Chapter 7 : The Mind Reader

48 13 1
                                    


Kinabukasan maaga akong nagising, kahit hindi pa tumutunog ang kampana ay naligo na ako. Sinuot kona rin ang pang ilalim ko sa uniporme. Tapos yung roba namang ay ipinasok ko muna sa bag ko. Tulog pa si Mix nung lumabas ako ng kwarto. Pag labas ko madilim pa sa labasan. Tanging mga sulo lang ang nag bibigay liwanag sa mga hallway. Naisipan kong mag libot libot muna hanggang sa napadpad ako sa likod na bahagi ng kastilyo.

Meron ditong malawak na damuhan at sa bandang kanan naman ay may makikitang garden. May bakod ito pero hindi naka lock, parang sinadya. Kaya pumasok na ako. Maraming halaman sa loob. May nakita din akong bench kaya naisipan kong umupo dun na naka talikod sa mga bulaklak. Dahil naiinip nako kaya naisipan kung kumanta.

"Everybody loves the things you do
Form the way you talk to
the way you move
Everybody here is watching you
Cause you feel like home
Youre like a dream come true"

"But if by chance youre here alone
Can i have a moment before i go?
Cause ive been myself all night long
Hoping you're someone i used to know"

Hindi pa man ako nakakarating ng chorus ay may narinig nakong reklamo. "Ano bayan! Ang ingay ingay may natutulog dito!" Rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. At biglang gumalaw ang mga halaman sa likod ko.

What the? Sira ulo ba siya? Bakit dito sya natutulog? "Eh bakit ka ba dito natutulog!?" Tanong ko sa kanya.

Wow ha parang kasalanan ko pa.

Bigla siyang tumayo at pinagpag ang sarili. Magulo ang buhok at halatang bagong gising. Teka? Si Warren pala to! Anong ginagawa nya dito bakit dito sa natutulog? Bigla syang nag lakad na parang wala syang narinig ng bigla kong hinila yung braso nya at hinarap sakin. Nakita ko ang gulat sa mga mata nya. Agad syang ngumiti at napa kamot sa magulo nyang buhok.

"Oy Marga, musta? Bat andito ka?" Pag tatanong nya na parang walang nangyari.

Humalukipkip naman ako at tinaasan sya ng kilay. "Dapat ako nag tatanong sayo nyan Warren? Anong ginagawa mo dito at bakit ka dyan natutulog?" Dirediretso kung tanong sakanya.

Sasagot na sana sya ng biglang tumunog ang kampana hudyat na kaylangan na pumunta ng nga estudyante sa Dining Hall para mag breakfast. Napatingin naman ako Kay Warren ng bigla syang tumakbo ng mabilis papasok sa kastilyo. Sira ulo bayon? Bigla nalang sumusulpot tapos walang pa Alam na aalis.

Nag sisimula na akong kumakain ngayon dito sa dining hall kasama ang DF. Nakita ko na rin si Mix kasama nya ang Bf (Berdivour Family) nya. Pero si Warren? Hindi ko padin nakikita.

Tumunog na ang ikalawang kampana. Means ilang minuto nalang at mag sisimula na ang first subject. Kaya agad na akong tumayo para pumasok sa una kong klase.


Nasa labas na ako ng malaking pintuan ng dining hall ng may humawak sa balikat ko. Agad naman akong napa linggon. "Hi Marga." Naka ngiting bati ni Camille. "Hello, bakit dika sumabay sa pagkain kanina?" Tanong ko sakanya kasi Hindi ko sya nakita sa upuan nya.

"Kaka gising ko lang kasi eh. By the way Alam mo bang mag classmate tayo sa first class?" Pag tatanong nya habang nag lalakad kami. "Hindi eh. Pero maganda yon para may kilala naman ako."

Pag pasok namin sa classroom ay nag titinginan sakin ang ibang estudyante Pero hinayaan ko nalang kasi mukang ngayon lang sila nakakita ng tao. May bakanteng upuan sa may dulo kaya doon ako dumiretso. Si Camille naman ay sa may malapit sa bintana umupo.

Ilang minuto ay biglang tumahimik ang loob ng silid. Nakikiramdam lang ako dahil nga sa weird na ikinikilos nila hanggang narinig ko ang malakas na kalabog ng pinto at pumasok ang isang lalaking nasa sa tansya ko ay nasa 37-49 na ang edad. Inilapag nya ang dala nya sa maliit na lamesa sa harap at tinignan kami isa isa hanggang napa tingin sya sakin. Biglang nanliit ang mata ng guro na wari bang sinusuri niya ako. Creepy

Nag simula na syang mag turo pero syempre nag pakilala muna sya. Sya raw si Mr. Tomasil F. Giorgio ang magiging guro namin sa Mind Reading & Controlling sa buong Quarter. Pwede pala yon no? Pero syempre ano bang inexpect ko? Na tuturuan ako dito kung pano mag karate?

"Well Ms. Hera sa totoo lang pwede kang matuto ng karate dito sa subject kong ito dahil hindi lang isip ang pinapalakas dito kundi ang pangangatawan din."

Nagulat ako ng biglang nag salita si Mr. Giorgio na para bang.. Nabasa nya ba ang iniisip ko?!

Nag tinginan naman sakin ang mga classmate ko kaya. Umiwas nalang ako ng tingin at nag tuloy na din si Mr. Giorgio sa dinidiscuss nya.

Malapit ng matapos ang klase ng biglang lumapit ulit sakin si Mr. Giorgio at sinabing pumunta raw ako sa office nya dahil may sasabihin sya.
Hmm? May mali ba akong nagawa? Nakinig naman ako ng mabuti sa klase kanina ah?

Matapos ng klase ko ay may vacant ako kaya sumaglit mona ako sa office ni Mr. Giorgio. Kakatok palamang ako ay bigla ng nag bukas ang pintuan at nakita ko siyang nag aantay saakin sa lamesa nya. Agad naman akong pumasok dahil halatang na iinip nasya.

"May problema po ba sir?" Pag tatanong ko sakanya. Dahil wala talaga akong idiya kung bakit nya ako pinatawag.

"Ms. Hera tungkol dun sa kanina. Oo ang sagot ko." Diretsong sagot nya sakin. Ano raw? Anong oo? Napakunot ang noo ko.

"Oo kaya kong basahin ang mga iniisip nyo. Im a Mind Reader." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "Talaga sir?" Wow. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakakilala ng mind reader. Akala sa mga magic shows lang may ganon.

"Pero nandito na ako ngayon sa harap mo diba? Marami kapang mga bagay na matutuklasan sa mundong ito. Pati narin sa totoo mong pag katao at sa kapangyarihan taglay mo."

Totoong pag katao? Kapangyarihan ko? Naguguluhan ako.



To be continue.....



Featured song:
When We Where Young by Adele

Hiraeth Academy: Halls Of Ivy  (On-Going)Where stories live. Discover now