Chapter 8 : First Blood

46 11 1
                                    

Anong totoo kung pag katao? may hindi ba ako alam sa pag katao ko? Ano yung sinabi sakin ni Sir Giorgio? At may kapangyarihan ako? as in powers?

"Marga? nakikinig kaba sa mga sinasabi ko?" nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Mix. Nandito din kami ngayon sa library dahil sabi nya maganda raw na mag advance reading ako dahil next subject kona ay history. Apat na araw ang nakalipas mula ng sinabi sakin ni Sir Giorgio yon pero hanggang ngayon iniisip ko padin. kung sya nakakabasa ng isip tapos ako meron raw kapangyarihan so yung mga tao dito sa school nato ay may kapangyarihan din?

Agad naman akong napa tingin kay Mix na kanina ay nag babasa pero ngayon ay nakatingin na sakin. Matagal nadin kaming mag kasama pero wala naman akong napapansing kaka iba sakanya. "Marga ayos kalang ba talaga? kanina naka tulala ka tapos ngayon nakaka takot na yang tingin mo. Natatakot na ako sayo ah."
Napa buntong hininga nalang ako. Wala naman akong intensyong takutin sya dapat nga yata ako ang matakot sa mga tao dito dahil hindi ko alam kung ano ang kaya nilang gawin sakin. "Mix? May kapangyarihan kaba?" pabulong kong tanong kay Mix dahil baka marinig kami ng ibang estudyanteng nag babasa din dito. baka isipin nila na nababaliw na ako.

Tinignan naman ako ni Mix na para bang natatakasan na ako ng katinuan sa tanong ko. "Hindi ako makaka pasok sa eskwelahan na to kung wala akong kapangyarihan Marga. Lahat ng taong nakikita mo dito ay may kapangyarihan pero dipende yun kung anong family ka kabilang dahil ako Berdivour ako it means sa mga halaman o dahon ang kapangyarihan ko."

Napa kunot naman ako ng noo sa mga sinabi nya sa tono kasi ng pananalita nya ay parang hindi nya pa alam kung anong pwede nyang maging kapangyarihan. "so hindi mo alam kung anong kapangyarihan mo?"

Isinara nya ang librong binabasa ay tumingin ulit sakin. "Oo. Kaya nga ako pumasok dito eh. Para maturuan ako kung paano gamitin yung inner power ko. ganto kasi yan marga. le-lecturan mona kita. tatlo ang pinapalakas dito. Mental power, physical power at inner power."

Napa isip naman ako sa nga sinabi ni Mix. Hindi pala madali ang pag aaral dito. dahil andaming adjustments at mga bagay na dapat kasanayan. Namimiss kona din si Inay? kumusta nakaya sya? kumakain naman kaya sya sa oras? sinong kasama nya sa bahay? andami kong tanong sa isip noon ng marinig ko ang isang malakas na sigaw sa labas ng library. Nag katinginan kami ni Mix. Bigla syang tumayo at sinundan ko sya palabas.

Pag dating sa hallway ay madami ng tao ang nag kukumpulan. Nagulat naman ako sa nakita ko. May isang babae ang naka handusay sa sahig at sa harap non ay may naka sulat sa pader gamit ay Dugo.

"Now that shes back. Expect the Carnage"

kinilabutan ako ng tinitigan kong maigi ang naka higa. si Camille! wala na si Camille. Mas lalo ako nanlumo ng makita ang isang kagat. Parang isang halimaw ang kumagat kay Camille. At kung titignan ay parang hinila si Camille dahil bakas pa ang dugo ng paghila sa kanya.

Naramdaman kung yumakap sakin si Mix. siguro ay close sila kaya sya ganyan. Bigla naman dumating ang Headmistresses kasama ang iba pang teachers and staff. Agad nila kaming pina alis.

Halos naka tulala lang ako habang dipa nag sisimula ang History subject. Wala namang nakaka pansin sakin dahil abala ang lahat sa mga ginagawa nila. Nadinig ko tunog ng upuan sa tabi ko. May umupo sa tabi ko.

"Marga ayos kalang?" Tanong ng tumabi sakin. Wala ako sa mood para mag salita. Masyado akong nasasaktan dahil sa pag kawala ni Camille.

"Oyyyy Medson!! Buhay ka papala no?" Rinig kong sigaw ng isa kong kaklase sa katabi ko. "Wag ka ngang maingay Yllas, Tanghaling tapat ang ingay ng bunganga mo." Sita ni Warren kay Enzo.

"Sus Medson Miss mo lang ako eh. bat pala ngayon kalang pumasok?" tanong nanaman ni Enzo. Haynako pwede naman sila mag kwentuhan dun sa tabi bat kaylangan dito pa sa harap ko?

Tumayo ako at lalabas sana ng classroon ng hawakan ni Warren ang braso ko. "San ka pupunta Marga? ilang minuto ay mag sisimula na ang klase ah?" Tinignan ko sya na may blangkong ekspresyon sa muka. gusto kong sabihin sa kanya na gusto kong mapag isa at lumayo sa maingay na lugar nato kaso nawalan yata ako ng boses. Ang nasabi kolang ay "Camille" May tumulong luha sa mga mata ko pero agad ko naman yon pinunasan.

Ilang saglit ay tinitigan ako ni Warren. Mabilis syang tumayo at lumabas ng classroom hawak padin ang braso ko. Sa ilang beses nyang ginawa sakin to ngayon lang ako di umangal o nag reklamo. hinayaan ko nalang syang dalhin ako sa lugar na iyon.

To be continue....

Hiraeth Academy: Halls Of Ivy  (On-Going)Where stories live. Discover now