Chapter 2 : Hiraeth academy

90 12 1
                                    

This chapter is dedicated to MalditaJuliana






Naramdaman ko ang pag tama ng likod ko sa matigas na bagay pero hindi ko na iyon ininda dahil umiikot pa ang paningin ko dahil sa pag pasok namin sa portal ng maramdaman ko nanaman na may humila sa akin.

"Di mo ba talaga ako titigilan sa paghihila mo?" Naiinis kung daing sa kanya. "Hindi , hindi hanggat hindi pakita nadadala sa Headmistress"

Napaisip ako sa sinabi nya. Ano nalang kaylangan ng headmistress nayon at nasaang lugar na ba ako?

Marami kaming puno na nadadaanan. Parang gubat?

Nag sisimula nakong kabahan dahil una. Kinaladkad ako ng lalaking to na umiilaw ang Mata at pangalawa nandito ako sa isang lugar na walang ibang nakikita kundi puno. Binitawan nya nako pero sinabi nyang sumunod raw ako sakanya.

Makalipas ng ilang minutong pag lalakad ay may natanaw na akong ilaw at saka napansin kong Gabi na pala! "Teka bakit andilim? Gabi naba!?" Pero wala akong narinig na sagot mula sakanya nanatili nalang akong tahimik na sumusunod sa kanya hanggang sa...

"Hala ano yan!?" Sigaw ko ng makita ko ang isang malaking kastilyo. Pakiramdam ko isa kung ignorante na ngayon lang nakakita ng kastilyo. Tinignan ako ng lalaking kasama ko "yan?" Itinuro nya ang kastilyo. "Yan ang Hiraeth Academy " Hiraeth? Ano yun? Yun ba yung pangalan ng malaking kastilyong yon? So paaralan yan?

"Hiraeth academy , yan ang lugar na sinasabi ko sayo. Kung saan ka mag-aaral"

"Wait , what!? Bat naman ako mag aaral dyan? Tsaka pwede bang ibalik muna ko kung saan moko hinila! Panigurado ikalawang subject na ngayon!" Pag mamaktol ko sakanya.

Bigla syang tumigil sa pag lalakad dahilan kaya para mauntog ako sa likod nya "Ahh! Bat kaba biglang tumitigil?" Naka kunot-noo kung sigaw sakanya. Bigla syang humarap sa akin at nag salita.

"Pag dating natin sa loob umayos ka ng pag sasalita , wag mong dalhin sa mundong to ang ugaling naka lakihan mo sa mundo ng mga tao"

Mundo ng mga tao? Ano bang sinasabi nito? Naguguluhan nako. Sa tono ng pananalita nya ay parang hindi basta tao ang naninirahan sa mundong ito. Tss ano bang iniisip ko? Syempre! Ito ngang kasama ko eh kayang gumawa ng portal papunta sa ibang mundo eh

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay diko namalayang nasa harap na pala kami ng isang malaking pinto. Tinignan ako ng lalaking humila saken.

"Handa kana ba?"



Author's Note:

Gusto mo bang idedicate ko sayo ang isang chapter??? Just message me or comment lang. *wink*
Have a good day sweetie..

Hiraeth Academy: Halls Of Ivy  (On-Going)Where stories live. Discover now