CHAPTERS 3
OPERATION: KILL THE EARTHLING
Habang nakaupo si Brendant sa kanyang kama ay iniinda nya parin ang tinamo nyang pinsala. Pakiramdam nya ay halos parang nadislocate ang kanyang ribcage sa ginawang atake ni Bazel.
Nagulat naman si Brendant ng magsalita si Gernanth na nasa tabi nya. "Bata kung ordinaryong nilalang ka malamang baldado kana o patay kana, pero dahil nga sa isa kang hinirang na seed of sentinel ay may lakas at kapangyarihan kang taglay."
Napahawak naman si Brendant sa kanyang dibdib dahil sa gulat. "Grabe ka para kang kabute!"
"Pasensya nakalimutan ko pala na kumatok sa pintuan mo" sabay higop ni Gernanth ng kape.
"Saan ka naman dumaan?" Nagtatakang tanong ni Brendant.
"Wala akong dinaanan. Kundi gamit ko ang teknik na naimbento ko na pwede kang mapunta sa lugar na gugustuhin mo " sabay tinapik nya ang balikat ni Brendant.
"Brendant kailangan mona mag sanay at mailabas ang kapangyarihan mo. Alam kong naguguluhan kana pero hanggang maaga pa ay dapat malaman mona sa ayaw at gusto mo ay ikaw ang hinirang na seeds of sentinel." Sumeryoso bigla si Gernanth at malaman na tumitig kay Brendant.
"Dapat maging handa kana kasi hindi natin alam kung kailan sila darating." Dugtong pa nito.
"Bakit ako??" Tanong nito kay Gernanth, dahil sa sobrang gulo ng isip nya at dala narin ng kalituan.
"Dahil may rason si Atchae kung bakit ikaw ang hinirang" matapos ay tumayo ito at nilapag ang tasa sa la mesita.
"May mga bagay talaga sa mundo na mahirap ipaliwanag. Pero baka malay mo pag tinanggap mo ng buo ang pag hirang sayo ay doon mo malaman ang sagot." Matapos ay tinapik nya si Brendant sa balikat.
"Mag handa kana Brendant sa pag sasanay, pag tapos mo mag bihis at mag almusal sisimulan na natin ang pag sasanay. Ipapasundo nalang kita kay third-in-command Emonen" at tinitigan niya ito at tumango.
Matapos nya mag ayos at mag almusal ay sinundo na sya ni Miekha para dalhin sa lugar kung saan sya sasanayin.
"Anong klaseng pag sasanay ba itong sinasabi sakin ni Gernanth" tanong niya kay Miekha.
"Basta malalaman mo din mamaya" at matamis na ngumiti si Miekha sa kanya at nawala silang bigla.
Nang makarating na sila sa lugar na pagsasanayan nya ay nagulat ito dahil parang bundok ito ng mga bangkay kaya naman ay natakot ito.
"Oh wag ka mag alala mga inbensyon yan ni kapitan. Mga dummy yan para sa pag sasanay" sabay hinawakan ni Miekha ang kamay ni Brendant, at tuluyan na naglakad.
Nang makalapit na sila sa bundok ng mga bangkay ay nagbukas ito, at labis iyong ikinagulat ni Brendant.
"Tara na wag kana matakot" sabay hinawakan ni Miekha si Brendant sa damit at hinagis sya sa loob.
Bumagsak si Brendant sa naglalaguang mga damo na kulay asul, at kahit papano ay nabawasan ang maaring sakit na mararamdaman niya.
"Hello taga Earth" masayang bati ni second-in-command Moyaj.
"Tumayo kana dyan at mag sasanay na tayo taga Earth" dugtong pa nito at pinipilit nya na tumayo si Brendant.
Tumayo na si Brendant at pinagpag ang kanyang damit at nilibot nya ang kanyang mga mata, at sandaling syang naaliw ng paligid, napakatahimik, at ang simoy ng hangin na nalalanghap nya ay napakalinis kumpara sa Mundong kung saan sya nakatira.
BINABASA MO ANG
SEEDS OF SENTINEL (COMPLETED AND UNDER REVISION)
FantasíaHIDDEN WORLD #1:BRIDGE WORLD: SANELYA