paniwala na kaya nilang maka diskobre ng planeta gamit ang salamin nayon.

"Mapag- aaralan mo din yan pag nag simula kana bukas"

"Okay pero diba kaylangan ko yong salamin pero bat di pa natin binibili?" Pag tatanong ko sa kanya. Pumasok kami ngayon sa isang pintuan. Sa labas ay aakalain mong isang abandunadong lugar ang nasa likod ng lumang kahoy na pintuan pero pag pasok namin sa loob ay napaka luwag at parang opisina. May mga naka hilerang working table sa gilid.

"Dahil wala kang pera" sagot nya habang nag lalakad papunta sa unahan at may pinindot na buton.

"Pag dating natin sa taas umupo kalang don ha. Ako ng kukuha ng pera mo" biglang may bumukas na pintuan at pumasok si melinda don. Sumunod nalang ako. Pag ka pasok ko palang duon ay umandar na agad ito ng mabilis. Napakapit ako sa bakal sa gilid dahil sa gulat.

"Pera? May pera ako dito?" Nag tatakang tanong ko. Mabilis na bumukas ang pintuan. "Wag kana nag tanong umupo ka nalang dyan." Turo nya sa mga upuan na naka hilera sa hallway at pumasok sya sa isa sa mga pintuan.

Makalipas ng ilang minuto ay lumabas na sya na may dalang malaking bag. Ano kayang laman non? "Tara na"

"Melinda ano yang dalawa mo?" Tanong ko pag kalabas namin sa pintuan ng gusaling iyon. Hindi sya nag salita pero dahan dahan nyang binuksan at nanlaki ang mata ko ng makitang punong puno ito ng pera.

"Akin yan lahat!?" Tanong ko. Hindi ako maka paniwala.

Pag katapos namin sa bangkong iyon ay namili na kami ng mga kaylangan ko gaya ng mga Notebook, libro,Cauldron para sa pag gawa ng potions at uniform. Paldang lagpas tuhod , puting lone sleeve at sapatos. Bumili rin kami ng damit ko.

"Melinda hindi ba tayo bibili ng korbata at roba? Kasi may mga ganon yung mga estudyanteng nakita ko kanina" May nakita kasi akong tindahan ng mga korbata.

"Hindi dahil ang eskuwelahan ang mag bibigay sayo non base sa grupo mo"

"Ahh so pipili ako ng grupong sasalihan ko ganon?"

"Hindi. Kukuha ka ng pag susulit at base sa mga sagot mo duon malalaman kung anong grupo ka makaka bilang." Ahh so may entrance exam pang paganap. Kaylangan ko ng basahin ang mga librong binili namin.

Pang huli naming bibilhin ay yung salamin kanina. Nasa loob na kami ng tindahan at kasalukuyang nag babayad ng may narinig kaming malakas na sigaw.

"Ahhhhhhhh!!" Sigaw ng isang babae sa labas. Madami nadin ang nag tatakbuhan sa labas. Nag kakagulo.

"Melinda ano yon!" Tanong ko at mabilis na nag tago sa likod nya.
"Dito kalang sa loob, titignan ko lang kung ano iyon." Sabi nya at lumabas.

Habang inaantay ko si Melinda ay napa titig ako sa labas dahil parang may naka titig sa akin. Naka tago sya sa madilim na bahagi ng gusali kaya hindi ko sya masyadong makita pero alam kung napaka talim ng titig nya sakin.

Biglang tumunog ang pintuan at pumasok don si Melinda na hingal na hingal. "Kaylangan na nating umalis Miss Marga. May hindi magandang ngyari" nataranta na din ako dahil sa sinabi nya.

"Ha! Bakit ano nangyari?!" Tanong ko pero hindi nya na ako sinagot kinuha nya na agad ang mga pinamili namin at lumabas na.

Kung kanina pag pasok namin sa tindahan ay maliwanag sa labas ngayon ay parang gabi na dahil sa dilim ng langit. Kumidlat ng malakas at pag ka kita ko sa bandang likod ko ay nakita ko yung taong masama ang tingin sakin kanina. Naka hood sya at hindi kita ang boung muka pero pag tinitigan mo sya at makikita mo ang galit nyang mga mata. Nag lalakad sya papalapit sakin.

"Melinda!" Sigaw ko at tinuro yung lalaking nag lalakad papalapit samin. Pabilis ng pabilis ang lakad nya.

Biglang tinaas ni melinda ang kamay nya at lumiwanag ang kanyang mga mata ng kulay dilaw.

Biglang may bumukas na portal sa may pader. Bago pa maka lapit yung lalaki ay tinulak na ako dun ni Melinda.

To be continue.....

*Author's note

Zuppppp mga ka Hertless!! Akalain nyo yun chapter 4 palang naka 100 reads na tayo? Sana hanggang dulo ay mag kakasama tayoooo! Sorry nga pala sa late UD kasi nag aaral din po ako minsan lang ako mag karon ng free time pero babawi ako sa next chapter. Labloootsss!! Happy Reading

Hiraeth Academy: Halls Of Ivy  (On-Going)Where stories live. Discover now