Chapter 12 : New Family Member

36 11 0
                                    

May narinig akong yabag ng paa na papalapit sa akin. Pigil hininga akong pumikit at huminga ulit ng malalim. Iniisip ko kung ano ang gagawin sa akin nong babae pag na abutan niya ako dito. Sasampalin niya kaya ako? O baka naman sasa bunutan o dikaya mas malala ba pag tulungan nila akong bugbugin. Hindi puwede. Lalaban ako! itinaas ko ang dalawang kamay ko at nag form ng parang manununtok. Never let your guard down!

Handa na akong makipag suntukan ng naramdaman kung may humila sa braso ko. Agad kong idinilat ang mata ko at kung akala ko ay yung babaeng maikli ang buhok ang humila sakin nag kakamali ako, dahil sa warren pala ang humihila sakin papalayo sa pasilyong iyon. Ang higpit ng hawak nya sa braso. "Aray warren! masakit ah, san mo ba ko dadalhin?" tahimik kung bulong dahil baka marinig nong babae. lumingon naman ako tinignan ko kung andon paba yung mga babae pero wala na.

"Aray! bitawan mo nga ako." Sigaw ko kay Warren ng makalabas kami ng kastilyo. Tinignan nya naman ako sa mata at namulsa. "Balak mo bang ilagay sa panganib yang buhay mo?" Seryosong tanong nya sakin. "Bakit? Kilala mo ba yong  dalawang babae? Pano mo na sabi na pwedeng manganib ang  buhay ko?" Naka tingin lang sya sakin na para bang walang siyang narinig na tanong ko. "Basta lumayo ka sa dalawang yon." walang pasa pasabi ay nag lakad sya palayo sakin. Tinignan ko nalang sya hanggang mawala sya sa paningin ko.

Tinignan ko naman ang paligid. Mag tatakip silim na. Gusto ko pa sana mapanood ang pag lubog ng araw ng maalala kong may kaylangan pala akong puntahan. Agad akong bumalik sa kwarto at nag ayos.

7:00 Pm lumabas na ako ng kwarto at nag tunggo sa Forest. Habang nag lalakad ako sa may lawa ay sina nalubong ng malamig na hangin ang balat ko, tila ba nag papa hiwatig ng hindi maganda. Wala ding gaanong bituwin sa langit sa gabing ito.

Papalapit na ako sa gubat ng may nadinig akong kaluskos sa likod ng isang puno. Sumilip ako pero wala akong makita dahil medyo madilim. Nag patuloy nalang ako sa pag palakad. Iniisip ko kung sino ba ang gusto makipag kita sakin sa ganto ka liblib na lugar?
Inilibot ko ko ang paningin ko sa buong lugar pero maski anino ay wala talaga akong nakikita.

Tumigil na ako sa pag lalakad dahil pakiramdam ko ay wala naman yatang tao dito. "Hello? May tao ba dito?" sigaw ko dahil nag baba kasakali akong baka dumating yung nag bigay ng sulat. Ngunit wala akong narinig na sagot. Tama nga ang kutob ko, ako lang nga talaga ang tao dito.

Tumilikod na ako at nag simulang mag lakad ng may madinig ako. "pppsssstt" tumigil ako at muling lumingon pero wala padin namang tao. Bumuntong hininga ako at nag tuloy nalang sa pag lalakad ng muli ay nadinig nanaman ako. "Psssst Mahrgha". Kinilabutan ako dahil sa pag kakataong ito ay pati ang pangalan ko ay kasama na. 

"Sino kaba? anong kaylangan mo sakin?" natatakot kung sigaw. Biglang gumalaw ang sangga sa ibabaw ng isang puno kaya napa tingala ako dun. May nakita akong tao dun naka suot sya ng pulang kapa na may talukbong kaya tanging mga labi lang ang nakikita.

Bigla naman lumitaw ang isa pang naka suot ng puti namang kapa na may talukbong sa ka bilang puno. Kita sa mga labi nito naka ngisi sya. "Anong kaylangan ninyo sakin?" Kinakabahan kung tanong. 

"Wala ka ba talagang ka alam alam ha? o baka naman  nag papanggap kalang na walang alam?" Sabi ng babaeng naka puti. "Wala akong alam sa sinasabi mo. Huling tanong, Anong kaylangan nyo sakin?" Pag didiin kong tanong sa kanila. "Wala naman masyado, Gusto lang naman naming gawing impyerno ang buhay mo." Sabi nong babaeng naka pula at itinaas nya ang kamay nya. May nakita akong liwanag galing sa loob ng talukbong nya na nag tatakip sa muka nya. Bigla naman may lumabas na apoy sa mga kamay niya at tumalon sya mula sa puno. Unti unti syang lumalapit sakin. Dahan dahan din akong umaatras dahil ayokong mag liyab dahil sa apoy sa kamay nyon.

Sumunod namang bumababa yung babaeng naka puti. Naka ngisi padin sya at nakakatakot yon. "At sisimulan namin dito." Itinutok nya ang kamay na sa apoy na nasa palad ng kasama nya, katulad ng kanina may liwanag din na nanggaling sa talukbong niya. Bigla namang may malakas na pwersa ng hangin ang lumabas mula sa mga palad nya. Dahil don ay kumalat ang apoy sa buong paligid. "Go on and enjoy the heat Devil!" Sigaw nung babaeng naka pula. Sa isang kurap lang ng mata ay nag laho silang dalawa.

Hiraeth Academy: Halls Of Ivy  (On-Going)Where stories live. Discover now