CHAPTER 4
JEZUL VERHUS
Ilang araw na ang nakakalipas ay patuloy parin sila Miekha at Clavé sa pag pagsasanay kay Brendant, at nakikita naman nila ang pag i-improve ni Brendant.
Biglang nakaramdam sila na parang may tao sa loob ng kanilang sekretong silid ng pagsasanay.
"Magpakita ka kung sino ka man" sambit ni Clavé at inihanda nya ang kanyang sarili
" Oh kalma ka lang fourth-in-command Dayeth, ako ito" sambit ni Gernanth na biglang lumitaw sa harapan nila.
"Pasensya na di na ako dumaan sa lagusan, dahil inilagay ko muna iyon sa aking capsule." Paliwanag ni Gernanth.
"Bale nasa loob tayo ng kapsula?" manghang tanong ni Clavé
Tumango lamang si Gernanth.
"Kamusta ang taga Earth??" Sabay tinapunan nya nang tingin si Brendant na bakas sa mukha nito ang pagod at hirap ng pagsasanay.
"Ayus naman siya kapitan" sagot ni Miekha.
"Aalis na tayo dito at pumunta kayo sa bayan ng Osmon at ito ang papel dito nyo hanapin ang taong ito, sya na ang mag papatuloy sa pag sasanay kay Brendant. Iiwan muna natin sya sa pangangalaga ng taong yan." sabay inabot ni Gernanth ang papel Kay Miekha.
"Pagkatapos nyo ihatid ang taga Earth ay mabilis kayong bumalik sa division office natin." Dugtong nito at may lumabas na magical diagram sa lupa na inaapakan nila.
"Sandali muna tayong mag hihiwalay, taga Earth may dapat lang akong tapusin" Sabi ni Gernanth at bigla na silang nawala sa loob ng silid na iyon.
Napad-pad ang apat sa isang lugar na halos walang nakatira.
"Maligayang pagdating sa bayan ng Osmon (Land Of Bandits,rebel and Criminals)" sarkastikong sambit ni Clavé.
"Bakit dito sa lugar na ito nakatira ang taong ito" sabay bukas ni Miekha ng papel na ibinigay ni Gernanth sa kanya at may nakasulat dito na.
" Ang Baliw!"
"Teka halos parang wala ng nakatira dito ha!" wika ni Brendant.
"Wag kayo mag alala taga dito si fourth-in-command" Sabi ni second-in-command Moyaj.
Nanumbalik naman ang mga alala ni Clavé sa lugar na ito, ito ay isang lugar kung saan ay nilimot na nya at maging sa hinagap nya ay ayaw na nyang balikan.
Biglang may naglabasan na mga grupo na nakapalibot agad sa kanila. Napahanda naman sila sa kanilang sarili para pag handaan ang gagawin pag atake ng nakapalibot sa kanila.
"Sandali lang" utos ng isang babae ang pumigil sa mga iyon.
"Ate Clavé?" Dugtong nito at hinubad ang maskara nito.
Pamilyar naman ang boses na iyon.
"Ashanta?" Wala paring emosyon ang pinapakita sa mukha ni Clavé.
BINABASA MO ANG
SEEDS OF SENTINEL (COMPLETED AND UNDER REVISION)
FantasiaHIDDEN WORLD #1:BRIDGE WORLD: SANELYA