CHAPTER 9

38 12 1
                                    

CHAPTER 9

YOU DONT NEED TO WORRY.

Habang patuloy na tumatakbo naman ang fourth division guardians kasama ang trainee na sila Faye Shendara, at Shamela  ay may humarang sa kanilang dalawa.

"Walang kikilos" sambit ni  Adz na second-in-command ng ikalawang dibisyon at kasama nito si Vhi-en ang third-in-command ng ikalawang dibisyon.

"Paraanin nyo po kami nasa isang misyon kami, para hanapin at paslangin ang taga Earth." Wika ni Faye.

"Hindi namin kayo papayagan. Sana makipag kooperasyon kayo kung ayaw nyo matulad sa second-in-command at third-in-command ng ika-anim na dibisyon kanina lang." wika ni Adz.

Napailag naman si Adz ng may umatake sa kanya galing sa kaliwa, ganun din si Vhi-en.

"Sige na tumuloy na kayo" wika ni Janie na second-in-command ng first division na pinamumunuan ni commander-in-chief Covalt.

"Salamat po second-in-command Covalt." pasalamat ng isa sa mga guardians ng ika-apat na dibisyon.

"Vhi-en habulin mo sila." Utos ni Adz.

Akmang paalis na si Vhi-en ng sugurin siya ni Janie, ngunit mabilis si Adz kaya naman inatake nya si Janie kaya nakaalis si Vhi-en.

Habang nasa ere ay nagpalitan si Janie at Adz ng malalakas na sipa at suntok na nagpapayanig ng paligid nila at halos hindi na sila makita sa sobrang bilis nila.

Isang malakas na sipa ang pinakawalan ni Janie at sinangga ito ni Adz ngunit sadyang malakas ang sipa na iyon kaya bumagsak siya mula sa ere na parang isang bulalakaw.

Bumaba naman si Janie dahil alam nyang hindi basta Basta si Adz.

"Second-in-command Padious bumangon kana dyan" turan ni Janie.

"Property of wind: art of summoning: canis minoris of the wind tribe" 

Nagkaroon ng diagram sa lupa na malapit kay Janie at may lumabas na mga mababangis na aso na gawa sa hangin at mabilis itong sumugod kay Janie.

" Isang level 5 property of wind summoning type" sambit ni Janie na may pangamba sa mukha dahil hindi biro ang isang level 5 property summoning.

Bigla silang nakaramdam ng isang napakalakas na Sinerg at isang himig ng isang ibon na parang dinadala sila sa himpapawid, at galing iyon sa Maté ni Collana. Halos tinutulak sila pababa ng pwersa na iyon pero kahit papano ay kaya nilang alalayan ang sarili nila.

"Wala akong magagawa kundi gamitin din ito, kahit ayaw ko man gamitin ang kapangyarihang ito sa kapwa ko guardians." sambit ni Janie at nagliwanag ang kanyang katawan.

"Contract of the Bomb specialist: Erzon" marahang sambit ni Janie at nagbalik sa normal ang kanyang kapangyarihan.

"Bomb specialist huh!" nakangiting sambit ni Adz.

Gumawa naman ng bolang enerhiya si Janie at ibinato niya ito kay Adz, habang nakatingin lang si Adz sa kanya at minuwestra ang kamay nito kaya sumugod ang mga mababangis na aso na gawa sa hangin.

SEEDS OF SENTINEL (COMPLETED AND UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon