KINGDOM OF LER

354 24 18
                                    

KINGDOM OF LER

Sumilay ako sa bintana ng aking opisina at nakikita ko mula rito ang ganda ng kaharian ng Ler, at ang unti unting pagbangon nito matapos ng mahabang labanan at digmaan ilang taon na ang nakakalipas.

Naalala ko tuloy ang palaging kinukwento sakin ni kapitan Sulturian, tungkol sa seeds of sentinel at ang karanasan nya matapos nila makipag digmaan at makipag laban sa grupo ng mga nais na sakupin ang buong Karishial, Exeleria, at Universe.

Salamat nalang sa taga mundong nahirang bilang seeds of sentinel at kasama narin ang seven captains of  Royal Guards of Kingdom Of Ler, na binubuo ng 7 Division.
Dahil nailigtas nila ang buong Universe, Karishial, at Exeleria,

Nakilala sila sa buong mundo ng Sanelya, na kahit na bago palang ang iilan sa kanila na hinirang bilang mga bagong kapitan ng Royal Guardians of Ler ay pinakita na nila ang kanilang kakayahan na karapat-dapat sila bilang kapitan ng royal guardians ng Ler.

Sandali akong natigilan sa aking pag ninilay-nilay ng may bigla akong narinig na boses, at galit na galit ito. Kilala ko itong boses na ito. Dahil kay Kapitana Covalt ang boses na iyon na aming Ika-unang Commander in Chief dito sa seven division royal guardian of Kingdom of Ler ng bagong Era, at sya din ang kapitana ng First Division.

Habang pinapakinggang ko ang papalapit na papalapit na boses nito ay bigla nalang malakas na bumukas ang pinto, at si Commander In Chief Covalt ito.

"THIRD-IN-COMMAND Emonen!" Si Kapitana Covalt at kitang kita ko sa mukha niya ang inis. Malamang sa kapitan ko nanaman ito naiinis dahil palaging nawawala ito.

Hay naku kapitan Sulturian nasan kana ba?

"Nasan na si kapitan Sulturian??" Bulalas nito at di parin mawala ang pag kainis ni Kapitana Covalt.

"W-wala pa po sya." Di ko mapigilang mautal dahil nakakatakot talaga si kapitana Covalt.

"Siya nalang ang wala sa pagpupulong-- naku nalang" sabay lumabas na ito ng division office namin.

Kailangan ko hanapin si kapitan nakalimutan ko na kasama ang supreme royal guardians sa meeting na iyon, malilintikan nanaman ang seventh division.

Mabilis akong tumatakbo papunta sa Vermil City para makapunta sa Vermil forest kung saan alam kong nananatili ang aking kapitan, at malamang ay kasama nya si Second-in-command Moyaj.

Patuloy ako sa pagtakbo papunta sa Vermil Forest, at nang makarating ako sa bukana ay may humarang sakin na isang babae na ka-edad ko lang at bigla akong napatigil dahil siya ang Ziera (Princess) namin na anak ng ika-anim na Zeri (Ruler) ng Ler, at ang angkan lang nila ang hindi kadugo ng mga naunang Zeri.

Ang unang Zeri daw hanggang sa pang lima ay magkakapatid, at sila ang tinuturing ngayon na Diyos ng Buong Sanelya World, dahil matagal na panahon nila hinawakan ang mundo ng Sanelya, sila ang pinakamalakas sa buong Senalya. Ngunit nang nawala ang limang ito at sinasabing kinuha na sila ni atchae at ginawa naring diyos ng Senalya, ay pinasa nila ang Senalya sa walong Supreme Royal Guard ng Senalya. Ngunit walang pumayag sa mga ito ang mag halal ng bagong pinuno, kaya naman ay hinati nila ang Senalya at gumawa ng bagong kaharian.

Teka bakit pala andito ang aming Zierra?

"Kawal iligtas mo ako" utos nito, at nakita ko ay isang tao na nakasuot ng maskara ang lumalapit sa aming Zierra.

Wow kawal talaga, third-in-command ako ng ika-pitong dibisyon.

Mabilis akong lumapit papunta sa Zierra ngunit may naramdaman akong presenya galing sa likod ko, kaya mabilis akong nawala at pumunta ako sa likod nya para umatake. Mabilis din ang loko na iyon at nasangga nya agad ang sipa ko.

SEEDS OF SENTINEL (COMPLETED AND UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon