Chapter 11: Packages

29 11 0
                                    

Kinabukasan maaga akong nagising. Ewan ko kung bakit maaga lang ako nagising. Dahil nga sabado kaya walang kampanang tutunog. Ayos nadin yon dahil nakaka rindi na din minsan, samahan pa na maiingay na estudyante sa mga pasilyo ng kastilyo.

Dito ko ulit naisipang tumambay sa may lawa, tahimik kasi masyado dito at malayang makapag isip ng tahimik. Si Nanay kaya kumusta na? Hindi ba ako pwedeng mag padala ng sulat para sa kanya? O kaya bakit di nya ko pinapadalhan ng sulat? Hindi naman siguro bawal yun ah. Napa tingin ako sa langit at bumuntong hininga. Kelan kaya ako makakauwi samin? Namimiss ko na yung paalala sakin lagi ni mama kapag naiiwan ko yung baon ko.

Napatayo ako bigla ng marinig ang tunog ng kampana. Imposibleng tumunog yon dahil sabado ngayon? Ano kayang nangyayari sa kastilyo? Kumpara sa tipikal na pag tunog ng kampana ay mas mabilis ito ngayon.

Mabilis akong tumakbo papasok ng kastilyo napansin ko din na parang nag kakagulo sa mga pasilyo na nadadaanan ko. Sumunod nalang ako sa daloy nila at dinala ako nito sa isang Hall. Medyo malaki ito pero mas malaki padin ang dining hall. Para itong storage room pero may Desk sa gilid at namimigay sila ng package?

"Tignan nga natin kung anong padala nila mommy ngayon." Rinig kung bulong mula sa may labas ng hall tinignan ko sya. Mukha syang masayang masaya dahil sa bagay na hawak nya na nababalutan ng parang paper bag. Lahat yata ng package sa ganon naka balot. Nakita kong mga libro ang laman ng package nya at nag tatatalon yung babae. napangiti ako dahil ang cute nya habang tumatalon pa sa tuwa. Sana pinadalhan din ako ni Nanay.

"Marga Nakuha mona yung padala sayo?" Napalingon ako sa nag salita at nakita ko si Mix na may bitbit na maliit na kahon. umiling ako sakanya. "Oh eh bat nakatayo kalang dyan, wala kabang balak kunin na padala galing sa Nanay mo?" Tinuro nya yung pinaka dulong desk kung saan walang masyadong nakapila. "Punta ka don, ipakita mo lang yung badge mo at sabihin mo ang pangalan mo." Ngumiti sya sakin at tinapik ako sa balikat ko. "Una nako." Nag lakad na siya at na wala na siya sa paningin ko dahil sa dami ng esyudyante.

Tinignan ko naman ang desk na tinuro ni Mix at nag lakad ako papunta don. "Badge" Sabi sakin ng babaeng nag naka assigned doon. Kinuha ko ang badge mula sa bulsa ko at pinakita sa kanya. "Pangalan" Tanong nya ulit. "Margaret Hera po." Nakangiting sagot ko kasi mukang bad trip si ate. Tinignan nya lang ako at tinalikuran. grabe naman yung pag ka badtrip nya, bakit pati ako dinadamay?

Pumasok si Ate sa isang pintuan. Medyo natagalan si Ate kaya naka tayo lang ako dito. May narinig nanaman akong usapan sa kabilang pila. "Hay nako, Buti nalang binuksan na nila uli tong packages hall. Antagal na nung pinadala sakin ni Daddy na damit pero ngayon ko palang makukuha nakaka inis." Naka simangot na sabi nong isa sa dalawang babae dun sa kabilang pila. "Buti nga binuksan pa nila eh, paano kung maulit ulit yung pag papasok ng kung ano ano dito sa academy?" Sagot naman nung isa. So kaya pala ngayon ko lang nalaman na may ganto pala dahil ipinasara ito dati dahil may nag pasok ng kung ano ano dito? Bakit diba nila chine-check kung anong laman ng package? Pano pala kung may lamang bomba yong package?!

"Noon yon. Dahil hindi pa masyadong mahigpit ang headmistress sa mga packages. Pero ngayon binubuksan nayan isa isa at tinitignan kung ano ang laman. kaya wag kang mag alala dahil walanh sasabog dito." Nagulat ako sa narinig ko kaya agad kung tinignan ang nag salita sa likod ko. "Mr. Giorgio" Napa yuko ako dahil sa kahihiyan. kahit sya lang naka basa ng iniisip ko nakaka hiya padin.

"Miss eto na yung packages mo, papirma nalang dito." Agad kung kinuha ang panulat at pumirma agad. sabay kuha nong packages ko at mabilis na tumakbo. Nahihiya talaga ako sa mga pinag iisip ko! tapos medyo mabigat pa itong packages ko, bat kasi parang andami nito? Isang malaking kahon at may dalawa pang nakapatong na mabibigat. Pero ayos din yun si ate sinave nya ako kay Mr. Giorgio.

