Chapter 15: Acquaintance Party

16 11 0
                                    

Tahimik ang paligid. Walang nag sasalita. Walang nag tatangkang basagin ang katahimikan. Simula nong 'kidnapin' kuno nila ako at dinala dito sa lumang classroom ay walang nag sasalita sa kanila. Naka tingin lang sila sa isat isa tapos titignan ako tapos iiwas ulit ng tingin. ilang minuto na silang ganyan kaya naisipan ko ng mag salita. "So?... Anong trip nyong dalawa? at kelan nyo ako balak palabasin ng kwartong to?" Tanong ko sa kanila pero naka yuko lang sila. "Pasensya ka na Marga pero hindi ka talaga pwedeng pumunta sa Party mamaya." Mahinang sambit ni Raffy. Napataas naman ang kilay ko. "But why?"

"Basta dito ka lang hanggang matapos ang party hindi ka pwedeng umalis." Si Cyruz naman ang nag salita. Naguguluhan ako dito sa dalawang ito. "Pero bakit nga?" Naiinis kong tanong. "Hindi mo maiintindihan." Sabay nilang sagot tapos nag tinginan sila at mahinang natawa. Mga sira ulo talaga. "Okay fine hindi ako pupunta sa party at hindi ako aalis sa kwartong to, pero pwede bang tanggalin nyo tong naka gapos sakin?" Ang higpit ng lubid na nakapulupot sa katawan ko. Grabe talaga tong dalawa pero bakit ba ayaw nila akong papuntahin sa party? Ayan din ang babala sakin ni Eura.

Nag lakad si Raffy papalapit sa akin at tinanggal ang lubid. Kaya naman naka hinga ako ng maluwag. Pinagmasdan ko silang dalawa. Para bang tense na tense sila sa mga nangyayari. "May problema ba?" Usisa kong tanong. Ngumiti naman si Cyruz. "Sorry talaga Marga ha? balang araw maiintindihan mo din lahat ng ito." ahh, okay?

Tumango tango nalang ako pero gusto ko talagang pumunta sa acquaintance party kaya nag isip ako ng paraan para makalabas ng kwartong to at maka takas sa dalawang to. Tinignan ko ang pintuan hindi ito kalayuan sa kinauupuan ko. Kung tatakbo ako ay may tsansang maabutan nila ako. Kaylangan nilang malibang. Pinagmasdan ko silang dalawa, mahina silang nag uusap na para bang hindi ko iyon pwedeng madinig.

Muka naman talagang nautusan lang sila pero ang nag iisang tanong sa isip ko ay 'Bakit?'  Bakit nila ginagawa sakin ito? Huminga muna ako ng malalim bago isagawa ang nakalkula kong plano. Ito lang ang maari kong gawin.

Tahimik akong tumayo at dahan dahan nag lakad patungo sa direksyon nila. Marahil ay hindi nila ako napansin dahil naka talikod sila direksyon. Patawarin nyo ako sa gagawin ko sainyo Raffy at Cyruz...

Walang sali salita ay buong lakas kong hinampas ang batok ni Raffy nang piraso ng kahoy na nakita ko sa likod ng upuan ko kanina. Agad natumba si Raffy "Anong----" Hindi na natapos ni Cyruz ang sasabihin ng siya naman ang hinampas ko. Sa buong buhay ko di ko pa talaga nagagawa ito.. huhuhu Forgive me!!

Marahan ko silang hinila dalawa at pinag tabi. Dinampot ko ang lubid na ginamit nila sakin kanina at iyon ang tinali sa kanila. Lumuhod ako upang mapantay ang muka namin. Mahina akong bumulong. "Im really sorry Raffy and Cyruz."

------------

Mabilis ang mga galaw ko habang inaayos ko ang Gown na suot ko. Isang simpleng skin town vintage floral gown lang ito pero mapapansing bumagay naman saakin. 6:10 na at 6:30 ang simula ng party pero hindi pa ako maayos. Iniisip ko padin kasi sila Raffy after ko silang iwan don ay may mga nadinig akong papalapit kaya nag tago muna ako sa isang estatwa sa pasilyo. nakita ko silang pumasok don kaya agad akong tumakbo papunta dito sa kwarto ko.

Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Mix. Ayos na ayos na siya at handa ng pumarty. Naka suot siya ng isang strapless black floral gown at naka messy bun ang buhok niya.

"Oh?! Anong oras bakit hindi kapa ready?" Nag salita siya na para bang walang nangyari kanina. Naka tingin lang ako sa kanyan habang lumapit siya sakin. "Ayusan nalang kita para mabilis ha?" Pag aalok niya kaya tumango nalang ako. Mabilis siyang natapos at minake up-an niya na din ako. Wala akong nagawa kundi tumingin nalang sa salamin. Pinag mamasdan ko lang siya sa ginagawa niya at nakikinig sa mga sinasabi niya na ang ganda daw ng open field ngayon at kung ano ano pa. Ilang sandali ay natapos na siya kaya tumayo na ako. Tinignan ko ang orasan 6:20 na Sampung minuto nalang at mag sisimula na. "Oh tara na Marga baka malate pa tayo." Masiglang anyaya niya sakin. Sumunod nalang ako sa kanya

Hiraeth Academy: Halls Of Ivy  (On-Going)Where stories live. Discover now