CHAPTER 12

73 13 1
                                    

CHAPTER 12

MEET AND GREET

AND

PARTING TIME

Habang humahalak-hak si Hudson at iniipon ang kidlat na may kasamang enerhiya sa kamay nya ay biglang nawalan ito ng malay at bumagsak sa lupa.

"Pasensya na Hudon ha, ang harot-harot mo kasi" sambit ni Lala na nasa likod ng bumagsak na si Hudon.

"Second-in-command Moyaj" sambit nila Miekha at Clavé at dahan-dahang tumayo at lumapit kay Lala.

"Anong nangyari sa kanya, nag iba ang kulay nya" tanong ni Miekha habang nakatingin kay Hudon na namuti ang mata.

"Ahh may nakuha kasi akong pakalat kalat sa burol kung nasan ang ibang guardian ay nagpapahinga-- di ko naman alam kung anong meron kaya sinubukan ko kay Hudon at tinusok ko sa pwet nya." sabay tiningnan nya ang nagdedelirio na si Hudon, habang hawak niya ang isang matulis na tinik na nasa sampong talampakan, at ito ay galing sa isang uri ng halaman na nakakapag-paralisa sa loob nang isang araw.

Napangiti naman ang dalawa dahil kahit ano man ang nangyari natulungan sila ng kanilang second-in-command.

"Nasan na ang taga Earth?" tanong nito at ineksamin ang paligid.

"Napalaban sya kay Baz--" naputol iyon dahil hinawakan sila ni Lala sa kanilang kamay at hinatak.

"Bilisan na natin" sambit ni Lala.

"Oo nga second-in-command Moyaj, para matulungan natin si Brendant." wika ni Miekha.

"Hindi iyon ang dahilan.." seryosong sambit nito.

"Ano?" sabay na tanong ni Miekha at Clavé.

"Manonood tayo nang laban, hindi na ako makapaghintay" sabik na sabik na sinambit iyon ni Lala.

Napaismid at napaangat naman ang kilay ng dalawa sa sinabi ni Lala.

***

Patuloy ang sagupaan ni Brendant at ni Bazel sa ere at halos kalahati ng paligid nang pinaglalabanan nila ay malaki na ang nasisira. Mabibilis na suntok sipa, at palitan nila ng spesyal na atake ng kanilang Maté.

"Fist of abomination!!!" sigaw ni Bazel at isang itim na enerhiya ang lumabas sa kamao nya, na waring nag ngangalit ito.

"Fist of justice and valor!!!" sigaw ni Brendant at isang normal na enerhiya naman ang lumabas sa kamao nya na may asul na halo.

Isang malakas na pagsabog at pagyanig ang dulot ng nagsalpukan na kapangyarihan nila Brendant at Bazel.

Nang makababa sila sa lupa ay kapwa ramdam na nila ang pagkapagod, at pagkahapo na senyales na malapit na sila sa kanilang limitasyon.

"Wala na akong natitira na lakas" sambit ni Bazel sa sarili nya, at sumugod ito kay Brendant na nakatayo nalang.

"Isang suntok ka nalang" wika ni Bazel na punong puno ng kompiyansa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SEEDS OF SENTINEL (COMPLETED AND UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon