Chapter 18 : Headmaster Is Back

14 7 0
                                    

Eurie (Right) & Eura ( Left) on multi media

Na tapos ang araw na yon na puno ng katanungan. Ano bang pina ngangalagaan ng ECB Society? Bakit parang napaka lalim ng pinag huhugutan nila? 

Kinabukasan matapos ang panghuli kong klase ay inanunsiyo ng Class Adviser namin na malapit na ang Ikalawang markahang pag susulit. Kaylangan na d'aw naming mag review ng mga lessons namin kaya ito ako ngayon nasa library. Nag rereview ng notes, May apat din na librong nag patong patong na sa harap ko.

Akala ko madali lang mag aral dito pero parehas lang pala sa normal na paaralan. Ay mali mas mahirap pala dahil hindi ako pamilyar sa mga pinag aaralan namin dito.

Habang nag babasa ay naramdaman kong may umupo sa tapat kong upuan. Kaya nag angat ako ng tingin. Isang matangkad na lalaki ang nakaharap sakin ngayon. Masama ang tingin niya na para bang may gagawin siya sa aking masama.

Mabilis akong kumilos para ligpitin ang mga gamit ko. Sa kwarto nalang ako mag rereview. "Not that fast Ms. Hera or should i say Margahret?"  Napaka lalim ng boses niya at mas nakaka kilabot. Binigyan ko siya ng naguguluhang tingin. "Sino kaba at anong kaylangan mo!" Malakas kong sigaw pero nakalimutan kong nasa library pala ako kaya nag tinginan sa akin ang ibang nandon. Ang librarian naman ay tinignan ako ng masama. Ibig sabahin non ay 'first warning' pag naka tatlong warning ka lalabas ka na. At pag umabot yan ng lima ay banned kana. Pano ko nalaman? Sa tatlong buwan ko dito sa Hiraeth ay inuubos ko lang ang oras ko dito sa library para mag basa at mag advance reading.

Bumalatay ang ngisi sa muka ng lalaking to. Muka naman siyang nasa 40's na pero hindi ko talaga alam kong ano bang kaylangan niya sakin. Nang nag simula na akong mag lakad palabas ng library ay nadinig ko ang langitngit ng upuan. Binilisan ko ang lakad hanggang makalabas ako ng library.

Pag lingon ko ay nakita ko siyang nag lalakad papunta sa direksyon ko. Nag papanic akong tumakbo kahit hindi ko alam ang paparuonan ko. Nadinig ko ang mabilis na yabag ng mga paa. Sinusundan niya talaga ako. Mas binilisan ko pa ang takbo. Kumaliwa ako papunta sa may Dining Hall dahil madaming tao ngayon doon dahil kakatapos lang ng tanghalian.

Liliko na sana ako sa isa pang corridor ng sumulpot sa harap ko si Cyruz at Raffy kaya mabunggo ko sila dahilan para masubsob ako sa sahig at kumalat ang mga dala ko. Mabilis kong pinulot ang mga gamit ko pero tinulungan naman nila ako. "Wala na siya Marga, Wag kana mag panic." Nag angat ako ng tingin dahil sa sinabi ni Raffy. Seryoso siya habang tinutulungan ako. "Paano mo nalamang may humahabol sa akin?" Naguguluhan kong tanong. Nandon ba sila sa library?

"Dahil myembro kami ng ECB Society. Tungkulin naming protektahan ang bawat isa." Seryosong sagot sakin ni Cyruz. Ahh kaya pala. "Eh Anong ginawa niyo sakin noong bago mag simula ang Acquaintance Party?" Seryoso kong tanong. Diko makalimutan ko talaga makalimutan yon! Akala ko papatayin na nila ako.

"Hindi magandang pag kwentuhan yan dito sa Corridor." Nagulat ako sa nag salita sa likod ko. Pag tingin ko ay si Eurie pala. Ngayong nakita ko na silang mag kasama ni Eura ay mabilis ko ng malaman kung sino ba si Eurie o Eura. Medyo curly kasi yung buhok ni Eurie, straight naman kay Eura pero parehas silang naka bangs. Cute

Tahimik lang si Eura sa gilid ng kambal niya. Bakit kaya mag kaibang mag kaiba yung ugali nila? "Hayan nanaman si Ms. Sungit." Pang aasar ni Raffy kay Eurie. Hindi siya pinansin ni Eurie at nilagpasan lang siya. Tumigil naman sa harap ko si Eura. "Mamayang 6:00 sa Office ni Ms. Heidi. May program daw na inasign sa Family natin." Sabi niya. Tumango naman ako kaya mabilis siyang umalis at sumunod sa kambal niya.

Nag paalam na sila Raffy at Cyruz na aalis na din. Sinabi nila na palagi akong mag ingat. Mag ingat saan? Trouble maker na ba ako?

Pag pasok ko sa kwarto ay tumambad nanaman ang magulong kama ni Mix na puno ng libro, Notebooks, mga pilas ng papel. Ewan ko ba dito kay Mix matalino nga napaka gulo naman ng gamit. Yung ibang nag kalat sa daan ay pinulot kona para na din mag pasalamat siya daw ang nag dala sakin sa clinic nong gabi ng Acquaintance. Tinanong ko din siya kong sinaktan ba siya nung dalawang babaeng naka hood pero sabi niya wala naman daw ibang tao don.

Hiraeth Academy: Halls Of Ivy  (On-Going)Where stories live. Discover now