Hingal na hingal akong umupo sa kama. Anlayo pala ng kwarto namin dun sa package hall, Grabe buti nalang walang masyadong tao sa pasilyo dahil nga nag kakagulo sila dun sa package hall. Asan kaya si Mix? akala ko dito sa didiretso. Napatingin ako dun sa mga Packages. Agad kung kinuha yung maliit sa taas. Binuksan ko iyon at nag taka ako. bakit ako papadalhan ni Nanay ng isang kwintas na may pendant na araw. Maliit lang sya kasing laki ng 25¢.

Sunod ko namang kinuha yung pangalawang package. Pag tanggal ko ng wrapper isang notebook size na album ang laman. Medyo mabigat siya at makakapal ang bawat pahina. Tinatamad akong buklatin yon kaya inilagay ko muna sa lamesa ko. Mamayang gabi kona ito titignan kung anong meron doon, Mas intirisado ako sa laman ng pinaka malaki kong package. Agad kung tinanggal ang wrapper na isang suit case ang laman. Halata sa suit case na ito ang katandaan. Dahan dahan kung binuksan ang dalawang lock nito sa mag kabilang gilid.

binuksan ko ang case. Nag taka ako dahil isang sulat lang ang laman niyon. Sino naman kaya ang nag padala non at bakit kaylangan pang ilagay sa suit case? Kinuha ko ang sulat at binuklat. walang ibang naka sulat duon kundi.

             Forest.Saturday.7:30pm

Wala man lang naka sulat kung sino ang nag padala noon. Tinignan ko ang orasan sa kwarto ko, 2 na nga tanghali, may limang oras pa ako. Bigla naman akong nagulat ng Marinig ko ang tunog ng sikmura ko, hindi pa pala ako kumakain. Tumayo ako at nag lumabas ng kwarto at pumuntang Dining Hall para kumain.

Matapos kung kumain ay lumabas nako ng Dining Hall. Habang nag lalakad sa hallway ay naka sa lubong ko si Cyruz at Raffy, as usual muka nanaman silang ewan na nag sisigawan.

"Akin yon pre! kita mong sa akin unang tumingin eh" Sigaw ni Raffy kay Cyruz. "Hindi sa akin sya tumingin no!" Natawa naman ako ng mahina dahil sa kanila.

"Raffy, Cyruz? bakit nanaman kayo nag sisigawan dito?" Sabay silang tumingin sakin at sabay ding ngumiti. "Marga alam mo naba?" Excited na tanong sakin ni Raffy. "Pre malamang hindi pa kita mong kakadating lang nya kanina eh." Naguguluhan ko silang tinignan. "Bakit, ano ba iyon?"

"May bago tayong Family member, Pinsan yata siya ni Camille." Pinsan ni Camille? bakit naman kaya siya mag aaral dito? Dito namatay ang pinsan nya, hindi ba mapanganib kung dito pa siya nag aaral? "Ang ganda nya nga eh" Singit ni Cyruz. "Pero mukang masungit brad, mahihirapan tayo." Sabat naman ni Raffy. "Sige dito na kami Marga." Nag lakad na sila palayo.

Habang tahimik na nag lalakad papuntang library para mag advance reading ay may narinig akong nag uusap kaya tumigil muna ako dahil naka harang sila sa daan papunta sa pintuan ng library. Narinig ko ang pinag uusapan nila ngunit hindi ko alam kung sino sila dahil naka talikod sila sa akin. Mukang tungkol sa isang seryosong bagay iyon.

"Anong balak mong gawin sa kanya mamaya?" Tanong nang isa sa kanilang dalawa, hindi pamilyar ang boses nya pero medyo matinis ito. "Sisiguraduhin kong pag babayaran nya ang ginawa nya." Sagot naman ng isa pang boses. Parang hindi yata maganda yong binabalak nung isa kaya sinilip ko sila. Dalawang babae, yung isa maikli ang buhok at may maputing balat. halatang may kaya siya sa buhay. yung isa naman ay may mahaba at maganda buhok.

habang tinitignan ko silang dalawa ay biglang bumaling sa pinag tataguan yung babaeng may maikling  buhok. Agad naman akong sumandal sa pader at huminga ng malalim, sigurado akong nakita niya ako. Pero hindi ko siya kilala, pero may naka sabit na badge ng Df  sa may collar ng damit nya. Pero hindi ko pa talaga sya nakikita.

"Mukang may nanonood satin ah." Rinig kung sabi ng isa sa kanila, siguradong yung maikli yong buhok ang nag sabi non dahil sya lang naman ang naka kita sakin. Naka rinig akong ng yabag ng paa na papa lapit sakin. Patay na.....

To be continue.....

Hiraeth Academy: Halls Of Ivy  (On-Going)Where stories live. Discover now