CHAPTER 8

47 15 0
                                    

DEDICATED TO LuffySabo0

CHAPTER 8

THE BEGINNING

Ilang linggo na ang nakakalipas ng bigyan ng misyon ni Gernanth sila Miekha, Clavé at Lala na bumalik sa Osmon, ay tinatahak na nila ngayon ang Border sa pagitan ng Vermil at Osmon. Hindi rin sila ginamitan ni Gernanth ng special teknik nito na kaya silang mapunta agad sa lugar na iyon, ang totoo ay nakalimutan iyon ni Gernanth dahil sa pagmamadali nitong gumawa ng plano.

Isang malaking ilusyon lang pala ang nangyari sa loob ng Ler para maisagawa ang kanilang plano.

"Kawawa naman yung hinuli ng fifth division, mga dummy lang na gawa ni kapitan" wika ni Miekha.

" Pero ang galing ni kapitan diba?" manghang-mangha na sinabi yun ni Clavé.

"Isang ilusyon na lahat ng nasa Ler ay nalinlang nito." Di mapigilang matawa si Lala sa nangyayari sa loob ng Ler ngayon.

"Pero second-in-command mawawala din ba ang bisa non?" Tanong ni Miekha kay Lala.

" Oo at ilang oras narin ang nakakalipas, nang magising sila." tugon ni Lala.

Habang nakaupo si Aria sa kanyang quarters ay galit na galit ito nang magreport si Anajo.

"Naisahan tayo ng loko-lokong iyon." Sabay malakas niyang ibinagsak ang kanyang nakasaradong kamay sa lamesa nya.

"Pasensya na Commander-in-chief, lahat kami ay nalinlang matapos namin magising. Maging si kapitana Vitaz ay di makapaniwala na umaresto sila ng isang taong hinulma lamang sa kahoy." Mahabang paliwanag nito habang nakayuko at ramdam parin nito ang antok.

Biglang may narinig sila na tumatawa at pamilyar iyon sa kanila.

"Ang batang iyon talaga, napaka pilyo." wika ni Lorena at di parin mapigilan ang kanyang pag tawa.

Tumayo naman si Aria at Anajo at yumuko sila sa harap ni Lorena.

"Hayaan mo Aria pagagalitan ko ang batang iyon dahil sa kapilyuhan nya. Pati kami ay nalinlang nya." Pangako ni Lorena at di parin mawala ang ngiti sa kanyang labi.

" Opo kamahalan" tugon ni Aria.

"Wala naman kaming magagawa dahil paborito nyo ang loko-lokong iyon" sambit ni Aria sa kanyang sarili.

"Loreeenaaaa!!!!" sigaw ni Karmen na nakaagaw ng atensyon nila Anajo at Aria.

"Oh Karmen mainit nanaman ang ulo mo" malumanay na sambit ni Lorena.

"Yung anaka-anakan mo napaka-loko talaga" halos namumula na ito sa init at umuusok na ang ilong.

"Hay wag mo kalimutan anak-anakan nating supreme royal guardian si Gernanth malamang ay may pinagmanahan ang batang iyon" Sabat ni Liya.

" Walang iba kundi si Paradizo" wika naman ni Jenalin at dahan dahan itong ngumiti ng nakakaloko, at tumingin kay Paradizo na papasok palang.

" Mga kamahalan pasensya na po, pero ano po ba ang maitutulong namin sayo." sambit ni Aria.

"Hanapin ang pasaway na batang iyon" at nahimigan ni Aria at Anajo ang galit galing sa boses ni Paradizo na pumasok sa loob ng quarters ni Aria at kasama nito si Graxia.

SEEDS OF SENTINEL (COMPLETED AND UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon