Chapter 21 : Double Kill

20 1 0
                                    





Tinanggal ko ang takip ng kahon na pinapakuha sakin ni Nanay kanina. Hanggang ngayon ay palaisipan padin ang nangyari sa kaniya. Bakit tumanda na siya ng ganon eh ilang buwan palang naman kaming nag kakahiwalay. Halos wala pang kalahating taon iyon.

Pati nadin ang pag kukwento niya tungkol sa pamilya ko. So totoo nga  na hindi siya yung totoo kung Nanay. Pero bakit ngayon niya lang sinabi?

Mga sulat, larawan at mga kung ano ano lang ang nakalagay doon. Kinuha ko ang unang papel na napag tuunan ng mata ko. Isang sulat para sa akin. Ang date na nakasulat dito ay ang date na dinala ako ni Warren sa Hiraeth. Ang araw kung kaylan iniwan ko si Nanay.

'Alam kong dadating din ang araw na malalaman mo ang lahat. Na hindi talaga ako ang tunay mong ina. Na hindi talaga tayo simpleng tao na naninirahan dito. Alam ko na malalaman mo din ang tunay mong pag katao. Ngunit gusto ko lang humingi ng tawad dahil pinalaki kita na malayo sa katotohanan. Gusto lang naman kitang ilayo sa mga bagay na mag papaalala sayo ng nangyari noon. Nung una tayong dumating dito ay hindi ka nag sasalita ng halos isang taon. Ayoko lang maalala mo iyon dahil baka masira lang ng alaalang iyon ang pagiging musmos mo noon. At nangako din ako sa iyong tunay na magulang na papalakihin kita ng maayos."

Habang binabasa ko ang sulat ay nanunubig ang mata ko sa di malamang kadahilanan. Bakit ngayon lang? Bakit ngayon ko lang ito nalaman. Kinuha ko ang iba pang laman ng kahon. Isang larawan ng isang malaking bahay ang na sa larawan. Mahahalata mo ang karangyaan dahil sa laki nito. Kaninong bahay kaya ito?

Isa pang sulat ang kinuha ko upang basahin. Sa pinaka taas nito ay may malalaking letrang naka sulat na 'Time is not ours'. Babasahin ko na sana ang naka sulat dito ng makarinig ako ng malakas na sigaw mula sa labas ng kwarto kaya mabilis akong napa tayo at lumabas ng kwarto.

Sirang pintuan ng bahay ang una kong napansin. Halos wasak ang pinaka gitna nito, halatang sinira talaga.  Tinignan ko naman si Nanay na mahimbing pa ding natutulog. Dahan dahan akong lumabas at sumilip sa labas ngunit walang bakas ng kahit ano ang nakita ko kaya lumabas na ako ng tuluyan.

Tirik na araw lamang ang naramdaman ko sa aking balat habang nag mamasid sa paligid. Kapansin pansin ang katahimikan sa lugar namin. Parang walang katao tao.

Agad akong napalingon sa loob ng bahay ng madinig ko ang tunog ng nabasag na baso. May natanaw akong tao sa kusina kaya madali akong pumasok. "Ang liit lang pala ng bahay nyo." Mabilis na lumapag ang atensyon ko sa nadinig kong boses. 

"Anong ginagawa mo dito?" May halong kaba at pag kabigla na pag tatanong ko. Sino ba namang hindi kakabahan dahil noong huling kita namin nito ay sinunog nila ang gubat at saakin pinasa.

"Oh? bakit naman ganyan ang pag trato mo sa mga bisita mo?" Dahil sa pulang talukbong ay hanggang labi lamang ang nakikita ko sakanya. Isang ngisi ang pinakawalan nya. "Mga?" tanong ko.

"Did you miss me, Margaret?" Napalingon ako sa pintuan ng kusina ng makita ko ang isa pa nyang kasama. Yung babaeng naka puti naman. Palagi talaga silang mag kasama?

"hmm, Base sa eksprisyon ng muka mo. Mukang hindi mo kami na miss? pero kami?" Dahan dahan nyang itinaas ang kamay nya. napalingon din ako sa naka pula at itinaas nya din ang kamay nya. Parang alam ko na ang gagawin nila!

"Namiss ka namin." Sabay nilang sambit kasabay din ang pag labas ng hangin at apoy sa kanilang mga kamay. Malalakas na tawa ang aking narinig pag katapos non. Mabilis akong napapikit dahil sa nakaka silaw na apoy. Ngunit agad ko din idinilat ang mata ko ng maalala kong kasama ko nga pala si Nanay na mahimbing ang tulog sa upuan.

Halos takbuhin ko ang distansya namin upang mailabas siya sa bahay ng isang nag aapoy na bola ang nakita kong papunta sa direksiyon nya. Huli na ng makarating ako dahil nag liliyab na mismo ang upuang hinihigaan niya.

Dahan dahan akong naupo at nawawalan ng lakas dahil sa nakita ko. Ang Nanay ko ay wala na. Ang nag palaki sa kin ay patay na. Hindi kona nararamdaman ang init ng paligid dahil sa sakit na nararamdaman ko. "Double kill Margaret! 2-0 na ang standing? Pano ba yan nag sisimula palang ang laban ay matatalo kana agad!" Dahil sa narinig ko ay agad akong napabangon. Hindi kona alam ang nararamdaman ko sa katawan. Para bang may sariling isip ang katawan ko ng dahan dahan kong itaas ang dalawa kong kamay. Dahil sa galit at sakit na nararamdaman ko ay isang malakas na puwersa ang nilabas ko sa kamay ko.

Hindi ko na alam ang sumunod na ngyari dahil puro puting liwanag nalang ang nakita ko. Pero alam ko, Alam ko na sa susunod na makita ko ang dalawang to ay hindi na ako mag dadalawang isip na lumaban sa kanila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hiraeth Academy: Halls Of Ivy  (On-Going)Where stories live. Discover now